Matapos ang usapan... umakyat na ako sa kwarto ko. Still confused. But nothing's changed. I still hate my Father. And I will always be.
Tok! Tok!
After the knock, Kuya Kino entered. He sat beside me. Patting my hair. Kuya Kino is a carbon copy of our Father. Those grey eyes... same with our Father. Kapareho kami ng pilik-mata at ng ilong. Ganoon din sa labi. Maninipis na labi at mapula-pula. He has a strong looking jaw. That you could almost say that—he might be ruthless someday. But he's not. He's soft, kind-hearted and sweet. That's what he is to me... and to Lena. Grabe siya sa tangkad. Mas matangkad pa kay Papa. Maputi rin siya... pero mas maputi pa rin si Ced.
"Don't be angry anymore, Baby Naya. It's all in the past. Let's forget about it." Tinatawag niya pa rin ako ng ganoon. And it always comforted me.
"Kuya, I can't. I still can't. I'm trying, but the past keeps on haunting me. Niloko niya si Mama. Hindi naman ako galit sa inyo, sa kaniya lang. Bakit kasi kailangan niya pang gawin iyon. Pero ang maganda lang sa nangyaring iyon... 'yon ay ang nagkaroon ako ng mga kapatid na tulad niyo." Hindi ko sila sinisisi sa nangyayari. Kapatid ko sila. At mahal ko sila.
What happened in the past... scarred me. I grew up admiring Papa. Everything. I admired everything about him. So much that I almost placed my feet on his footsteps. Pinangarap kong maging katulad niya. Buti na lang... pinapangarap ko pa lang. Hindi pa natutupad. At ayaw ko nang matupad pa. Nang dahil sa isang pagkakamali. Na hindi ko maintindihan kung paano nagawa ni Papa.
"Hindi ba ako naging sapat, Kuya?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot. Tila naninimbang kung paano ako sasagutin.
"Someone said that, those who hurt others forget easily, while those who are hurt remember it forever. Isang taon matapos kong ipanganak... hindi ako naging sapat... kaya naghanap pa siya ng iba. Hindi ba siya naging masaya? Akala ko ba ito ang gusto nila ni Mama? Pero bakit... b-bakit? Ang s-sakit, Kuya!" nanghihinang dugtong ko pa. Masakit. Puro na lang ata sakit ang mararamdaman ko. Gusto ko na sumaya.
Paano kaya nagagawa ni Mama na ngumiti? Niloko siya ni Papa. Pero ang paulit-ulit lang na sinasabi niya...
"Mahal ko ang Papa mo. Kahit anong mangyari... mamahalin ko ang Papa mo. Iyan ang ipinangako namin sa isa't isa. Hindi pwedeng talikuran ko na lang siya dahil sa isang pagkakamali. Naya... kapag nagmahal ka na... maiintindihan mo ako. Kapag minahal mo ang isang tao, tanggap mo maging ang buong pagkatao nito. Lahat ng hindi kaaya-aya, gumaganda sa paningin mo. Iyan ang pagmamahal na meron ako, anak," may ngiti pang sabi ni Mama. Paano niya nagagawang ngumiti? Paano?
"Pero niloko ka niya, Mama. Nagmamahal na rin ako Mama, pero hindi ko alam kung kaya ko ang ginagawa mo ngayon. Masakit Mama ang lokohin. Hindi ko alam kung kaya kong magpatawad kung sa akin iyan mangyayari. Pero bakit ikaw, Mama? Bakit kaya mo?" halos pabulong ko nang isabi ko iyon kay Mama. Kaya ko rin kaya iyon? Ano bang klaseng pagmamahal mayroon ako?
"Anak. Ganoon ang pagmamahal. Walang hindi kakayanin. Lahat makakaya mong patawarin. Maging ang mga bagay na sa tingin mo ay nakakasakit na... bagay na sumosobra na."
Ganoon ba talaga ang pagmamahal? Siguro, hindi rin magtatagal... magiging ganoon din ako kay Cedrick. 'Yon ay kung magagawa niya akong mahalin. Ha! Malabo ata iyon. Lahat na lang ata nakuha ko na... pero pagdating sa kaniya... uuwi ako ng nganga.
"Kuya, nagmahal ka na ba?"
Tinitigan niya lang ako. Itinigil niya na ang kanina pa pala niyang ginagawa na paghaplos sa buhok ko. Palagi niya iyong ginagawa sa akin. Minsan pa ay sinasabayan niya ito ng pagkanta. I loved that side of him. Sobrang sweet niya na minsan napagkakamalan pa kami ng ibang tao na mag-on. Tinatawanan na lang namin iyon ni Kuya. Hindi na pinapansin. Pero ang hindi ko talaga makalimutan ay ang encounter namin with Ced...