Update 26: College Life!

2 0 0
                                    

Update 26: College Life here we come!

1 month and a half na rin nung galing kami sa Paris.
Super na enjoy ko talaga ang trip namin. Nagawa ko kasi yung mga gusto kung gawin before man lang kami papasok this June.
Shopping, biking, sight-seeing, gala galore all over Paris and by night chit-chatting using Skype kanila Mom and Dad, Kuya Migs,
Sa Tres Marias na nag iba-iba rin ang pinuntahan. Si Alex pumunta ng London, si Nicole pumunta ng Italy at si Patricia pumunta ng Denmark. Kung tutuusin nasa Europe lang kami eh. Pwedeng pwede nila akong puntahan pero hindi ako pumayag kasi para ma enjoy nila ang vacation nila.
Nakausap ko rin yung tatlong pare ko na nag eenjoy sa California. Sabi pa nga nila na si Louie lang daw ang hindi nakasama dahil sa Paris ang trip. Mag hanap daw sila ng chika babes doon sabi ko naman, wag idamay si Louie diyan at isusumbong ko sila sa tatlo pero binawi rin nila.

After rin namin sa Paris ay nag bakasyon rin kami nila Mommy, Daddy at Kuya sa Davao, may rest house pala kami doon at ngayon lang sinabi nila Dad sa amin ni Kuya. 1 week lang kami at bumalik na rin. Sa 1 week ko sa Davao naka attend pa nga ako ng isang forum ata yun or seminar-workshop about photography sa Abreeza Mall. Then, pumunta kami sa Eden Nature Park then sa Matina Shrine. Enjoy ang Davao Gala Galore with family.

Nilubos lubos ko ang bakasyon kasi alam kong iba na kapag college then inasikaso ang enrollment after 3 days. YES! Am ready to go!



*riiiiiiiiiiiiiing*

Nagising ako sa alarm clock ko. Yes, nasa condo na ako ngayon nakatira. Waaaaaa. First day of class ngayon. College na ako. :)))))))

It’s 4:30 AM, ang aga ko noh? Kasi naman wala na si Nanay Lydia para gawan ako ng breakfast at ipaghanda. Kaya nga ako binilhan ni daddy ng condo para maging independent.

After kong ayusin ang beddings ay nagluto ako ng kanin, hotdog, bacon at egg then hindi mawawala ang milk.

At kumain na then nag prepare na ng sarili para hindi mahuli sa class, actually orientation pa lang naman pero kahit na bawal parin ma late.


*phone rings..*

My Love Patricia

Calling…

"Good morning my love!"

"Good morning my love Trish!"

"Saan ka na?"

"On my way to university, why?"

"Nandito na kaming tatlo."

"Eh? Ang aga niyo?"

"Excited sila eh. Hurry up my love."

"Opo! Malapit na."

"Ingat. Bye. See you then."

"Sure, thanks."


Hay naku, talagang hindi na ata kami mapaghiwalay pati ba naman sa college same kami ng school. Haha.
Pero, nag differ naman sa course na kinukuha namin. I’m taking up BS in Accountancy, Trish is taking up BS in Journalism, Alexa is taking up BS in Biology while Nicole is taking up BS in Business Administration.
And I don't know kung saan ang tatlong guys mag-aaral. I’m sure Josh will be studying here. we passed the examination eh.


"Hay salamat at dumating ka na Maria."

"Am I late or not?"

"Not at all."

"Okay, shall we go?"

"Sure, nag hihintay ang apat doon oh?" tinuro ni Trish yung apat dun sa may bench may kausap silang guys

Weh? Pasado rin yun? So walo kaming magkakasama dito??

"There you go. Hi girls! Tara na? It seems like we are complete." si Josh yun

"Eh? Ha? Diba? Hm. *sabay turo sa tatlo* Josh? You never told me that these three guys also passed the exam. I thought they are going to study at *censored* University?"

Alam mo yung nakasalubong na yung kilay ko kasi nagulat talaga ako.

"Surprised?" ask ni Louie.

