"KAJIMA! NAE CHINGU"
"DON'T LEAVE! MY FRIEND"
내 친구를 떠나지 마
Nae chingureul tteonaji ma
Ryohan's POV.
Pinalabas ko nga si Fol para tignan kung sino yung nag tetext sakin at gusto pa nga nila na ako yung lumabas para tumingin sa kanila.
"Oh ano? Lalaki ba o Babae?" Tanong ko nung makabalik na siya dito sa loob.
"Mga babae, di naman kagandahan yung mga babae eh." Sabi ni Fol.
"Mga babae? So madami pala sila. Baka iba lang yung nakita mo?" Napag isip isip ko lang kasi na iba din taste ni Fol sa itsura ng babae. Kung minsan, ang maganda o simple para sa akin ay panget naman para sa kaniya. Kaya medyo disappointed ako sa sinabi niya.
"Medyo may itsura yung isang babae don pero di ko siya bet." Fol
Sana pala ako nalang yung tumingin kung ganon, kaso kasi nahihiya din ako. Ano gagawin ko kung makita nila ako at makita ko sila? Kakaway ba ako? Ano ako? Artista?? Politiko??
"Gara mo naman tumingin, di mo bet pero di naman ikaw yung bet hahaha!" Pang aasar ko.
"Eh bakit kasi hindi nalang ikaw tumingin, mas bet ko pa yung Naika e." Iba talaga ang taste ni Fol kaya di ko siya masisisi kung ano talaga maganda at panget sa paningin niya dahil magkaiba talaga kami.
Hindi naman sa takot ako sa mga taong humihingi ng number ko na hindi ko pa nakikita o nakikilala, pero parang ganun na nga kaya nagmumukha akong mataray pati sa pag rereply.
Maya maya ay uwian na namin at ako yung pang limang lumabas sa class room namin. Kaya naka segway ako ng mabilisang sulyap dun sa baba. Pero hindi ko nakita mga mukha nila.
"Wait lang! Sabay tayo"
From: Unknown Number
Pagbaba namin ni Fol ng hagdan ay agad ako nakaramdam ng mixed feelings/emotion. Nahihiya ako at the same time may konting takot. Kasi hindi ko alam kung pano aalis sa sitwasyon kung sakaling makasabay ko ay yung hindi kagandahan na babae na nag tetext sa akin. Hindi ko din alam kung paanong treatment yung maipaparamdam ko sakaniya kung sakali na tama yung nakita ni Fol. Takte! Sa mukha talaga ako bumabase ngayon haha
At lalong hindi ko din sure pano magpanggap na hindi interesado kung sakali man na maganda naman yung babaeng nagtetext sa akin. Hahaha
"Fol! Bilisan mo naman!" Sigaw ko.
Sa sobrang hiya at takot kong maabutan nung babae. Hindi ko na siya nabigyan ng chance na makita ng mata sa mata. Sad.
"Teka! Nagmamadali? May taxi? May taxi?!!" Binilisan na din nya ang paglalakad nya kahit alam kong maliit lang yung sukat ng mga hakbang niya hahahaha
May nakita kasi ako sa baba na mga babae na nakatingin sa room namin. Pero di ko naman pinansin kasi parang hindi naman magkaka kilala yung mga babae kasi magkaka hiwalay sila ng kinatatayuan. Pero saglit lang ako tumingin doon. Nahagip lang ng mata ko.
At nung pagbaba ko na sa ground floor kanina ay napalingon ulit ako ng mabilis sa gawi nila, at para silang aligaga at parang may kasamahan silang hinihintay at pinagmamadali din nila iyon.
Siguro isa lang sa kanila yung interesado na makasabay ako, kasi kung lahat sila ay interesado sakin, lalapit na agad yun lahat at bahala na kung sino sa mga kasama nila yung maiiwan.
Habang naglalakad kami papalayo sa room namin ay pinabasa ko kay Fol yung huling text sakin nung unknown number.
"Fol, basahin mo oh. Haha!"
BINABASA MO ANG
MY Bi-Fi Signals (Based on a True Story)
RomanceThis story is all about Bisexual Mscl Girl na si Hyun Seon Han 현선한 or mas kilala sa pangalang Ryohan na wala pang madyadong pagkaka unawa about love noong siya ay tumuntong ng High School, ito ay dahil sa pagiging childish niya. Bata pa siya nito ka...
