It has been a week. It's been a week since I've started to ignore him. I don't know. Maybe, I'm scared. That he'll discover my secret. And once he found out my secret, he will turn his back on me. I don't want it. I'd rather keep him as my friend, than wishing for us to be more than friends.
Bakit ba kasi kailangan may mahulog na isa? Bakit ba kasi ako napamahal sa taong hindi naman ako kayang mahalin pabalik? Alam mo 'yong ang daming tao sa mundo, pero sa kaibigan mo lang naman pala ikaw magkakagusto? Kaya nakakatakot.. natatakot akong masira ang pagsasamang matagal bago namin napatatag. Hindi pa naman huli ang lahat 'di ba? Kaya ko pa naman siguro kalimutan 'to. Bata pa ako, mawawala rin 'to... sana.
"Girl! Smile! It's a happy day! Kaloka! May smiley face sa damit mo pero ang lungkot ng nagsusuot. Ano? Nagluluksa sa gitna ng kasiyahan? Loosen up, bibi! It's christmas! Huwag mong ka-isipin, mahal ka no'n!" Ako yata ang nahirapan sa pagsasalita ni Perry. Ang taas ng energy. Well, normal lang naman siguro na mataas ang energy niya. Sabi nga niya—It's christmas!
It's actually our christmas party today. Dati, excited ako kapag may mga events dito sa school. Kasama kasi ito sa mga nagpapawala ng stress ko sa buhay. Kahit ang simpleng pagpasok ko lamang sa aming eskuwelahan ay panatag na agad ako. Dahil kahit papaano... may mga lugar pa rin na kung saan ramdam ko ang ginhawa. Kapag narito ako, parang ang laya-laya ko. Na wala akong dapat ikatakot... ngunit ngayon ay mayroon na.
"Hindi ka nakakatuwa, Perry. Masaya ako ngayon. At wala namang batas na kapag masaya ay may kasamang ngiti. Ngumiti ka mag-isa mo." Nawala saglit ang ngiti ni Perry, ngunit saglit lamang iyon. Masiyado siyang masaya para maapektuhan sa sinabi ko. Saka sanay na 'yan sa mga prangka kong salita. Normal na namin 'tong pag-uusap.
"Hindi kailangan ng batas para roon, Naya. Huwag OA. Saka kahit may batas, alam kong 'di ka pa rin susunod. Huwag ako, friend," balik niyang sagot sa akin na may kasama pang irap.
OA din naman siya. Joke lang naman 'yong tungkol sa batas, sineryoso naman niya. Or joke lang din 'yon? Ewan. Ang weird kung may batas ngang ganoon. Pati emosyon ng tao, dapat mandatory. Kung may ganoon man, sana... unahin nila ang batas kung saan dapat naming i-unlove—if this word is applicable—ang taong hindi naman kami kayang mahalin. Kasi nga may iba na.
Kagaya sa isang application na kung tawagin ay messenger, sana kaya kong i-unsent ang mga mensaheng baka ma-misinterpret niya. Nakapag-desisyon na ako. Ititigil ko na ang kalokohang ito. Napagtanto kong mali na ituring na parang laro lamang ang pag-ibig. Ayaw kong karmahin. Baka ako pa ang mapaglaruan ng salitang ito.
"Nasaan si Cedrick?" Sa halip na sagutin siya pabalik ay binalewala ko na lamang ito. Ang walang kwenta naman kasi kung pahahabain pa namin.
Nilingon-lingon ko na rin ang aking ulo upang hanapin si Cedrick. Hindi ako mapakali hangga't hindi ko nasasabi sa kaniya ang dapat kong sabihin. Gusto ko nang tapusin. Natatakot ako na kapag ipinagpabukas ko pa ay mawalan na ako ng lakas ng loob na sabihin sa kaniya. Marupok kasi ako.
Hindi rin naman nagtagal ang pagpaling ko sa kung saan-saan dahil nakita ko rin ang taong hinahanap ko. Ang taong ayaw kong mawala sa buhay ko. Maaga ba? Sana nga mababaw lang itong nararamdaman ko. Para madali lang para sa akin ang talikuran siya. Pero hindi mababaw.. at hindi rin madali.
"Hi babe!" Sinong babe?
"Babe daw. Bigla-bigla, may endearment na. Matamis ba ang tubig sa dagat na pinaglanguyan niyo? Marami bang nalagok iyan at parang pumupuso ang mga mata sa pagtingin sa 'yo?" bulong sa akin ni Perry, kahit na rinig din naman ng taong pinatutungkulan niya ang mga sinabi niya. Para saan ang pagbulong?
Natawa na lamang si Cedrick sa naging turan ng isa pa naming kaibigan sa biglaang pagbabago niya. Nakakagulat nga naman kung babe ang tawag mo sa kaibigan mo. Lalo na kung sa opposite sex. Ano 'yon? Simpleng landian, pero dapat friends pa rin.