"Yes Bheb! Urgh. Bad!"

"Haha. I just want to surprise you. Well, let's go then."

Hindi na ata mabubuwag ang barkada hanggang dito ba naman eh schoolmate kami.
Louie's taking up BS in Chemistry. Imma proud cause he pursue what he wants to be in future. He fights for it. :) Romnick is taking up BS in Information Technology while Russel BS in Civil Engineering and Joshua is taking up Doctor in Veterinary Medicine.

Nilibot kami sa university tinuro kung saan ang math building, engineering, arts and sciences, library, canteen and etc.
By tomorrow we are going to have our regular class.

Halos araw-araw ay 7 AM ang class ko at uwian naman ay 6 PM.
Block section ang nakuha ko kaya ganun. hindi naman hassle kasi sa Math Building lang ang class ko everyday.
Same kami ng building ni Nicole at sila Alexa at Trish naman same rin sa Arts and Sciences at count Louie in. Si Romnick at Russel sa Engineering at si Josh naman ay sa VetMed Building.

"Mar! Hindi ka pa ba sasabay sa akin pauwi?"

"Hindi na muna my love. Sasabay daw kami ni Louie eh."


*phone rings..*

Bheb. ♥

Calling...


"Wait lang my love. May tawag ako."

"Okay, pick it up."


"Hello Bheb?"

"Hi Bheb! Where you now?"

"Math Building. Ikaw?"

"Nandito pa sa building namin. I can't fetch you. May orientation kasi sa gustong sasali sa Varsity ng Basketball."

"Ah? Ganun ba? Okay sige. Sasabay na lang ako kay Nic. Ingat ka pauwi later. Bye."

"Sorry ha? Bye. I love you!"

"Okay. I love you too."



"Oh ano my love?"

"Sabay na tayo uuwi my love. Hindi ko makakasabay si Louie. May orientation eh."

"Oh sige. Tara? Baka gusto mo munang mag stay sa apartment namin? Total malapit lang sa condo mo eh."

"Sure. Bored rin ako sa condo mamaya."

"Tara. I know naghihintay sila Alex at Trish roon."

"Sana pala noh nag apartment rin ako."

"Ano ka ba? Okay lang yan. Mas pinili mo kasing mag stay sa condo dahil gift yun ng parents mo. Eh kami? Pasaway lang, may condo nga pero nag apartment apartment pa."

"HAHAHA. Oo nga pasaway."

At sumakay na kami sa car ni Nicole. At nakarating na sa apartment nila ay naming pala. Oo, pinagawa ng mga parents naming ito para sa aming apat. Joint property naming apat ito. Ewan ko kanila mommy at daddy at pumayag sila sa apartment na iyan na may condo naman ako . Malaki siya at tamang tama sa kanilang tatlo. Actually, may vacant pa na isang bed at para daw sa akin yun kasi baka mag bago daw isip ko. Mabuti naman at pagdating ko ay malinis ang apartment. Toka toka sila sa household chores. Nakakatuwa kasi si Nic natututo na ng mga gawaing bahay. After namin kumain ng dinner ay hinatid nila ako sa condo.

Kinabukasan ay ganun parin naman ang sched ko. Hindi ulit kami nagkasabay ni Louie pauwi kasi ako naman ang may orientation para sa mga gustong sumali sa student publication ng university. Plus hinila pa ako ni Nic para mag try out daw sa banda nag merge kasi ang banda ng College of Accountancy at College of Business and Governance. Nag graduate na kasi yung tatlong member.

"Congratulations to Maria Cassandra dela Torre, Maria Nicole Ayala, Lyndon Fernandez. Welcome to the band." Sabi nung isang member.

"Ha? Sigurado?" tanong ko sa kanila

"Sabi sa iyo Maria eh. Vocalist ka na. Buti na lang pina-aral ako ni Mommy sa guitar lessons nung maliliit pa tayo."

"Congratulations girls. I’m Lyndon." sabi nung Lyndon.

