Chapter 2: Martyr

6 1 0
                                    
"Masyado kong pinapahalagahan ang samahan namin para lang pumasok sa isang relasyon na alam kong hindi rin naman magtatagal" 

Paulit-ulit ko 'yang naririnig sa isip ko. Masiyado na 'kong tanga dahil alam kong masakit na, inuulit-ulit ko pa. Parang sirang plaka. Dahil sa sinabi niyang iyon... napatunayan niya sa 'kin na malabo talagang maging kami. Na kahit kailan, hindi magiging kami.

Kumbaga... hanggang kaibigan lang ako sa kaniya. Kung kaibigan, kaibigan lang. Walang lampasan. 'Yan ang tandaan mo, Naya.

Now playing: Kung ako ba siya

Matagal ko nang itinatago.

Mga ngiti sa munti kong puso.

Batid kong alam mo nang umiibig sayo.

Bakit hindi mo pansin itong aking pagtingin.

Bat di mo ramdam ang tibok nitong dibdib.

Kaibigan lang pala ang tingin mo sa akin.

"Masakit ba bes?" mapang-uyam pang sabi sa 'kin ni Perry. Badtrip 'tong bruhang 'to.

Alam kasi niya 'yong feelings ko for Cedrick. Sabi pa nga niya, malalaman na't lahat ng buong campus ang pagtingin ko kay Ced, si Ced naman... wala pa rin daw kamuwang-muwang. Ang manhid niya 'no? Pero mas mabuti na rin nang hindi niya alam. Hindi ko alam ang i-aakto ko sakaling malaman niya. Paniguradong magkakalamat na ang pagkakaibigan na nabuo namin ilang taon na ang nakalilipas.

"Kung ako sa'yo... maghahanap na ako ng iba. Wala ka namang mapapala ro'n sa lalaking 'yon eh!" 

Sana nga ganoon lang kadali ang magpalit. 'Yong tipong kapag may hindi ako nakuha na gusto ko, may reserba naman ako. Pero hindi naman ganoon ang sitwasyong meron ako. Tao ang pinag-uusapan dito. Taong malabong makuha ko.

Mahirap nang tumigil lalo na kung hulog na hulog ka na. Na kahit may hagdan paakyat, hindi mo na magawang makagalaw dahil hinang-hina ka na. Kung anong lalim ng hinulugan ko, siyang sakit ng pagkakabagsak ko. Siyempre not in a literal way. Pero kahit ano pang way 'yan... Pag nasaktan ako... nasaktan ako.

"Masiyado na bang malalim bes? 'Yong tipong pag nakaahon ka na... nahulog din naman pala siya sa iba? 'Yong tipong malalim din ang nahulugan niya... at 'pag nakaahon siya... hindi pa rin ikaw ang mahal niya? Hahahahaha!!!" eksaheradang pagkakasabi ni Perry. May pa-demonstrate pa ang gaga. Ang lakas mang-asar palibhasa wala na rito si Ced.

Sige lang asarin mo pa kong bruha ka! Huwag mo nang ipamukha sa 'kin ang katotohanan. Masiyado na talagang masakit. Kaya ko pa ba?

"Tapos ka na ba bes? Gusto mong ihulog din kita? 'Yong tipong pag nakaahon ka... ihuhulog uli kita... hanggang sa matauhan kang may pakpak ka na pala?" mas eksaherada namang pagkakasabi ko sa kaniya.

BindingWhere stories live. Discover now