Expecting too much is really too much. Be content. Never demand. Not because he might leave you, but because it is the right thing to do.
~clap!clap!clap!clap!clap!clap!~
Kasabay ng tunog ng pagpalakpak ang sabay-sabay na pagkakatulo ng mga luha ko. Para bang iyon lang ang hinihintay bilang hudyat na tumulo na sila. Kanina pa man kasi ay ramdam ko na ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Kaya naman panay ang tingala ko para lamang mapigilan ang pagbagsak nito. At ito na nga... tinraydor ako ng sarili ko...
"I really love your voice!" Kinikilig na sabi ni...
"Wow, thanks!! Buti naman nagustuhan mo. I practiced it many times," galak na galak na sabi ni Ced. Sino ba namang hindi magagalak kung ang kausap mo ay ang...
"Oo naman. Kahit 'di sa 'kin familiar 'yong song. As long as ikaw ang kumakanta, magugustuhan ko. Ikaw pa ba!" matinis na pagkakasabi ni...
"Zyra!! N-nandito ka lang pala! Kanina ka pa namin h-hinahanap. Mamaya na iyang pakikipagligawan mo! K-kailangan na nating mag-prepare sa pre-pageant!" nanginginig na pagkakasabi ni Perry. Alam ko ang reaksiyon na iyan. Alam kong nakita niya kung paanong pasimple kong pinahid ang mga luha ko. Siya lang ang nakakaalam kung bakit ganito ako ngayon. And...
Right... si Zyra. Ang kinababaliwan ni...
"Haha. Anong ligawan? Para kinakantahan lang si Zyra eh!"
...ni Ced. Walang oras na 'di niya siya binabanggit. Ang taong sobrang ganda sa paningin niya. Ang taong sobrang bait sa paningin niya. Ang taong sobrang sweet sa paningin niya. Ang taong sobrang galing sa paningin niya. Ang taong sobrang gusto niya. Walang iba kundi si Zyra Acostel. Ang campus crush ng St. Laurent University. And please note the sarcasm habang binabanggit ko ang mga salita patungkol sa kaniya.
Eh ako? Banggitin man niya... Maganda lang. Mabait lang. Sweet lang. Magaling lang. Gusto niya lang. Ako lang naman si Naya Meredith. Ang campus genius ng St. Laurent University.
Yong sobra nasa kaniya... Ako sakto lang. Eh sino ba naman ako sa kaniya 'no? Best friend niya lang ako.
At 'yon ang masaklap...
"Naku! Bulag na lang ang hindi makakakita sa pagkahibang mo kay Zyra 'no!" pasigaw pa ring sabi ni Perry. Kahit kailan talaga 'tong si Perry. Quota na 'to sa 'kin eh!
Bulag ba ako? Kasi hindi ko makita na siya ang gusto niya... Habang ako patay na patay sa kaniya. O baka naman hindi ko lang maatim? Na may iba siyang gusto, at malamang... hindi ako 'yon. Tanga mo, Naya! Ilang taon pa ang kailangan para matauhan ka? Tali-talino mo pero hindi ka makahanap ng solusyon sa problema mo!
"Ano ka ba Perry! Mamaya iba naman pala ang gusto ni Cedrick, tapos nililink mo pa 'ko sa kaniya?" nahihiya pang sabi ni Zyra. Walang bagay na hindi mo magugustuhan sa kaniya.
Pero sana nga iba na lang ang gusto ni Ced. Sana ako na lang 'yon. Kaso malabo eh. Mas malabo pa sa blurred. Kaya pati si Ced, nagustuhan siya. Wala ring dahilan para kamuhian ko si Zyra. Na dahil lang gusto siya ni Ced, magagalit na ko sa kaniya. Ano namang karapatan ko 'di ba? Best friend lang ako. Tapos!
I may envy her, but I don't hate her. Naiinggit ako sa kaniya dahil siya ang gusto ng taong mahal ko. Pero wala na akong magagawa roon. Kung siya ang gusto, edi suportahan ko na lang... bilang kaibigan niya.
Ako kasi, kahit ano ang gawin ko... kaibigan lang ako sa kaniya. Habang siya... wala pa mang ginagawa... si Ced... nahulog na. Swerte niya. Gusto siya ng taong gusto ko. Nakakainggit talaga.
Nakakabaliw ang magmahal. One time, you're crying. The next time... you're smiling... very... very fakely. Ang pait sa pakiramdam ang mabanggit na kaibigan lang niya ako. Bakit ba ang demanding ko pa? Best friend ka na nga eh! At least, close kayo!