Love connects all emotions. When it comes to love, you tend to do something unusual to someone whether it's conciously or unconciously. Specially when you're jealous. They say you're free to be jealous if you two are in a relationship, but if not... you can't. You simply just can't. But I will say...you don't need any rights to feel jealous. It is a feeling. A feeling that you can surely hide... but not forever. So feel free to be jealous! No need to find rights or be in a relationship!! If you're jealous... then you are! So be it.
Yeah... I'm practically saying that to myself. Ginagawa ko ngayon ang bagay na ginagawa ng isang taong nagseselos. At ito ay ang magtanong. Hindi lang simpleng tanong. Gaya ng...
Ano kayang meron sa kaniya na wala ako? O anong meron sa'kin na wala sa kaniya. I'm starting to compare myself to her. And it's inevitable. Halos lahat naman ata ng ginagawa niya kaya kong gawin eh.
Pero bakit palaging siya ang mas matimbang? Bakit ako 'yung naleleft-out? O baka naman paranoid lang ako. Kasi sa tuwing siya ang pinipili ni Ced kesa sa'kin... feeling ko lahat ng tao... siya rin ang pipiliin...
"Ang ganda niya talaga 'no?" Kumikislap ang mata niya sa tuwing siya ang nakikita niya. Kakaibang-kakaiba sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
Nandito na kami sa gymnasium. Start na ng pre-pageant. At hindi ko makausap si Ced ng matino. Nakakawala pala ng katinuan ang magmahal. Ganiyan din ba ako sa kaniya? Buti hindi pa niya nahalata. Kasi kung katulad niya ako... bistado na ang pagkatao ko.
I know I shouldn't feel jealousy... I can't be jealous!! But how fucking demented am I to say that to myself...when the fucking truth is I actually am.
"Yong ngiti niya... nakakaadik. She deserve everything... and I can be her everything," nangingiting sabi niya. Ang saya niya kung titignan mo siya. Halos pareho lang pala kami ng sitwasyon. Pareho kaming nagmamahal. Pero hindi kami pareho ng pagpapakita ng paraan. Ako patago... siya lantaran.
'Yong mga mahahaba niyang mga pilik ay tila tubig na umaalon-alon kasabay ng mga mata niyang kumukurap-kurap at halos na 'di na makita sa kawalan ng talukap. Kumikislap pa ito na akala mo'y nakakita ng napakagandang bituin. Ganiyan din ako. Kung alam mo lang...
I can never get tired of staring at him... specially to those two pairs of almond eyes. I love staring right through his eyes because it reflects myself. I can see right through those eyes how deeply I am inlove with him. I realized, I'm still lucky to be his friend. I can be with him whenever I want... wherever I want.
"Sa tingin mo ba Naya, may pag-asa kaya ako sa kaniya? You know... she's just too good to be true... that I find it hard that she really exist. Everybody adores her. Mapapansin kaya niya ang isang tulad ko? She's just... perfect." Said it in a hopeful tone.. I can feel how deep his love is. Just as how deep my love for him is.
Buti pa talaga iyong babaeng 'yon. Ano ba talaga ang mayroon sa kaniya?
"Bagay kayo. There's no doubt you could end up being together... inlove with each other." Of course, I sounded bitter. And I love myself so damn much for being such a martyr. "Ngayon pa lang kino-congratulate na kita Ced! Fighting lang! Huwag kang susuko. Nagsisimula ka pa lang, huwag kang panghinaan ng loob, okay?" Pakiramdam ko ako ang sinasabihan ko niyan. Na sarili ko ang pinapaniwala ko sa sinasabi ko sa kaniya.
I feel like shit. Feeling ko bayani ako dahil ang tatag ko habang sinasabi ko 'yon sa kaniya.
"Sa tingin mo? Thanks, best friend! For lifting me up! Feeling ko kasi wala akong panama sa ibang lalaking pumoporma sa kaniya. Fuck this feeling. Hindi pa nga kami, gusto ko na siyang bakuran. Tama pa ba 'tong nararamdaman ko?" gulong-gulo na sabi niya. Akala mo naman sobrang pangit niya para ma-concious siya bigla sa sarili niya.