Chapter Four
Sica's POVMatapos naming maglibot libot sa mala syudad na lugar na ito, tumambay kami sa isang park na nasa gitna labas lang ng dormitory namin.
To share a sort of Info about me, di naman kami mahirap. May mga negosyo ang parents ko, but still, di namin afford dito. Sa pagkakaalam ko, mahigit isang milyon daw ang tuition fee ng bawat isa dito. The more daw na mahirap ang kurso mas mahal. Tulad ng Law, Medicine,.etc. Salamat at naipasa ko lahat ng screening at exams dito. Ito, full scholar ako.
"This village exclusively for the students of Hughnorl only. May dorm din mga profs pero separated sa students."
"Kahit teacher nagddorm?!!"
"Yes. Para mag focus sila sa pagtuturo. Far away from distractions. They are paid to dedicate their life in this institution."
Grabe naman yun. Ngayon ko pa nalamang may ganun pala.
"Ang lawak ng school natin noh pero pansin ko, walang guards. Kahit ang entrance, wala man lang nagbabantay. Swipe swipe lang ng card ganun." That just felt weird, might also be the reason bakit kakaiba ang nga trip ng mga studyante dito.
"We don't need to. Your security is your responsibility"
That chills my spine. Paano na lang kung isa ako sa mapagtripan ng nga mafias na yun. Napakalampa ko pa naman at saka may trauma na ako sa karahasan.
Sa totoo lang, naisip kong umuwi na lang. Natatakot ako sa kaligtasan ko. Wala naman kasi talaga akong ideya na ganito pala ang lugar na to. Ang nasa utak ko lang naman ay mag-aral. Gusto kong makapagtrabaho sa malalaking kompanya sa ibang bansa at ang makapagtapos sa Hughnorl ay isang malaking advantage.
"Bakit? Are you scared of something? Someone?"
"Ah, w-wala. I just don't feel like I belong here."
"Hmm? Bakit naman? Sabi mo scholar ka di ba? Alam mo bang mas mahirap ang admission ng scholars sa regular students? Sampung exams lang samin whilst sa inyo labing lima?"
"Ano? Sampo lang sa inyo?!" napaka-unfair non! Halos tatlong araw akong pagala gala sa syudad na ito dahil wala naman akong kakilala dito, para lang matapos ang tatlong araw na exam daw, isama mo pa ang kalahating araw para sa panel interview na kulang na lang, mag apply ako ng trabaho sa sobrang hirap ng mga tanong! "Well, kung may isang milyon kayo bakit pa kayo pahihirapan di ba?"
"Mag observe ka muna. Malay mo okay lang pala dito. Andito naman ako eh, I can help you"
Kung panay kindat siya, ako naman napapangiwi. So far, maliban kay Flare ay si Cleyou lang ang nakakausap ko ng matino dito. Mukha siyang mayaman pero napakabait niya.
"Pwes, dahil ikaw nag boluntaryo, how about tulungan mo akong ayusin ang room ko? Hindi pa ako tapos sa pag-aayos sa mga gamit ko eh."
"Yun lang? Sige ba" bibo nitong sagot at agad namang tumayo para mag stretch ng katawan. Napailing na lang siya dito.
Abala sila pareho sa pagkuha sa mga gamit ni Sica na nasa loob ng mga box. Kitang kita niyang hindi ganun ka daling utusan ni Cley -_- pero mapagtatyagaan naman. At least may kasama siya doon. May ka kwentuhan.
"By the way. Alam mo ba ang tungkol sa mga mafia sa school natin?" seryusong tanong ko. Total nakatapos na ako ng isang araw dito ay magtatanong na lang rin ako para may makuha akong kaunting impormasyon.
"Yeah. And I'm one of the bosses"
Muntik na akong masamid sa sarili kong laway. Anong boss? Anong ibig niyang sabihin?
"Ano? Ano? Elaborate please"
Natawa na lang ito sa reaksyon ko.
"I am one of the leaders. I also run my own mafia. May mga tauhan ako." mahinahon niyang sabi.
Tulong. Kung may sakit lang ako sa puso ay baka inatake na ako. All this time, the guy I am with, ang taong kanina ko pa kausap, ay isa palang Mafia Boss?
"Oh? Muka bang di kapani paniwala?"
"Ghad. Don't tell me you hurt people?"
"Sort of?"
Napaatras ako na sapo sabo ang dibdib. Medyo kinabahan si Cley sa reaksyon ko. Blanko lang ang mukha niya at hininto ang pagbukas sa nakalapag na kahon na nasa harap niya.
"Shuta ka ako niloloko mo, hindi ka naman mukhang Mafia boss. Pinagloloko mo naman ako eh"
Unting unting nawala ang pangangamba nito sa mukha at napalitang ng napakalakas na tawa. Tila may hinigot itong ID at pinakita sa kanya.
"I am Cleyou Alaoui. The boss of Maltan Mafia." ibinaba nito ang hawak na ID at tumambad sa kanya ang nakangiting si Cley na namumugay ang mga mata.
Bahagya siyang kinilabutan at umiwas ng tingin. Nakakainggit talaga ang pagiging mestizo niya. His cheeks are burning like cherry. Cute.
Dahan dahan siyang sumalampak sa sahig kaharap nito, puno ng panghihinayang ang mga mata.
"Bakit ka ba sumali sa mga ganyan ha? May sira ba yang utak mo? Hindi ko alam kung magiging masaya ako sa nalaman ko pero kung kaya mo pa, please itigil mo na. Cley maawa ka sa mga taong masasaktan mo."
He blinked fast staring at me. Hindi ko mabasa ang mukha niya but I am certain that he faked a smile.
"I never heard anyone who's not amused of me being Mafia. You are just the first one"
"Hehe. Sorry?"
Sa tuwing tumatawa at ngumingiti siya ay hindi ko maisip na isa siyang taong sumasali sa mga ganyan. Napakaamo ng mukha niya.
"Well, as if I have a choice. Sabi bila na swerte daw ako, imagine there were just four of us and I am one of them so, I will just deal with it then"
He sounded sa sad saying that. For an unknown reason, parang naaawa ako sa kanya. Hindi ko man alam kung bakit naging isa siya sa mga boss pero ang alam ko ay mabait siyang tao.
Brandon's POV
"Bakit? Are you scared of something? Someone?"
"Ah, w-wala. I just don't feel like I belong here."
Haaay naku! Kanina pa ako buntot ng buntot dito sa dalawa ah! Paano naman kasi itong boss ko, natamaan yata ni kupido at grabe kung magselos, dapat alam niya lahat ng ginagawa ng dalawa. Ang nakakatawa, ang kapatid pa niyang si Cley and kasama nitong si Sica. Pambihira!
*phone rings*
"Yes boss?"
"Are they still together?"
"Opo boss eh. Mukhang okay lang naman sila——" sasabihin ko pa sanang patungo sa pagkakaibigan ang turingan nila ng mas malutong pa sa chicharon ang mura ni boss.
"Fvck!!! Wala ka bang ginawa just to distract them?"
"Kasi boss.."
"Tangina mo, Brandon. Kanina ka pa jan wala ka namang silbi!"
*TOOOT TOOOT*
Haaays, pag assemble-in mo na ako ng baril wag lang mautusan ng selosong tao. Ang hirap!
YOU ARE READING
Kidnapped By The Possessive Maniac (Under Revision)
RandomSica was an innocent young lady who had never been exposed to the rougher side of life, until she was mistakenly abducted. A year passed, she passed the admission to her dream college university where she met again her abductor and his three brother...