"Thanks Lyndon. I’m Nicole and this is Cassandra. Sa Lead ka diba?"

"Yup. So ikaw sa Bass?"

"Yes!"

Okay. Mag-usap kayo. As if wala ako dito. Haist. Mabuti na rin yun wala ako sa mood makipag-usap eh.

"Wow! Galing lang eh at sa voice naman ni Cassandra. Cool!"

"Ah? Salamat"

"Hm. Dinner tayo? My treat!"

"No thanks. I need to go home. Pagod na kasi ako."

"Ah? Ganun ba? So tayo na lang Nicole at the rest of the band?"

"Sigurado ka my love? Sige, tayo na lang."

"Yes."

"Hatid ka na lang namin if you want." Lyndon insists

"No. thanks, I can manage it."

"Sige."

Nag separate ways na rin kami. Pagod lang talaga kaya tumanggi na rin ako na sumama, dala ko rin naman yung kotse ko kaya nakarating rin ako agad sa condo ko.

Pagdating ko sa condo ko ay nagluto na ako agad ng makain. Rice at soup. Tinatamad kasi akong mag luto ng ulam na kailangan ko pang hintayin ng matagal gusto ko na rin kasing matulog.

Nasa higaan na ako ng tumunog ang phone ko


*phone rings..*

Bheb. ♥

Calling...


"Yes Bheb?"

"Hi Bheb! Oh ang tamlay mo ah? What’s wrong?"

"Ha? Inaantok lang. Napatawag ka?"

"Namiss na kita. Hindi na kasi tayo nagkikita sa University. Sige, baka nakakaistorbo na ata ako. Tulog ka na."

"okay lang Bheb. Hm. Yun na nga, nagkataon nga lang na may orientation tayong pinuntahan kaya ganun. I miss you too Bheb. Nga pala, bukas ko na malalaman kung kasali na ba ako sa Student Pub ng University at heto pa dahil sa kakulitan ni Nicole sinali ako sa banda ng college namin and unfortunately they set me as their vocalist."

"TALAGA? So let's have a celebration by tomorrow then? Congratulations Bheb! I’m so proud of you."

"Thanks. Ikaw? What’s the update?"

"Well, try-out namin kahapon and yung result nalaman na kanina. I passed and I belong to the basketball team. Then, here it comes the cousin of Liam who seems to be the Band leader. He wants me to join their band. I’ll be in the drums and vocals. Haist. Can I bear all of these?"

"Oo naman ano? Wow! Congratulations Bheb. Back to band ka na pala? Hindi mo rin mawawala yang pagiging varsity mo ha? Basketball naman ngayon. I’m happy for you. Always remember, I’m always here to support. Yakang yaka mo yan."

"Thank you Bheb. I love you and I miss you. Kita tayo bukas after class. Miss na talaga kita. Okay?"

"Okay. I love you and I miss you too."

"Okay, sleep na Bheb. Good night!"

Kinabukasan maaga akong naka gising at pumasok rin ng maaga kasi 7 AM kasi ang pasok ko. After class ay pumunta na siya sa labas ng building at naghihintay. Tinotohanan nga niya na lalabas kami ngayon.

"Kanina ka pa?"

"Yeah."

"Sorry. Natagalan kasi si Prof."

"It’s okay. Let’s go?"

"Saan tayo?"

"Sa resto pero dadaanan muna natin si Kurt. Miss ka na ng bata."

"Sige, miss ko na din yun eh."

Dumaan nga muna kami sa bahay nila Ate Rianne at dumiretso na sa resto.

"TITA MOMMY! I miss you."

"Namiss rin kita Baby Kurt. Kamusta na? Wow! Last march lang kita nakita eh mukhang big boy na ah? Gwapo ni baby Kurt oh?"

"Kurt is fine and good plus Kurt is HANDSOME like my Grappy, Lolos, Daddy Kent, Tito Daddy Carl and most especially Tito Daddy Louie. He tells me na sa kanya raw po ako nag mana Tita Mommy Maria."

Asa naman yung lalaking yun. Tsssss!

