Update 4: Feeling Bata.
"ha? Enchanted Kingdom?" shocked kung tanong
"oo. bakit?"
"ang akala ko naman sa mall mo lang ako ipupunta o di kaya'y sa isang amusement park o sa isang arcade hall. eh dito lang pala. parang mga batang maliliit lang?"
"basta, wag nang may maraming tanong. saan mo gustong mag simula? sabihin mo lang."
"kahit saan."
"may ride bang "Kahit saan" Sandy?"
"ewan ko sa iyo. ikaw na bahala."
"HAHA. oh sige. basta, leave all your responsibilities for a while. just enjoy this. let just think na we we're kids again."
"okay. kuya!"
"kuya ka jan?"
"oo noh. mukha namang mas matanda ka sa akin eh."
"kailan ka pala pinanganak? year 199* so, year of the monkey ako"
"ahh. actually year 199*, year of the rooster, accelerated lang ng isang taon kaya naging ka batch mo ako. "
"ahhh. kuya nga. sabi ko nga. HAHAHA"
at ayun nag tawanan na naman kami. halos lahat ng rides eh sinakyan namin. mapilit kasi itong si Louie. i never thought na may good side pala itong lalaking ito. marami rin siyang naikukwento ng hindi niya namalayan.
"Salamat Sandy ha? nag enjoy ako ngayon. sorry. late na masyado."
"ahhh. okay lang. nag enjoy rin naman ako eh. pasensya na kung medyo strict or suplada ako last time and kanina. i just don't like what happened the other day."
"yun? ok na ok lang. tama nga talaga si Trish. mabait ka rin pala. and besides, nice rin naman tignan sa isang babae yung maldita. parang ayaw patalo. palaban masyado."
"si Trish talaga oh."
"paano mo napagsabay ang pagiging suplada sa pagiging mabait Sandy?"
"i dunno, it comes naturally. UNEXPLAINABLE."
"ahh. nice one. CHALLENGING."
"engk. by the way, can you send me back to school. iniwan ko ang car ko eh."
"ha? may car ka pala. hm. hatid na lang kita sa inyo. late na oh. baka na rin hindi ka na makakapasok."
"hindi pupwede, magagalit sa akin si kuya at daddy kung hindi ko inuwi ang car. don't worry. friends kami ni Manong Eric ano? kaya makakapasok parin ako."
"sige nga? tignan natin yang powers mo."
pumunta na kami ni Louie pabalik sa school
"Manong Eric! pwede pa po bang pumasok? naiwan po sa loob ang car ko."
"ahh. oo naman, may nag eensayo pa naman sa loob. yung mga dancers. hm. ikaw talaga Maria! sabi ko na car mo yun eh. saan ka ba galing?"
"may pinuntahan lang po kami nitong si Louie."
"ahh. oh sige. pwede ka nang pumasok."
"salamat Manong! hm. oh diba Kuya Lo? pinapasok ako. sabi ko kasi sa iyo eh. pwede ka ng umuwi. okay na po ako. thanks."
"no. i will wait here so that i am sure that you're safe going home."
"ha? ikaw bahala."
after kong nakuha ang car ko ay umuwi na rin ako. hindi ko namalayan na sinusundan pala ako ni Louie. from school hanggang sa bahay. Nahihibang na ba siya? eh, sayang sa gasolina yun. tsss.
"Lo? bakit mo ako sinusundan?"
"just to make sure that you are safe."
"hay naku. kayang kaya ko naman umuwi na mag-isa ah. kaya don't worry. it's my routine for almost 4 years na." oo, 4 years nang mahigit. masyado kasi akong naexcite nung tinuruan ako ni daddy mag maneho ng sasakyan at pinilit ko siyang gagamitin ko na yung car na binili niya for me.
"ok lang. at lea.." hindi pa natapos ni Louie ang explanation nang lumabas si Nanay Lydia at ang isang katulong.
"nay Lydia. nandito naman po pala si ma'am Cassandra."
"good evening Ate Lalai at Nanay Lydia. ahy nga pala Lo, this is Nanay Lydia nag alaga sa akin since then at Ate Lalai isa sa matagal na naming katulong siya narin ang naging Ate ko dito sa bahay. nay, si Louie po friend namin ni Trish at classmate/kinakapatid niya."
"ah. kinagagalak kong makilala ka hijo."
"nice meeting you sir Louie! ahy maam. akala ko po bagong boyfriend niyo."
"Ate Lalai naman oh. hindi po."
"oh siya pasok muna kayo. hinihintay ka na rin ng Daddy mo hija."
"paalis na rin naman si Louie Nanay. di ba Lo?"
"ahh. o-o-opo. sige Sandy. gotta go. bye po."
"Maria? ganyan ba ang tinuro ng parents mo sa mga bisita?"
"si Nanay talaga." pabulong ko. "ahh. hindi po. sige, pasok ka na Lo."
pumasok na kaming 3 at sumunod si Ate Lalai dahil inilagay pa ang mga basura sa labas
"hi baby girl! how's your day?"
"hi dad! good evening. it's a tiring day but it is okay. how about my handsome dad? kamusta ang mga pasyente?"
"okay naman baby girl. nakapahinga naman ako. oh. may kasama ka pala? hm. anong pangalan mo hijo?"
"ahy, tama. Louie, dad ko nga pala si Dr. Peter C. dela Torre. dad, classmate ni Trish at the same time friend rin po namin si Louie Jan T. Elizarde."
"napakilala ka na ng anak ko. hindi ka na nakapagsalita. nice to meet you hijo. may mga pasyente akong Elizarde. halos toddler yun."
"hello po. good evening. nice to meet you too doc. hm. baka po mga pamangkin ko yun."
"tito would be fine. wala ako sa work place hijo. ah. baka nga."
"sige po tito."
"baby? is Louie your boyfriend ha? why you didn't tell us na may boyfriend ka na pala?" sabay smile sa akin
"ano ba itong si daddy." bulong ko. "NO dad! he is just my friend. i hate that smile dad ha? then, don't call me baby dad. anlaki ko na kaya?"
"tito. friends lang po kami."
"ahh okay hijo. bakit naman baby? sige anak na lang. hehe."
hindi ko alam kung bakit natagalan ang pag-uusap nila Daddy at Louie. bihira lang kasi na may kausap si Daddy na mga lalaki kong friends at dahil na rin yun sa nangyari sa aming dalawa ni Timothy. at nung natapos silang mag kwentuhan ay umuwi na rin si Louie. hay, nakakapagod na araw pero masaya. naranasan ko kasi ulit maging bata. Salamat Louie!