"FALL BACK"
RYOHAN's POV
Syempre nandito muli ako sa room namin na magulo, mainit at maingay.
Matic na lumabas ako ng room at magpahangin muna habang walang guro.
Nasa labas pa lahat ng mga 3rd year lalo na sa section nila Althea kung saan nandon si Piem.
Hindi ko na nga madalas makita yun, at buti na nga yung hindi siya nagpapakita at baka sumama pa loob ko. Nananahimik na nga din ako eh. Saka baka masaya na siya kung nakanino man siya ngayon na mas pinili niyang mahalin.
Napansin ko namang parang ako lang sa section namin ang nakatambay sa labas. Masyado yatang masisipag ang mga kaklase ko.
Maya maya, bago pa ako lumakad papasok ng room namin ay nakita ko si Piem na may hawak na phone, siguro may ka text. Kaya tumalikod ako at humarap ako sa bintana namin na kunwari may kausap ako sa may bintana.
Di ko din sadyang makita sa loob ng room namin na nahuli kong nakatingin sakin si Mae. Pero umiwas din siya nung tumingin ako, saka siya nakipag usap ng pasigaw dun sa kausap niya. Kairita din boses niya pero kahit paano sinamahan niya ako mag PE Uniform, kung di niya ginawa yun baka nilagyan ko na ng tape bibig niya sa sobrang ingay niya.
Na ultimo kahit kaharap lang niya yung kausap niya eh pasigaw padin makipag usap. Yun bang parang na overwhelmed masyado sa kausap kaya hindi niya nako-control yung volume ng boses niya.
Tapos sobrang tinis pa ng boses niya, konting ipit nalang eh kaboses na ni Spongebob. Hahahaha ambad
Ay gasti oo nga pala, malapit na ulit mag Wednesday. Iinform ko nga pala ulit sila na mag PE Uniform.
Kaya bago ako pumasok sa room, lumingon lingon muna ulit ako at saka ko tinuloy yung pagpasok sa room.
Nabanggit ko naman na hindi din naman kagandahan itong si Mae pero matalino at masipag siya mag aral at mabait naman kaso yun nga lang, sobrang ingay, madaldal tapos maharot. Yung harot na masyadong magalaw, kapag tumatawa nag kakasakitan pa at lahat ng bahagi sa katawan niya ay gumagalaw. Tawa pa lang niya mapapailag ka na din talaga eh.
Kung meron man na magreto sakin na maging jowa ko tapos si Mae ihaharap sakin, mas mabuti pang balikan ko nalang si Lleyn. Jusko baka maloka pa ko. Atleast si Lleyn maputi, sexy, mahinhin. Ganon mga gusto ko. Tahimik at mahinhin kaso nasa loob ang kulo hahahaha boset. O kaya, si Piem. Tutal may pag asa pa naman na magkabalikan kami kung marunong lang ako sumuyo at kung marunong din ako mag first move hahahaha
Pero sabi nga walang taong perpekto kaya kung ano siya sa loob at labas, dapat tanggapin mo hahahaha
Pero baka di ko matanggap kapag hindi nila ulit ako dinamayan sa PE Uniform na yan, kaya mabuti nang maipa-alala ko ulit sa kanila.Habang dahan dahan akong lumalakad patungo sa pintuan ng room namin, di sadyang napalingon ako sa may canteen. Halos katapat lang naman namin yung canteen, na may sukat na 10 metro lang mula sa room namin.
May tambayan sa labas ng canteen at doon ko nga nakita yung ilan na estudyante na 3rd year. Napansin ko doon yung isa o dalawang babae na laging kasama nila Althea, tapos sa di kalayuan, may isang babae at bakla naman pero alam ko ibang section yun, pamilyar sakin ang mukha nila. Siguro, mga tropa ni Piem yon.
BINABASA MO ANG
MY Bi-Fi Signals (Based on a True Story)
RomanceThis story is all about Bisexual Mscl Girl na si Hyun Seon Han 현선한 or mas kilala sa pangalang Ryohan na wala pang madyadong pagkaka unawa about love noong siya ay tumuntong ng High School, ito ay dahil sa pagiging childish niya. Bata pa siya nito ka...