Chapter Forty Two
Cley's POV"Good morning, masakit ba ulo mo?" Nilapag ko ang dala kong almusal at kape sa mesa sa kwartong pinagpahingahan niya. Dami niyang nainom kagabi, kaya alam kong masama pakiramdam niya ngayon.
"Uhh, oo eh, pasensya na kayo ah. Perwisyo ko tuloy, Saka, nauuhaw ako talaga." Wait, Kinuha niya yung isang baso nang tubig at di inabutan nang isang minuto ay naubos na niya yun. "Anong oras na ba?"
"Alas 10 na nang umaga."
"Ha???!! Hala tanghali na ah. Nako nako di dapat ako talaga umiinom."
"Hahaha ano ba you're fine, basta kilala mo mga kasama mo at nasa bahay ka it's okay. You know, occasionally you can."
"Teka, haaays! Nakakahiya! Sorry kagabi ang drama ko. Naalala ko pa talaga paghikbi ko. Pero okay lang ako, wag kayo mag-alala sakin."
Buti naman naalala pa niya mag-iyak niya kagabi.
Flashback.....
"I miss him... I miss him so much, please hanapin natin siya please!!.... *sob* balikan natin yung lugar wala naman na si Yarry dba?... Huhuhu pleaaaaase!"
End of flashback....
"Cley, aalis na pala ako kasi may orientation pa ako mamaya sa school eh, kayo ba kelan sa inyo?" Dali dali siyang tumayo at inayos ang damit.
"Uhh bukas kami ni Quirt ewan ko kay Zace."
"Oh okay. Alis na talaga ako ah, baka kasi malate ako. Anjan ba si tita sa labas?"
"Umalis si mama. Alam mo hatid na kita sa apartment mo."
"Okay lang ba?"
"Wait bihis lang ako real quick. Hintayin mo ko sa salas"
I don't know if Arsen would be happy of what I am doing but, I can assure that she'll be happy with me. It pains me double time kasi nasasaktan parin siya sa pagkawala nang kapatid ko at the same time nasasaktan ako na hanggang ngayon si Arsen parin nasa puso niya. Mahal ko si Sica and I want her to be happy.
"Let's go?"
Habang minamasdan ko siya sa salamin nang sasakyan ko, her beauty never fail. Though she's braver and not the innocent Sica anymore, but her character remained real.
"Excited ka ba sa new school natin? Alam kong simpleng public university lang yun pero trust me, mas marami kang makikilalang matitinong tao dun hehe" kahit saan naman masaya ako basta kasama ka.
"I see. Wala nang rambolan haha"
Nilingon ko siya nang napagtanto kong nakatitig siya sakin. Ano na naman ba nasa isip netong babaeng to. Ngumiti lang siya at kinurot ang pisngi ko.
"Awww aray nagddrive ako dito ha."
"Masaya ako kasi, naranasan niyo rin maging malaya. Lage ko pinagdarasal non na sana matapos na lahat. Akala ko dati impossible eh. Pero ngayon, look at you, mas naging matino kayo at masayahin kesa dati."
Binalik ko atensyon ko sa pagddrive. Nga naman, even I, myself wasn't sure how long we suffer, how long I will suffer. Akala ko kapag namatay na ako, dun na, but life is worth spending it to the fullest.
"Kung di ka siguro dumating sa buhay namin hanggang ngayon, nakatali parin kami kay Yarry."
"Hmmm? Di naman sguro noh. Nagkatiming lang"
Nakarating na kami sa apartment niya. Lumabas ako nang sasakyan at ako na mismo nagbukas nang pinto para sa kanya.
"Salamat, Cley. Pasok na ako ah. Ingat ka pauwi."
"Sica" Nilingon niya ako na blanko ang mukha. Nag aantay kung ano ang sasabihin ko. "Uhm, text me okay. I can fetch you whenever I'm free" umatras lang ako at sumakay na sa sasakyan.
Di siya agad naka react yet just waved goodbye instead. I bit my lip. That will serve as my first move. I'll court her again.
Sica's POV
"Praning na naman ba siya, safe na naman na siguro ako." Pagpasok ko sa Dorm, nasa baba pala mga kapitbahay kong kapwa lang din babae kasama landlady namin.
"Naku ha, kahit bawal lalake dito papapasukin ko talaga yung boyfriend mo." biro sakin nang landlady namin.
"Aweeeee"
"Sanaol!""Huy huy! Tahimik nga kayo di ko yun boyfriend noh!" Paliwanag ko.
"Aysus di pa aamin."
Bahala nga kayo 🤐🙄
"Ewan ko sa inyo mga chismosa, oh siya aakyat na ako may orientation pa ako ngayong alas dose"
Naligo muna ako. Pagkatapos kong magbihis ay inayos ko muna ang mga dadalhin kong papel para mamaya. Kinuha ko yung cellphone at may mga texts pala akong di nababasa.
2 message from Mama
Anak kumusta naka? Hapit na imong bday. (Anak kumusta kana? Malapit na bday mo)
Amping ka pirmi ha tawag lang mi ni papa nimo luv u. (Ingat ka palagi tatawag lang kami ni papa mo luv u)
1 message from Cley
Pssst. Have fun.
Anyare talaga dito kay Cley? Hahaha.
11 AM. Dapat na akong pumunta baka ma traffic pa ako.
Cley's POV
Pumunta ako sa isang bookstore dahil tatlong araw na lang ay birthday na ni Sica. Bibilhan ko siya nang journals at magagandang notebooks na pagsusulatan. Sasamahan ko na lang din nang mga colorpens at markers. Alam ko kasing ayaw niya sa mamahaling regalo kaya for sure kahit ganito magiging masaya siya.
Wala pa akong ibang maisip paano e celebrate ang birthday niya na kami lang dalawa pero kung gusto naman niya kasama mga kambal ko at si mama okay lang.
"Angelou! Tagal mo ah!"
"Hala namimili pa ako di makapag antay ah!"
"Haaayst, malelate ako sa orientation ko ngayon eh"
Nanlamig ako nang madinig ang pamilyar na bosis nang isang lalakeng kausap ang isang babae na malapit lang sakin. Inayos ko nang mabuti ang mask na soot pati na rin ang cap at dahan dahang nilingon kung saan siya naroroon.
"Halika na nga Arsen, mamaya ko na lang bibilhin ang iba. May isang oras pa naman tayo ah."
I buffled. What the heck? Am I seeing it clearly or am I just delusional? I rubbed my eyes and yes, I am still seeing my brother, wearing a very simple shirt and jeans.
Tama nga si Sica. Buhay si Arsen. Di ako makapaniwala. I just cant move like, di ko alam kung lalapitan ko siya o ano. Di ko alam. Why is he here? How did he survive? And who's this girl he is being with? She said na may dadaluhan siyang orientation don't tell me, fuck..... Dali dali akong lumabas pero huli na dahil umandar na ang sasakyan na minamaneho niya.
YOU ARE READING
Kidnapped By The Possessive Maniac (Under Revision)
De TodoSica was an innocent young lady who had never been exposed to the rougher side of life, until she was mistakenly abducted. A year passed, she passed the admission to her dream college university where she met again her abductor and his three brother...