Having an agreement to each other means you're not only sharing the same context but also you're both liable to all the consequences.
"1. Everything can be done, if necessary. Such as hugging, holding hands, and dating."
"Bakit walang kiss?? Choosy ka pa ba kung ako naman iki-kiss mo?" Can someone remind me what am I doing right now?
"KISSING IS A NO-NO! 'Yan!! Okay na?! Anong kiss ka riyan? Mukha mo!" Kapal ng apog ng lalaking 'to! Oo, thankful ako na pumayag siya pero parang kukumbulsiyonin ako sa pinaggagawa ng lalaking 'to!
Gumagawa na kasi kami ng contract matapos nung mabigat na kaganapan kahapon. Actually wala sa isip ko 'yong paggawa ng contract. As in ang nasa isip ko lang kailangan naming magpanggap. Si Cedrick talaga 'yong nakaisip na gumawa kami ng contract. And... hindi ko kinakaya ang sitwasyon na 'to.
I was sleeping when someone opened the door of my room.
"Hoy! Gumising ka na panget!! May gagawin tayo! Panget!! Gumising ka na!!" Fuck that voice... natutulog ng mahimbing 'yong tao, iistorbohin ka? Hanep sa timing...
"Get out." I'm sleeping, can't you see?
Pero 'di pa rin ako tinigilan. Hinila niya 'yong kumot ko. Right. Hinila niya 'yong kumot ko. Isa pa. Hinila niya 'yong ku--
"What the hell?!! Who the fuck are yo---Cedrick?!? Anong ginagawa mo rito?? Manyak ka!! Lumayas ka sa kwarto ko!! Layas!!" Pero ang kumag, nakatulala lang. Para siyang nakakita ng multo.
Paano ba naman kasi... no'ng hinila niya 'yong kumot ko... kung ibang tao ang gagawa no'n... mapatutulala talaga... Naka short shorts lang kasi ako minsan matulog saka naka-tube. Hindi naman ako araw-araw ganito matulog, pero nasaktuhan na ganito suot ko...
"G-Ganiyan ka pala matulog?? Ba't ngayon ko lang nalaman? 'Di ka naman ganiyan dati ah? Ha-ha-ha-ha..." Muntanga itsura niya.
"Ngayon alam mo na!! Huwag ka nang magsalita pa, umalis ka na!! Layyyaaaaaasssss!!!!!"
Umalis na rin naman siya pagkatapos niyon. Na-stress ako bigla, aga-aga.
"Number 2. No one must know about the contract. Only the two who are involved will have the right of possession on the contract papers. May angal ka pa?" Seryosohin mong kumag ka kundi malalagot ka talaga sa 'kin.
"KEEP IT AS IF YOUR LIFE DEPENDS ON IT! Oh? May angal ka rin?" 'Pag ako napuno sa hayop na 'to...
"Oo na lang..."
"Next! Ako naman!! Number 3, the acting of being a couple will only be done on public. If no one's watching, back to being best friends. On second thought, okay lang pala na kahit tayo-tayo lang... magiging sweet pa rin ako sa 'yo. Gusto mo 'yon?" Hayop, siya pa talaga ang nagsabi niyan? 'Di ba ako dapat? Pakipot gan'on?
"Asa ka. Okay ako roon sa una mong sinabi and I don't second the motion dun sa second thought mo. May idadagdag pala ako, 'ACT NORMAL OR ELSE THE PLAN WILL BE BUSTED', walang kontra." Siyempre, ayoko mabuko agad 'no?
"Yes, Madame!"
"Ako uli. Number 4, the agreement will only last until the brother of Ms. Naomi Yaschia M. Meredith, who is Mr. Kirstov Norman M. Meredith, is being cured from his illness. Afterwards, termination of the contract as well as an act of breaking up with each other will be done. Agree ka ba?? Pumayag ka kung ayaw mong masuntok..."
"Payag ako pero may idadagdag uli ako. 3-MONTH RULE IS A MUST! Para naman makatotohanan talaga. Give me time to move on bago mo ko ipagpalit. Marupok kasi ako." Marupok your face. Ako yata 'yon. 3-month rule? Siya talaga nakaisip noon?