When you feel like someone's owning your property, you are outraging.
This feeling?? Is this what he feels right now?
"Ced, penge pa asukal..." Tinignan lang ako ni Cedrick na para bang may gustong ilabas pero hindi niya magawa... Hindi kaya??
"Natatae ka??"
Napaubo 'yong isa ko pang katabi na walang iba kung hindi si Raven. Bakit? Anong mali sa sinabi ko?
"Uyy, okay ka lang? Ba't ka namumula?" Grabe... May mali ba talaga sa sinabi ko? Nakakapula pala 'yon ng mukha?
"Mukhang 'di mo na kailangan ng asukal. Sapat na 'yang kasweetan niyong dalawa. Tss..." Kulang ba sa tulog 'tong lalaking 'to? Badtrip na badtrip eh. Pati asukal napagbubuntungan...
"Hakdog ka, Ced. Alam mong maki-asukal ako eh. Tsaka anong kasweetan diyan? Sana okay ka lang?" Ang asukal na walang malay, kawawa naman...
"Oo na lang. Bahala na kayo riyan."
Pinabayaan ko na lang siya at nagtimpla uli ako ng kape. Gising na gising na kasi ako kaya gusto ko ng kape. Anong connect? Wala. Ibig sabihin lang noon ay trip ko lang talaga magkape. Kape is layp.
"Bakit kaya ganoon si Cedrick?" Feeling ko nagtatampo siya dahil hindi ko siya pinagtimpla. Palagi ko kasi siyang pinagtitimpla kapag gusto niya. Eh tinatamad ako. Nagagawa ng katamaran.
"Antok pa siguro..." Owss?? Siya pa nga 'tong excited mamili kahapon eh...
"Honeybunch, ilang kilong karne bibilhin natin??..." Isa.
"Apple pie, ilang pack ng marshmallow kukunin ko??" Dalawa.
"Eh 'yong stick?? Gaano ba kahaba dapat, lovey..." Tatlo.
"Ayy!! Asawa ko, huwag kang magkakamaling magsuot ng swimsuit ha?? Ako lang dapat makakita kapag ganoon ang suot mo hihihihihi...." Apat
"Aking irog, ayos lang ba kung dagdagan ko pa 'yong marshmallow?? Favorite ko kasi ito eh..." Lima.
"Sweet, bili tayong timbulan mamaya ha??" Ayoko na magbilang.
"Mahal, ano gusto mo? Coke o Royal?" Pepsi gusto ko... ayoko na talaga magbilang pero... pito.
"Sugar pie, anong gusto mong bread? Tasty? Gardenia??" Gusto ko ng bread knife. Last na talaga 'to... walo...
"Bibi ko, bili rin pala tayo ng goggles para---" Pisting lalaking 'to...
"Tumigil ka nang hinayupak ka. Kaya ko pang magtimpi. Umisa ka pa, isusubsob na talaga kita. Nakakaimbyerna ka na talaga. Tumahimik ka na kung ayaw mong ako ang magpatahimik sa 'yo. Isa pa talaga..." Sige lang, umisa ka pa talaga...
"---hindi tayo magka-sore eyes he-he-he-he..." Put a dynamo...
"Aaahhhhhhhhhhhhh!!!!!! Bwisit ka talagaaaaaa!!!! Puputulin ko 'yang----"
"A-Alin ang puputulin mo, Naya??"
"---dila mooooo!!! Pumarito ka!??!??!"
"Waaaaaaaaa!!!!!! Tulonggg!!!!!! May nagwawalang tingting ditoooooo!!!!!" Put a tsaa...
"Tingting po 'yong katawan tapos parang tambo naman po 'yong buhok... Tulong poooo!!!!!" Put a tang na...
Cedrick Ramirez... katapusan mo na...
Ganoon siya ka-excited... Sobrang excited na gustong-gusto ko na talaga siyang sakmalin kahapon. Tapos ngayon? Problema niya? Nasobrahan ata sa pagkakasinghot ng katol kagabi.