"THROWBACK FOR THE MARITES"
Ryohan's POV
Sa mga nadaanan naming rooms. May naririnig akong sumisitsit. Pero malay ko ba kung kanino sila nagpapa.pansin.Ako kasi yung tipo ng tao na mahiyain pero pag sa tingin ko naman makakasundo ko sila. Nakikipag usap ako kapag una akong kinausap. Di ako lumilingon kapag sutsot lang, nakaka bastos kasi pag ganun. Kaya lumilingon lang ako kapag name ko ang isisigaw o tinawag.
Hindi ako namamansin ng hindi ko naman kilala, pero kung kilala naman nila ako, papansinin ko naman.
Kaya dere.deretso nalang ako naglakad. Nauuna ako kila Kris at Fol sa paglalakad.
Nagulat naman ako kay Fol nung bigla syang sumigaw ng.. "Thank you! Hahaha"
Nung nasa building na kami ng Seniors, tinanong ko si fol.
"Bakit ka nag thank you kanina? May ano? Baliw ka na ba?""T*ngi! May sumigaw kasi sa first year, ang ganda ko daw. Eh mabait ako kaya nag t.y ako. Hahaha!" Sagot niya.
"Kapal mo naman Fol, porket may ganun lang sumigaw eh ikaw na agad yung tinutukoy. Hahaha!" Sabi naman ni Kris.
Lakas talaga tama ng babae na to eh. Iba to mangarap talaga. Kung hindi ko lang sya kaibigan, baka nangudngod ko na sya sa kanal eh. Haha joke.
"Tara na nga, nangangarap ka na naman eh! Haha!" Sabi ni Kris.
"Haha, baka nalipasan! Tara na nga! Tss!" Ako.
"Grabe kayo ah!" Nangingiti naman si fol, habang sinasabi yun. At sabay sabay na kaming lumakad pabalik ng room.
Pagdating namin sa balcony, sa labas ng room namin kami tumambay.
Kumuha muna kami ng upuan at hinila namin yun papuntang balcony at nagkwentuhan kami doon at tinanong ko ulit yung pagdaan namin sa building ng Juniors kase medyo na-curious nga ako.
Maya maya ay may narinig kaming maingay na mga babae sa baba at paakyat na sa hagdan na katapat lang ng tinatambayan namin. Sila Ruthie, Jenn, at Mae iyon malamang. Kasi familiar na sakin ang mga boses nila at kung paano sila mag ingay.
Napatingin kami sa kanila dahil nga maingay sila at nagtatawanan. Napansin nga kami ni Jenn kaya pinatahimik niya yung dalawa.
"Huy ga@i hahaha wag kayo maingay haha tayo lang maingay dito haha." -Jenn
"Si Seonhan pala nandito eh haha maingay ba kami? Haha sarreh. Hahaha" sabi ni Ruthie na parang naka shot haha
Nginitian ko lang siya at nanatili akong tahimik hanggang makapasok sila sa room nila doon sa dulo, katabi ng room namin.
Saka ulit kami nagkibuan..
"V, kwento mo nga kung pano naging kayo ni Mae?" Sabi ni Fol na puno ng kairetablehan sa katawan dahil doon sa maiingay na nagdaan.
Wala pa naman kaming klase kaya nagkwentuhan muna kami.
"Hala! Mahaba-habang throwback toh fol." Sabi ko sakanya.
"Hayamo na. Dali kwento mo na."
Dahil curious talaga siya na malaman, ginawa ko na yung best ko para mapa-ikli yung kwento.
"Ano lang, dahil sa PE Uniform." Sagot ko
"Ano meron sa PE Uniform? Bakit? Pano?" Tanong ulit ni Fol.
"Parang ang gara naman kung dahil lang sa PE uniform haha" Reaksyon naman ni Kris.
"Ewan. Basta nung ayoko na mag palda uniform ng 4days, kinuha ko na yung araw ng Miyerkules para magsuot ng PE Uniform, eh diba friday lang ang schedule ng PE." Kwento ko
BINABASA MO ANG
MY Bi-Fi Signals (Based on a True Story)
Roman d'amourThis story is all about Bisexual Mscl Girl na si Hyun Seon Han 현선한 or mas kilala sa pangalang Ryohan na wala pang madyadong pagkaka unawa about love noong siya ay tumuntong ng High School, ito ay dahil sa pagiging childish niya. Bata pa siya nito ka...