Chapter Thirt Nine
Sica"s POVNakaupo ako sa isang bench kung nasaan napapaligiran ako nang napakaraming puno. Ang sarap ang simoy nang hangin. Parang kakauwi ko galing sa isang napakahabang bakasyon at ang gusto ko lang gawin ay pumikit, maging blanko ang isip.
Ang tagal na nang di ko naranasang maging mapayapa ang isip. Buong buhay ko, naging masipag at maging magaling sa pag-aaral para di masayang pagod nang mga magulang ko, iwasan lahat nang gusto kong bagay o gawin para sa sarili para magdesisyon na gawin ang tama sa lahat nang pagkakataon... at isa yun sa pinaka mahirap gawin sa buong mundo. Sobrang gulo nang mundo, pero akalain mo yun Sica? kahit puno nang kasamaan ay nanatili ka paring matatag at maayos.
*chuckles*
"Ito ba ang gusto mo, Sica?"
Dali dalikong minulat ang aking mga mata at nilingon ang taong nagsasalita sa gilid ko. Di ako makagalaw na tinititigan si Arsen na nakangiti lang sakin. Bumigat bigla pakiramadam ko. Gusto ko siyang lapitan o hawakan man lang pero di ko magawa.
"Arsen, H--hindi. "
Tumayo siya at naglakad palayo sakin. Pinilit kong igalaaw mga binti ko at kahit naman unti unti ay naigalaw ko yun. Parang may sandamakmak na semento ang nakadikit sa magkabilang paa ko pero kahit ganun ay pinilit ko paring ilakad maaabutan lang siya pero napakalayo na niya.
"Arsen!! Sandali!" Hintayin mo ko please. Kahit alam kong panaginip lang to pero please hintayin mo ko. Gusto kita yakapin. Gusto kong..
"Sasamahan kita. Sasama ako sayo. Mali ka, hindi ito ang gusto kong mangyari" humihikbi kong sabi. Napangiti ako nang huminto siya sa paglalakad at nilingon ako. Naging maagaan na buong katawan ko. Dahan dahan akong lumapit at niyakap siya nang napakahigpit. Ayoko nang kumawala pa sa kanya. Kung magiging huli man namin tong pagkikita, lulubusin ko na.
I touched his face gently. Sa sobrang hikbi ko ay di na ako makapagsalita nang maayos. "Kahit di ko na maintindihan at di ko na alam kung saan tayo dadalhin, kahit nakakapagod na, sasama ako sayo."
"You must stay.." as he said that, I suddenly woke up and caught my breath. Hinihingal ako habang nakaupo sa higaan ko. Nakasuot nang oxygen. Tinanggal ko yun at pilit na tumayo.
"Sica, calm down. Tumawag kayo nang doctor." My vision is still blurry but after a few seconds, it turned clear.
"Brandon, si Arsen? Andito ba siya? Dalhin mo ko sa kanya please."
The doctor arrived and checked my heart rate and BP. Gusto ko nang tumayo at umalis sa kinahihigaan ko. I should not waste time.
"Your blood pressure is rising. I need you to calm down, Xhesica coz if not will give you medicines to lower it down. I also need to high up your oxygen supply it's too low. Stay at your bed until those turns back to normal. Good thing, wala kang injuries."
"Pe..pero..."
"Sica, listen. Napaka delikado pa para hanapin natin si Arsen. Kailangan nyo munang magpahinga."
Halos mangisay ako sa nadinig.
"A--ano? You mean wala si Arsen dito? Di mo siya niligtas?" nagsimula na akong umiyak. Di ko maisip kung ano na sitwasyon niya ngayon. "Bakit? Bakit di natin siya naligtas? Baka... baka andun pa siya, kailangan natin siyang balikan."
"Sorry... kailangan ko lang... tuparin pangako ko sa kanya."
Lalo akong naiyak nang madinig ang sinabi ni Brandon.
"The day after he knew na madadawit ka sa Harada, he let me out in the campus. He told me to save you when everyone else can't.
FLASHBACK (Brandon's POV)....
"Get out of here. Take this. *handed over a check of 15 million pesos* I know there will be people following you, making sure you will not disclose anything what is happening inside this place, but stay firm and clean. Once they validated that you're no longer connected to me, they'll leave your ass alone."
"B--boss, teka lang. You're kicking me out? Di pa pwede, I mean di pwede. Mapapatay ako nang tatay ko."
"Shut up, I know this what you want ever since you stepped in here. I am just granting what you wished for so long."
Nanginiginig akong hawakan ang cheke. Napakalaking pera, baka pwede na to. Total ito naman ang dahilan bakit ako pilit pinapasok ni papa dito. Ang gawing bayad sa lahat nang utang niya sa labas.
"I am still not so sure. If you ran away with that money, then fine. I am not going to kill you anyway, I'll no longer kill anyone. But I'll depend on you, to save Sica the hell out of here"
Nakatali ang mga kamay at paa. Nakablindfold ang mga mata at may tape ang bibig na nakaupo sa sasakyan ni Arsen.
"I'll let them know that It's me who get rid of you. That might help para di ka nila pagdudahan masyado. Do take care yourself."
I act like asleep and he slowly dumped in sa isang tahimik na lugar as part of the plan.
END OF FLASHBACK....
"Galit na galit sakin si papa nag malaman niyang umuwi ako. Binigay ko sa kanya lahat nang perang pinadala sakin ni Arsen, kulang pa daw yun. Hahaha pero tulad nang pinangako niya, gagawin niya ang lahat para protektahan ako. Kahit na ilang araw akong sinundan nang kahit na sino, nagawa ko paring patunayan na wala na akong pakialam sa bwesit na skwelahan na yun. Naisip ko ring talikuran ang responsibilidad ko, ang kalimutan ang mga napag-usapan namin at magpakalayo pero sa puntong halos itakwil na ako nang tatay ko, bigla siyang nagpakita sakin. He handed me again 20 million pesos and it finally paid all my dad's debt."
Maluha luhang kwento ni Brandon sakin. Patuloy lang siya sa pagsasalita habang nakatungo sa sahig.
"Kaya ang ang naiwang 10 million ay pinagawa ko sa bahay na to at pinaghandaan lahat nang mangyari. I finally fulfilled my promise and I know, this makes him happy. Sorry, Sica."
At doon na napuno nang hagulgol ko buong kwarto. Kung may ilalakas pa tong iyak ko, mas lalo ko pang lalakasan hanggang sa mapagod ako kakaiyak at mawala ang sakit sa puso ko. Sorang sakit, para akong mababaliw. Sana pala di na ako nagising. Sana pala, sinamahan ko na lang siya. Inisip ko lang ang sarili ko. Napakasama ko. My hystirical cry echoes as if it stabs me so bad.
YOU ARE READING
Kidnapped By The Possessive Maniac (Under Revision)
RandomSica was an innocent young lady who had never been exposed to the rougher side of life, until she was mistakenly abducted. A year passed, she passed the admission to her dream college university where she met again her abductor and his three brother...