Chapter 10: Hold On

3 1 0
                                    

Acute lymphocytic leukemia.

That's what the doctor said. Nanghina ako habang humahaba ang eksplanasyon ng doktor. Hindi ako makapaniwala. Si Kuya? May sakit? Bakit hindi ko alam?

"Acute lymphocytic leukemia (ALL) is a type of cancer of the blood and bone marrow—the spongy tissue inside bones where blood cells are made."

Wala akong maintindihan. Punong-puno na ng impormasyon ang isipan ko. Kaya ba palagi siyang umaalis ng bansa? Grade six ako nang magsimula siyang magpabalik-balik ng ibang bansa. Wala naman akong kakaibang pakiramdam noong panahon na iyon. Pero palagi siyang kinakapos ng hininga at palaging nanghihina. Ang sabi naman ni Mama, maselan daw talaga ang Kuya. 'Yon pala, kakaibang selan na ang sinasabi niya...

"Anak, kailangan ng umalis ng Kuya Kino mo," mahinang sabi ni Mama.

May party sa bahay ng sabihin ni Mama iyon. Graduation party ko. Ang dami na namang handa sa bahay. Halos wala nang mapaglagyan ang iba pang niluto ng aming kasambahay. Sa rami ng dumalo ay naisipan pang magsipag-luto ng panibago. Hindi magkamayaw ang mga bisita sa pagkuha ng handa na nakapagpatawa sa amin. Ang saya na naman tuloy ulit ng bahay. Punong-puno ng dekorasyon na matitingkad ang pinagdarausan namin. Bago pa man magsimula ang kasiyahan ay abala na ang aming kasambahay sa pagdidikit at pagsasabit ng kung anu-ano. Ang ganda lang lahat sa paningin.

Panay ang pasasalamat ko sa kabi-kabilang pagbati ng mga tao. Walang pinipiling estado sa buhay ang naging bisita namin. Karamihan ay mga kapit-bahay lang namin. Habang ang iba ay nagmula na sa iba't ibang lugar. Tuwang-tuwa naman ako dahil may kahit kaunting nakadalo na nanggaling sa charity na tinutulungan ko. Halu-halong matatanda, bata at may kapansanan ang nagsipagdalo.

Nakangiti lang ako the whole time. Walang paglagyan ang saya na nararamdaman ko. Maging ang mga magulang ko ay tunay na tunay ang ngiti na inihahatid sa mga bisita.

"Baby Naya .." Ang malaking ngiti na mayroon ako kani-kanina lang ay biglang napawi nang tawagin niya ako. "Sweetie Pie..." tawag ko rin sa kaniya. Nakangiti man ulit ay mararamdaman mong may halong lungkot na. "Aalis ka na agad? Ang bilis naman." Hindi pa nga natatapos ang selebrasyon.

"Hinintay ko lang talaga na umakyat ka ng stage at tanggapin ang awards mo, Baby Naya. Pasensya na kung kailangan ko ng umalis. Palagi naman akong tatawag sa'yo. Huwag nang malungkot. This is your day! Smile na ulit?" Napilitan akong mapangiti dahil kay Kuya. Para kay Kuya.

"Ako nang bahala kay Naya, Kuya Kino. Huwag kang mag-alala. Pakasaya ka lang do'n. Huwag ka lang makakalimot ng pasalubong ha?" Biglang sulpot ni Cedrick sa tabi ko sabay akbay sa akin. Sabay nga pala kami ng selebrasyon na isinagawa. Palagi naman eh.

"Ingatan mo ang Baby Naya ko ha? Pag nalaman kong umiyak 'yan tapos wala kang ginawa, susugurin kita ng wala sa oras! Naiintindihan mo?"

Iyon ang huling usapan namin ng personal. Nagtampo ako dahil palagi na lang sa tuwing sobrang saya ko ay nagiging sobrang lungkot din ang nararamdaman ko. Ngunit nawala rin iyon dahil araw-araw talaga kung tumawag si Kuya. Pilit niya akong pinapasaya. At hindi naman siya nabigo. Nagtaka pa ako dahil may suot na bonnet si Kuya. Tinawanan ko pa nga siya dahil doon. Mukha naman kasing nasa loob siya ng bahay kaya natatawa talaga ako. Binibiro ko rin siyang pumapayat siya. Na kung wala na bang ibang makain doon kundi puro burger. Pumuputla din siya kaya nagawa ko pa siyang tanungin kung ganoon ba ang epekto ng lamig doon. Sa America kasi siya nagpunta. Tinatawanan lang lahat ni Kuya. Kahit nga walang nakakatawa, tatawanan niya pa rin eh. Nagtataka man ay sinabayan ko na rin ang trip niya.

Wala akong kaalam-alam na nagsisimula na pala sa pagpapagamot noon si Kuya. Kaya pala ang payat-payat niya. Wala raw kasi siyang gana kumain. Dati naman ay paramihan kami ng nakakain. Kaya rin pala pumuputla siya. Hindi niya kinakaya ang treatment. Kaya pala naka-bonnet siya. Ang sabi niya style niya raw 'yun. Ayaw niya lang pala na makita kong nakakalbo na siya. Ang bilis daw kasi manlagas ng buhok niya. Nanghihina na pala si Kuya nang panahon na iyon. Hindi man lang nagsabi sa akin si Kuya. Dinamayan ko sana siya. Iniwasan ko sanang magbiro sa kaniya. Kaya ba tinatawanan niya lang ako? Natatakot siyang malaman ko ang totoo?

BindingWhere stories live. Discover now