If I were to describe the situation... I can't describe it.
"Why are you wearing that? Kala mo naman sexy ka riyan. Asa ka pa!" Bwisit talaga 'tong kumag na 'to.
Nahiya naman ako sa abs niyang dadalawa. Proud na proud pa ang loko at binalandra talaga. Gwapo siya pero ang tamad niya mag-gym. Sabi niya pa sa akin na magugustuhan siya ng tao sa kung ano siya talaga. Na hindi raw niya kailangan pang mag-gym para lang magpa-impress sa tao. Mga dahilan niya. Pero sabagay, okay na ako na ganiyan siya. 'Yong ganiyan pa nga lang na dadalawa ang abs niya eh marami na nagkakagusto sa kaniya, paano kaya kung naging eight pack abs na 'yon.
"Asan ba tayo ngayon? Nasa beach 'di ba? Alangan naman na mag-pajama ako. Sana okay ka lang..." At inirapan lang po ako ng dakilang Cedrick na dalawa lang ang abs.
Pero sige, hahayaan ko siyang ibalandra ang dalawa niyang abs. At least naaarawan siya ngayon. Mabawas-bawasan man lang ang pagka-putla ng taong 'to.
"Ang sabihin mo, gusto mo lang na pinagtitinginan ka. Tariray ka talaga. Tsk..." Ang bakla talaga nitong magsalita...
Naalala ko 'yong kaklase ko na kapag nagkagusto sa isang tao, kapag hindi taken eh bakla naman.
"Ang sabihin mo, naiinggit ka lang sa suot ko. Inggetero ka talaga. Tsk..." Napaamang sa akin ang bang-aw.
'Yong itsura niya, parang 'di siya makapaniwala na ganoon ang sinabi ko sa kaniya. Madamdamin ding tunay.
"Mukha ba akong bakla sa paningin mo?" Uh-oh... Serious na thiss...
Hindi naman siya mukang bakla. Huwag mo na lang tignan 'yong dadawala niyang abs, lalaking-lalaki naman siya.
"Gusto mo lang ata magpahalik eh."
Gusto ko pero hindi sa ganitong sitwasyon. Hindi naman ako ganoon ka-desperada para sa halik niya 'no?
Napaatras na lang ako dahil abante siya ng abante papunta sa akin. Nagbibiro lang naman ako eh. Ang hirap naman magbiro ngayon.
"A-Ako? Asa ka, men! L-Lakas ng apog mo!" Kinakabahan na ako... ng very very slight lang naman...
Napangisi naman si Cedrick dahil sa pangangatal ko. Bwisit! Wala na sa isip ko 'yong kiss ang gusto ko na lang ay lamunin ng buhangin ngayon!
"I really... really don't like this situation right now. Are you... trying to seduce me??" he said that with a warning tone.
Nag-english na naman ang taong 'to.
Wala naman talaga akong balak na akitin siya 'no. Uulitin ko, hindi ako ganoon ka-desperadang babae. Alam ko ginagawa ko.
"No, I'm not. Bakit naman k-kita aakitin?" Shete... otso...
"You know you're mine, right?" Napatango na lang ako sa sinabi niya.
Umatras uli ako ngunit... holy water. Dead end na... at mas lalong napangisi ang loko. Now I'm trapped.
Nilagay niya ang dalawang kamay malapit sa ulo ko at mas lalong inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Sauce ko Lord! Dito na yata ako mamamatay.
Time of death- 9:56 a.m.
Cause of death- Cedrick Ramirez
"If you know you're mine, then stop being close with that son of a bird. I hate it. Understand?" Sino? Si Raven? Haha! Ginawang ibon ang kawawa. Sabagay... ibon naman talaga ang raven.