#1 High School Life

748 13 3
                                    

"High School Life"

Ryohan's POV.

Hi! I'm Hyun Seon Han also known as Ryohan, nice to meet you all. :)

Seon Han is my first name, Hyun is my Family Name.

I'm a high school student.
First year dito sa Very High School hahaha
13 years old na ako
From doon sa lugar kung saan maganda ako haha

First year pa lang ako ay may nakapansin agad sa akin na ibang year, mga 3rd year student.

One day, nakatambay lang ako sa loob ng room namin sa tabi ng bintana, medyo naka distansya yung upuan ko kaya hindi masyado maririnig mga nag uusap sa labas. Not until yung usapan nila is naging sigawan na hehe

May tatlong babaeng huminto sa tapat ko sa may bintana sa labas.

"Huy! Girl?! Diba siya yun?!" - Girl 1

"Halaaa oo nga siya yun! Yung kamukha ni Kim Bum sa F4 Korean Drama na Boys Over Flowers!?" - Girl 2

Nakatingin lang ako sa kanila, kasi nagtataka ako kung ako ba kausap o sila sila yung magkausap.

Nakita kong sumilip yung isang babae at noong makita niya ako ay bigla siyang nahiya.

"Hi po! Ano pangalan mo? :)" - tanong ni Girl 1

Nginitian ko muna siya saka ako sumagot.
"Seon Han po" tapos ngiti ulit ako. Killer smile! Para mahimlay na siya hahaha charot! Sinabi ko yung real name ko. Malay ba nila sa spelling, hahaha

"Ahh! Kamusta ka daw po netong kaklase kong si Chell. Crush ka daw kasi kamukha mo yung korean BOF na si Kim Bum." - Girl 1

"Hello" mahina kong sabi.

Nakita kong kumaway din siya pero sobrang hiyang hiya siya sakin.

"Ayan. Okay ka na? Nakita na natin room niya.. blah blah blah.." - Girl 1

Wala na masagap yung tenga ko kaya di ko na naintindihan mga sumunod na pinag usapan nila.

Binalik ko yung tingin ko sa drawing or lettering na ginagawa ko. Nung hindi ko na sila tinitingnan, narinig kong umalis na sila.

Tapos na kwento na toh. Haha joke!

Simula nung magpakilala si Chell. Bawat pag ikot ko sa buong campus. Nahuhuli ko nalang silang nakatingin sakin.

Lalo pa nung lumaban ako ng Eddis 1 sa Badminton. Tapat pa ng room nila yung court and stage na pinag papractice'an ko.

Sa totoo lang, inalis ko sa isip ko yung pagiging shy type ko. Pero parang nahirapan ako. Kasi newbie student palang naman ako at ayoko magpasiklab sa ganitong edad ko.

May mga 2nd yr din na naka pansin sakin. Ewan ko ba naman. Kaya nahiya na akong umikot at rumampa sa buong campus.

"Uyy Seonhan! May nakatingin sayo dun sa tapat ng room naten na 2nd year oh!" Classmate 1.

"Ha? Hm? Baka sa iba nakatingin. Or kaya banlag lang kaya akala mo saken nakatingin." Sagot ko.

Maya maya ay nilapitan pa ako ng isa ko pang kaklase at inakbayan ako.

Nakita kong tumango yung studyante sa kabila. Sign na ako nga ang tinitignan nila.

"Oh Seonhan! Ikaw daw tinatawag!" classmate 2.

"Ha? Hmmm!? Sinu beyun?!" Tanong ko.

"Tawag ka ni bel, hinihingi number mo."

Lumapit ako kasi curious ako makita ng malapitan yung itsura nung tumatawag sakin.

MY Bi-Fi Signals (Based on a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon