"FRIDAY THE 13th"RYOHAN's POV
Ilang months na din kami magkausap ni Naika, inabot na nga kami ng bagong taon at naghihintay nalang ako ng sagot niya kung kelan niya maramdaman na gusto na niyang maging Official na yung Mutual Understanding namin.
Ang nakakainis lang talaga sa part ko is yung, ako pa naghihintay ng sagot, pero sila naman talaga itong unang nagkagusto at nagpapansin sakin. Hays mga pa fall hahaha
Since active na ulit ang mga Teacher namin sa pagtuturo, inagahan ko yung oras ng pasok ko para maka attend naman ako ng first subject.
Di uso sakin New Years Resolution. Mga ambot lang gumagawa non. Mga walang kontrol sa sarili hahahaha
Pagbaba ko ng bag ko ay nagpasama ako kay Fol para bumili ng candy sa canteen. Morning routine ko yung mag sugar sa umaga hays
After namin bumili ay tumambay muna kami saglit sa balcony ng canteen, halos tapat lang ng room nila Naika.
Mula dito ay nakatingin lang ako sa room nila, trying hard kung maaaninag ko ba siya sa loob, pero hindi ko siya makita. Parang ang dilim dilim sa loob ng room nila.
Hinihintay na nga din namin dumating yung Adviser namin, makikita kasi namin agad dito yun kapag lumabas na ng Faculty Room.
Pero iba yung dumating hahaha
Papunta si April dito sa Canteen,
balita ko pa naman eh Crush daw ako nito,
sinabi lang sakin nung mga marites na kaklase ni Ate Jane.Papasok na sana siya sa kabilang pinto ng Canteen nang makita niya ako dito sa labas, sa kabilang pintuan ng canteen, kaya dito siya sakin dumeretso.
Friday the 13 today, baka malasin ako. De joke lang haha
"Hi Seonhan." Bati sakin ni April.
"Hello" bati ko din na medyo nahihiya.
"Kamusta? Nagtuturo ka pa ba ng sayaw?" -April
"V, una na muna ako sa room ah, tinatamad ako tumambay na ee. Bye." Paalam ni Fol, naka ramdam yata ng pagka out of place, kaya pina una ko na siya.
"Ah wala na, kapag meron nalang ulit magpapaturo. Bakit?" Taka kong tanong sa kaniya.
"Wala lang, manonood ako sayo pag meron ka ulit practice." -April
Napaghahalataan naman yata masyado.
Awkward yun sakin, napaka supportive naman yata masyado."Hehe sige, pag meron" nginitian ko lang siya. Saka ako napatingin sa room nila Naika.
Nagulat nga ako, halos lahat kasi ng mga babaeng ka-close ni Naika na nakatambay sa labas ay mga nakatingin sakin hehehe
Hindi ako nag react sakanila kahit ngiti, basta tumingin lang ako sa room ni Naika.
"Wala pa ba kayong teacher?" -April
Binalik ko yung tingin ko sakaniya..
BINABASA MO ANG
MY Bi-Fi Signals (Based on a True Story)
RomanceThis story is all about Bisexual Mscl Girl na si Hyun Seon Han 현선한 or mas kilala sa pangalang Ryohan na wala pang madyadong pagkaka unawa about love noong siya ay tumuntong ng High School, ito ay dahil sa pagiging childish niya. Bata pa siya nito ka...