"Ah? Ganun ba Baby Kurt? Naku! Sana naman hindi ang ugali ang mamana mo Baby Kurt. Hehe. Asungot kasi si Tito Daddy eh."

"What's asungot Tita Mommy?"

"Never mind baby. Let’s go?"


*phone rings..*

Ate Venus

Calling...


"Hello Cassy?"

"Yes ate Venus?"

"Can you do me favor sweety?"

"Hm. if I can do it? Why not. What is it?"

"Seanna's yaya had an emergency then Enzo and I do have an overtime work. Can you take care of my baby just for this night?"

"Oh? Sure! Where's Seanna?"

"At her dad's office. She's always asking if you're there to fetch her up. She misses you and she doesn’t want to stay at her Lola and Lolo's house. Mapiling bata."

"Seanna talaga. Okay Ate, I'll go there in a bit. Is her things are set?"

"Yeah. Nandun na ang uniform, pajamas, toothbrush, milk. Lahat na ng kailangan. Thanks talaga Cassy ha?"

"No worries ate. Namiss ko na rin ang niece ko. By the way, maaga ako bukas Ate 7 AM. Ako na ba ang mag hahatid sa kanya sa school? Sino ang mag babantay?"

Oo, nag-aaral na si Seanna. Excited na bata. Nursery pa naman siya eh.

"Sige. Ako na lang magbabantay, hihintayin ko na lang kayo sa playschool. Thanks Cassy. Bye! Ingat kayo."


"Louie. Baby sitter ako this night. I need to fetch my niece at my cousin's office. Overtime ang both parents then ang yaya naman nagkaroon raw ng emergency sa kanila."

"Sige, punta na tayo doon. isama na natin si Seanna at para naman may kasama itong si Kurt."

"That’s a nice idea."

Pumunta na rin kami sa office ni Kuya Enzo. Ako na lang ang pumasok nakita ko na busyng busy si Kuya at hinahayaan na lang si Seanna na mag laro sa floor. Naku naman! Alam na nga ni Kuya na madumi ang floor.


"MOOOOOOOOMY CASSYYYYYYYYY!" kung sumigaw naman tong pamangkin ko wagas.

"How’s my pretty niece? Mommy Cassy miss you that much. You miss Mommy Cassy? Hm, Seems like you're a big girl na ah? Hm. bakit ka nag lalaro sa floor? Kuya Enzo naman oh? Mamaya hikain itong si Seanna."

"Busy ako Cassy. Kailangan ko kasing matapos to para mapresent sa investors bukas."

"Naku naman kasi. Full pledged masyado. Give yourself a break Kuya. Sige, may naghihintay sa amin sa baba. Bye! Oh, give daddy a goodbye kiss alis na tayo baby Seanna."

"Goodbye Daddy. I love you po."

"Bye baby. Be good ha? Don't forget to brush your teeth after you eat then wash up, drink your milk then say a prayer to Papa Jesus. Okay? I love you too."

"OPO! Mommy said that also. Bye!" then may kiss si Kuya Enzo from his daughter.

"Mommy Cassy. Saan po tayo matutulog?"

"Si Mommy Cassy muna ang mommy mo this night ha? Sa condo ko baby girl, but before we go there we must eat first our dinner. And guess what Tito Louie is going with us with his nephew. You want to meet Kurt?"

"Sure Mommy!"


"Oh? Ang tagal niyo naman?"

"Sorry, nag-usap pa kami ni Kuya Enzo."

"Hi Daddy Louie! Good Evening po."

Daddy ang tawag niya kay Louie? Itong isa naman grabe ang smile.

"Good evening sa Baby Seanna namin. Halika na kayo. Para kakain na tayo ng dinner."

Pinaupo ko si Seanna sa tabi ni Kurt na naglalaro ng psp niya. Hindi nga nag papansinan ang dalawa kasi busy rin si Seanna sa doll niya.
Nakarating na kami sa Jollibee, Jollibee na lang raw kasi may dala kaming bata at nag-order na ng makain.


