Update 21: Happy Birthday Maria Cassandra!

16 1 0
                                        

Update 21: Happy Birthday Maria Cassandra!

After nung nalaman kong may sakit pala si Louie nung hinihintay niya ako sa meeting na umuulan ay gumaling na rin siya at lumabas na sa hospital after three days.

*flashback*

"Bakit mo pa kasi ako hinintay? Nag-iisip ka ba? Kahit kailan ang tigas ng ulo mo. Hindi ka sumusunod."

"Pot? Kaya ko naman talaga ah. Ikaw lang naman kasi ang nag-iisip at nag-iinsist na hindi ko kaya. Lagnat lang kaya to."

"Oo, lagnat lang pero bakit nasa hospital ka ngayon? Ewan ko sa iyo Yat. Hindi mo na kasi kailangan gawin yun palagi. Sobra na ang effort mo, hindi ko na alam kung gaano na ako overwhelmed sa mga ginagawa mo."

"Masaya naman ako sa ginagawa ko eh."

"Oo nga, masaya ka nga pero sana naman kung masama na ang pakiramdam mo sabihan mo naman ako at huwag mo na akong susunduin. Maiintindihan ko naman yun eh."

"Hay naku. Ate Jash? Ikaw ba yan?"

"Tse! Speaking of Ate Jash, tinawagan ako ni Ate Jash kasi nalaman niyang na hospital ka."

"Parang ikaw kasi si Ate eh. Don't worry madidischarge rin ako. Si mommy kasi sinumbong ako ke Ate na naadmit ako."

"Yun na nga. Mabuti na nga at lalabas ka na next next day. Ikaw ang kulet kulet mo kasi!" then I pinch his cheeks.

"Pooooot! Araaaaaay!" sabay pout. Ankyuuuuuuuuut niya.

*end of flashback*

Dahil nga sa nangyaring yun ay mas naging close kami ni Ate Jash at ng mama niya. Sinabi rin ng mama niya at ate niya sa akin na babantayan ko raw si Louie kasi medyo matigas ang ulo nun. Wow ha? Yaya lang ang peg ko? Ganun?

"Oh Yat ha? Wag ka kasing pasaway."

"Hay naku. Tatlo na kayong nag babantay sa akin. Okay na ako noh. Ikaw ang dapat mag pahinga kasi tuloy tuloy ang pag pupuyat mo. Have time to rest. Iiwan mo muna sa mga officers mo yung ibang trabaho."

"Kaya ko toh."

"Kaya daw. Pero ano yung nalaman kong hinihingal ka daw last day? Buti na lang sinabi ni Trish sa akin."

"Wala yun."

"Oh see? Ikaw dapat ang mag pahinga."

"Okay po sir! Magpapahinga na."

"Anyways, aalis ako Pot this Feb. 10."

"Saan punta mo?"

"Sydney, Australia. Engagement ni Ate."

"Ah. Ganun ba? Ilang araw rin kayo doon? February 8 na ngayon. 2 days na lang oh? Naka prepare ka na ba? Send my greetings to Ate Jash." Biglang nag iba ang mood ko pero hindi ko lang pinahalata. Lalaki na naman ang ulo niyan eh kapag malaman niya na malulungkot ako.

"1 week raw eh. Ang tagal nga. Hm. Prepared na mga gamit ko. Si daddy kasi sabi niya na mag-ayos na ako ng gamit maaga alis namin sa 10 eh."

"Ah. Okay. Enjoy mo na lang ang party!"

"Sana."

Habang may oras pa this day ay sinamahan ko na lang si Louie na ibigay ang excuse letter niya sa mga teachers niya kasi 1 week siyang mag-aabsent mabuti na lang activity period namin.

"Salamat Pot ha?"

"Okay lang yun."

"Tara? Uwi na tayo?"

"Sige!"

Kinabukasan ay niyaya niya ako lumabas.

Ooops, segue muna, February 9! Birthday pala to ng author natin. :)) Hi samuelle marii! :]

I Hate to Love this GuyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon