Things that only you can have. Things that only you can own. Things that only you can claim.
I want it.
And now, I got it.
"Cedrick, iho, pakilala mo naman kami sa iyong kasintahan. Aba, eh kahapon pa siya naririto ay hindi mo man lamang maipakilala sa amin. Nasaan ka ba at parang kinalimutan mo na itong napakagandang babae sa hapag na ito?" Hindi po siya napakagandang babae. Edi sana ako 'yong kinalimutan niya. Eh wala, ako 'yong kasama.
Pero hanap mo siya~~ Moira huwag ako..
"Kahapon lang po ba siya dumating? 'Di ba po noong unang araw pa lamang eh nandito na siya?" Aba kagaling ng lalaking are! Harap-harapang kumakabit!
First day pa lang ng outing, nandito na?!
At tignan mo 'tong si Kuya! Kung makangiti eh papalitan ang pwesto ni Joker! Naku, don't me!
Ito na ba 'yong part na magwawalk-out na ako? Kaso nasa labas na kami eh. So walk-in? Dahil nasa labas kami, para makaalis sa eksena, papasok ako sa cottage?
Talino ko, grabe!
Naalala ko tuloy 'yong meme na nakita ko sa facebook. Nakalagay doon 'yong picture ni Seojun—character name ni Hwang In Yeop sa True Beauty—tapos may caption na, "Alam kong masasaktan ako sa huli, pero sa huli pa naman 'yon".
I mean, where's the lie? Sulitin mo na habang masaya ka pa. Kilig now, iyak later.
At dahil mahilig ako mag-monologue, inosente si ako sa mga nangyayari kani-kanina lang.
"Tita, Tito, everyone... my girlfriend." I felt someone holding me up. Okay? "Naya po, ang inyong lingkod. Boto niyo po para sa nalalapit na halalan."
Pwede ko bang isubsob si Cedrick sa soup? Kaya lang masiyadong masarap 'yong soup para lang isubsob ko 'yong mukha ng pisting hayip na 'to.
"Hi ka naman sa kanila, baby." Baby ko si kulot~~
Ang dami nang usong kanta ngayon. Parang dati lang, classmate pa 'yong kinakanta ko. Jeje pero wala eh, feel na feel ko 'yong kanta.
"Uyy babe. Pakilala ka kako. Tulala ka na naman diyan. Huwag ka na mahiya, family mo lang 'to." Right. Ba't ako mahihiya eh family ko lang 'to.
Duh! Pinapakilala niya ako bilang girlfriend niya so ano ba dapat reaction ko? I mean ako 'yong anak tapos 'yong jowa ko ang nag-introduce na kami na?
Utak ni Cedrick, baliktad.
"Hi everyone. Naya here." Ano ba 'tong ginagawa ko sa buhay. Sana okay lang ako.
"Oh my God! Baby, you're not lesbian! Congratsss!!!"
"Buti 'di ka pumalag, Ced?"
"Gaano katagal ang bisa ng kulam?"
Maya-maya lang, may lilipad nang tinidor dito.
Reaction niyo guys, ayus-ayusin niyo.
Natahimik bigla sina Kuya Kino nang may mahulog na kutsilyo. Kutsilyo talaga?
At sino pa ba ang makakahulog? Walang iba! Representing! The one and only!
"Xyra, iha, I'm sorry kung napagkamalan kitang girlfriend nitong si Cedrick. Eh si Naya naman pala. Sorry ha kung hindi pala ikaw. I mean, that's normal. 'Yong may mag-isip na kayo pala pero may iba pala. I hope I did not make you feel uncomfortable."
Hooo! Hardcore ka, Ma! Ang supportive mo sa 'kin. 'Di naman halata na sinasabi mong—sorry ka, may Naya na siya. Love you, Ma!
Si Xyra naman eh 'di mo maintindihan kung anong ekspresyon ang ipapakita sa amin. Matapos niyang pulutin ang nahulog na kutsilyo ay tumingin siya sa amin na parang wala lang. 'Yong tipong tingin na may nakita kang magjowa na kasauot ng couple shirt na may nakalagay na he's mine at she's mine tapos mapapatingin ka na lang bigla sa suot mo na ang nakalagay ay isang malaking I LOVE PALAWAN.