"Mommy Cassy I want Chicken then Spaghetti plus chocolate sundae."
"Tito Daddy I want Chicken and Spaghetti plus coke float plus fries."

Sabay sabi ng mga bata.

"Wait wait. Kurt and Seanna.." sabi niya sa mga bata.

He gives me a what-should-I-say-Tito Daddy-or-Daddy question look.
Then nakita kong nag smile yung crew sa counter. Nag eenjoy ata na panoorin kaming apat.

"Okay Kurt and Seanna, Daddy Louie and Mommy Cassy will decide ha? Bheb, ikaw na muna dito at hatid ko lang tong dalawa sa table." sabi ko sa dalawang bata.

"Wait us here okay?" sabi ko sa kanila na naka pwesto na.

Iniwan ko muna sila. Pinaupo ko sila dun sa table na malapit sa counter para ma check ko habang nag oorder kami.

"Good Evening sir, welcome to Jollibee. What is your order?" sabi nung babae

"Give us 2 kiddie meal. Set A and Set B. 4 French fries, 2 coke float, wait, Bheb? You want sundae?"

"Yeah. Sure."

"2 chocolate sundae, 4 mango pie, 2 12 oz. coke."

"That’s all sir? Review order. 2 kiddie meals for set A and Set B, 4 French fries, 2 coke float, 2 chocolate sundae, 4 mango pie and 2 12 oz. coke."

"Thank you, here." inabot niya na yung bayad.

"Ang dami naman? Balak mo bang busugin ang tiyan ng mga bata?"

"Hindi naman. Hayaan mo na ako."


After 10 minutes ay dumating na rin ang order namin.

"Sir, Ma'am heto na po. Ang cute po ng mga baby niyo. Twin po ba sila?"

"Ha? Hindi po ate. Pamangkin ko po yung babae at pamangkin naman niya yung boy. Atsaka po, hindi pa po kami mag a--." hindi ko natapos kasi pinutol ni Louie.

"Ah, miss. Asawa ko po yan. Pero wala pa kaming anak. Hindi pa kami ready eh." ASAWA? Wow! Possessive much!

"Ah. Okay po. Bet ko po na ang ganda ng magiging anak niyo."

"Ay? Ganun po ba? Sana po talaga. Salamat."

"Oh kids. heto na. Okay, who will lead the prayer?"

"I volunteer!" Seanna speaking.

"Okay, so, let's pray?" sabi ni Louie

"In the name of the Father, of the Son, and the Holy Spirit Amen. Papa Jesus, we thank you po for this food that you've given to us. Papa Jesus, bless this food as we going to eat and Papa Jesus bless those people who made it and bless also Mommy Cassy and Daddy Louie always. Thank you po again. We love you. Amen. In the name of the Father, the Son and the Holy Spirit."

Ayun, nagsimula na kaming kumain. Sarap na sarap ang dalawang bata kumain. Akala ko hindi na talaga mag papansinan ang dalawa pero friends na daw sila. Nagbibiruan pa nga eh.

"Seanna! Bagay diba si Tito Daddy at Tita Mommy? Diba sabi mo gusto mo na sila magkatuluyan in the end?"

"Tama Kurt. Mommy Cassy will be going Mrs. Elizarde soon. Excited na ako Kurt. Ikaw rin ba?" at nag appear ang dalawa. naman oh? mga bata ba talaga to?

"Bagay si Daddy at Mommy?" tanong ni Louie.

"OPO!" sabi ng dalawa.

"Bheb! Sinasakyan mo naman ang trip ng mga bata." sabi ko sa kanya.

"Gusto niyo diba na ikiss ni Daddy si Mommy?" aba? deadma lang ako?

"Yes yes!"

"Kurt and Seanna? that's not good ha? bata pa kayo."

"Eh? Mommy, bakit si Daddy Enzo ko kinikiss si Mommy Venus ko sa forehead, sa cheeks? tapos sa lips rin nung nakita ko sila?"

"Si Daddy Kent ko rin at Mommy Rianne."

