"AFTER NEW YEAR"
RYOHAN's POV
HAPPY NEW YEAR! 🎊
Its January 201*
Ang saya ng bakasyon ko, dahil sa sobrang saya at madaming family bondings. Di ko na ikukwento.
So, since tapos na ang Holiday Season, syempre wala na ako sa bahay. Nasa school na ulit at may pasok na.
Pero halos Events or Announcements padin ang nangyayari sa school pero ayos lang yun samin para masaya.
"Kamusta na V?" bungad sakin ni fol.
"Okay naman. ikaw ba? Liit mo padin ah. Tumalon ka ba? haha!" totoo naman kasing maliit padin sya. Hindi naman siya pandak, yun bang mapapagkamalan mo syang elementary. haha
"Ga@%! Oo tumalon ako hahahaha Napaka maloko mo padin V! Libre mo pa ko.!" Eto agad si libre kapag ayaw na pag usapan yung height nya.
"Huh! Di ka na nasanay, ganito naman talaga ako kapag namiss kita e. hehe!" kaya please lang, bagong taon na kaya wag ka na magpalibre sakin ng madalas pa sa isang minuto.
"Ihhh. hihihi!" kilig ng bruha, napaka arte, sarap paikutan sa washing machine haha bad!
"Uy V tara ikot tayo!" Dumating na si Kris at heto nag aya agad.
Kami namang mga timang, sumama na. Sabagay kasi wala pa kaming ginagawa.
Una lagi kaming dumadaan sa may 2nd year papuntang 1st year then papalabas don ay bubungad na yung 4th year building tapos 2nd & 3rd year buildings na ulit.
Pero bago kami lumabas sa 1st year building..
Nakita namin si Aiyah sa di kalayuan, kaya di namin pinalampas yung pagkakataon, nagkatinginan kami nila Kris at Fol, parang may binabalak din sila. Pero sinabi ko yung balak ko at nag agree din sila.
Kilala ko na sya sa pangalan at nakita ko na mukha nya sa FB, siya pa nga unang nag chat sakin doon pero more on magkausap kami sa Text.
Pagkalapit namin sakanya, tinawag namin sya para mahinto sya sa paglalakad papuntang room nila.
"Hi!" Sabi ni Kris na nahihiya pa.
"Naku torpe neto!" bulong ko kay Kris.
"May sasabihin sila." sabi naman ni fol.
Aba! Pinapangunahan yata ako nito ah.
"Tanong lang, may jowa ka ba?" Tanong ko sakaniya kahit medyo nahihiya pa.
"Wala, hehe bakit?" Ay potek single daw siya.
"Pwede daw bang maging kayo?" tanong ko kay Aiyah, sabay naman ang pagkakaturo ko kay Kris.
"Ah. ahmmn." tumingin sya sakin tapos tumingin din agad kay Kris. Tapos tumingin ulit saken na parang nag-aalangan. Tapos tumingin sa likod niya kung meron siyang kaibigang mahihingian ng payo. Tapos humarap ulit samin. Saka nya tinuloy yung sasabihin nya. "Ahhhmmm..Pwede naman." tapos ngumiti lang siya na parang nalugi.
"Yun naman pala e." hinawakan ko naman si Kris sa balikat nya.
Potek. Parang naaawa ako kay Aiyah na parang disappointed yung na-fefeel ko sakaniya.
BINABASA MO ANG
MY Bi-Fi Signals (Based on a True Story)
RomansThis story is all about Bisexual Mscl Girl na si Hyun Seon Han 현선한 or mas kilala sa pangalang Ryohan na wala pang madyadong pagkaka unawa about love noong siya ay tumuntong ng High School, ito ay dahil sa pagiging childish niya. Bata pa siya nito ka...