"Kasi po mag-asawa na sila. Hindi pa naman kami mag-asawa ni Daddy Louie niyo eh."

"Eh Mommy Cassy bakit si Mommy Mica? Kiniss siya ni Tito Austin?"

Hays. Kahit kailan itong si Seanna. Keen Observer.

Bigla na lang akong hinila ni Louie at kiniss sa forehead.


"Louie?"

"YEHEY!"

"Oh ayan, pinagbigyan na kayo ni Daddy ha?"

"YEHEY! THANK YOU DADDY" sigaw nila sabay kiss and hug kay Louie. Buti dala ko ang cam ko at kinunan ko agad sila ng picture. Para talagang mag-ama.

"Parang mga anak mo talaga sila. Tignan mo to oh?"

"Oo nga at ikaw naman ang Mommy nila. Ang gwapo at ang ganda ng mga baby natin oh?"

Pero, kinilig ako sa sinabi niya. Parang happy family kami kung titignan kasi daddy at mommy at tinatawag sa amin ng mga bata at the way nila kami I approach ay parang mommy at daddy nila.

After namin sa Jollibee ay pumunta kami sa isang amusement park. Gusto raw kasi nilang sumakay ng rides. Eh, on the go rin tong si Louie. Sinusulit niya talaga ang araw kasi hindi kami mag kasama for the past few days.


"Nakatulog na ang dalawa. napagod talaga. Hindi mo naman kasi sila sinusuway eh. Kapag ikaw nagkaroon ng anak naku, spoiled siguro yun sa iyo."

"Hayaan mo na ang mga bata. alangan pigilan natin? Hm. I'll do anything for my child's happiness pero may limitations naman eh." wow! Boyfriend ko to? Parang ang mature na mature na talaga.

"Oo nga, sabi ko nga. Baba na tayo? Hatid pa natin si Kurt sa loob."

karga karga ko si Seanna at si Louie naman si Kurt ang buhat.

"Hon! They look like a family oh? Bagay at pwede na." sabi yun ni Kuya Kenneth

"Oh? Oo nga noh? Hm. Pero, bata pa yan sila. Late na ata kayong nakarating ah? Enjoy ba?" tanong ni Ate Rianne

"Opo Ate, sobra!" hyper na sagot ni Louie.

"Oh? Maria. Sino yang baby girl?"

"Pamangkin ko po. Ako po muna ang babantay kasi may work ang parents then nagkaroon po ng emergency sa kanila ang yaya niya."

"Ang gandang bata. Hm. By the way, salamat Jan at Mar ha?"

"Okay lang yun Ate Rianne. Oh, alis na kami. Hatid ko pa tong dalawa sa kanila."

"Ingat kayo pauwi."

"Thanks Ate, hm. Akin na si Seanna, Bheb."

Habang palabas na kami bigla na lang nag sleep talk si Seanna.

"Thank you Daddy Louie. Thank you Mommy Cassy. Thank you Kurt. Thank you po Papa Jesus."

"Hmm. Bheb. mukhang napa Daddy na talaga tawag ng pamangkin ko sa iyo."

"Okay lang. Ang sarap nga pakinggan eh. Akala ko tuloy Daddy na ako at Mommy ka na. Pero, maghihintay pa ako ng ilang taon para mangyari yun. Bata pa rin naman tayo eh. Basta, I'll do my best na ikaw ang babaeng ihaharap ko sa altar at sasabihin sa tao na masuwerte ako na ikaw yun."

Natameme ako doon sa mga sinabi niya. Now I know, mature na siya. Ako yung parang bata minsan kung mag-isip.

"---------------"

"Speechless ka na naman? Kinikilig ka noh? Hm."

"ASA ka! Hahahaha. Tumahimik ka nga. Bata ka pa po Mr. Louie Jan T. Elizarde." sinabi ko at natatawa pa rin ako.

At hinatid na kami ni Louie sa condo. Nagising si Seanna kasi naalala raw niyang mag brush ng teeth, mag wash up, iinom ng milk at mag pray. Takot talaga sa Daddy Enzo niya.

After that day ay nag sunod sunod na ang proper class then after lecture may quiz. geeeesh! Terror halos lahat ng teacher pero buti na lang I can manage their attitude naman kahit papaano. Patience Maria. HAHAHA. Now I’ve realized that there's a big difference between high school and college. Minsan na lang rin kaming dalawa ni Louie magkita kasi siya busy sa studies at sa basketball at ako naman ay may mga meetings sa Student Publication at sa docu team ng school. Sumali ako kasi para magamit ko naman yung passion ko sa photography.

Hindi ko na mamalayan na tapos na pala ang 1st year. Mabilis ba? hehe. Pare-pareho lang rin naman kasi ang routine everyday eh. Busy kaming walo sa kanya kanyang organizations namin at sa studies syempre.. Masaya ang 1st year ko kasi Dean's Lister ako pati narin yung pito, nag eexcel naman sila sa mga course na pinili nila. si Nicole nga naging Ms. College of Business and Governance. (CLAP CLAP CLAP! Mylove ko yan. Maganda na. Matalino pa.). Si Patricia naman top 1 sa class nila kasi ang taas ng nakuha niyang GPA sa lahat ng subjects. Si Alexa, nahihirapan kasi 3-5 books ang binabasa sa isang linggo. Ikaw ba naman magkaroon ng course na BSBiology? Hindi ka kaya mahirapan? Pero ano ba daw ang magagawa nia eh LOVE niya ang Biology eh. Ang mga boys? Naku naman yun enjoy rin kasi yakang yaka naman daw nila ang course nila. MAYABANG no? Sisiw lang raw kasi ang Civil Engineering, Information Technology, Doctor in Veterinary Medicine at ang Chemistry. waaaaa. Kaloko nila. 15 months na pala sila Trish at Josh. Si Alexa at Russel naman ayun, 9 months na daw ang relationship nila. Si Nicole at Romnick? Aso't pusa parin pero hatid sundo naman ni Rom si Nic. Ang gulo noh? Kami naman ni Louie stronger than before. OA ba? hahaha. Kasi ba naman sabi ni Alexa sa akin mas naging open-minded daw kaming dalawa eventhough napaka busy namin. Mas naging pasensosya raw ako. Perfect nga raw ang relationship kasi nandun ang TRUST, RESPECT at LOVE pero nga walang perfect diba? Perfect relationship. Perfect boyfriend, perfect girlfriend.

*flashback*

"My love. Ang swerte mo noh?"

"Ha? Bakit mo nasabi? Hm. OO, nandyan kayo eh."

"Kasi, ang tagal niyo na ni Louie, eh dati mortal enemy mo yun then ngayon ang tatag ng relationship niyo. Sana kami din ni Russel. Natatakot pa rin kasi ako dahil nga sa feelings niya towards Ate Celine pero wala naman daw yun ngayon."

"Eh? Kaya naman kasi may nag eexist na MISUNDERSTANDINGS kasi pumapasok rin si DOUBT eh. Do you trust him?"

"Oo naman noh. Mahal ko yun."

"Eh yun naman pala. Alam kong sa course na pinasukan ni Louie ay expected na magiging busy siya. Ang hirap kaya ng course nun at sumali pa sa varsity ng Basketball eh di mas lalong busy siya. Ang ginagawa na lang namin eh mag tiwala sa isa't-isa. Alam kong mahirap pero nakaya ko naman."

"Ang perfect nga ng relationship niyo."

"Hindi naman. There's no such thing as perfect. May mga away rin naman kami diba? Umiyak pa nga ako nun kasi nahihirapan na ako pero nag-usap naman kami at yun naayos. Teka nga? Nag- away ba kayo ni Russel?"

"Ah. Eh. Oo. Pero, misunderstandings lang yun. Nevermind."

"Okay, basta. mag tiwala ka lang."

*end of flashback*

College Life is not that easy! First Year pa lang ang nalagpasan namin, many to come.

I Hate to Love this GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon