#8 Such A Lazy

149 3 0
                                    

"SUCH A CRAZY"

Lia's POV
Ako si Lia, third year high school student. Pinsan ko si Althea, na dating ex daw ni Ryohan.

Naging interesado ako kay Ryohan noong napansin ko siya ngayong school year lang noong minsang napadaan ako sa second year building, at nagulat ako sa babaeng laging nakatambay sa labas ng room nila.

Noong una nagandahan lang talaga ako sa kaniya, nung mga sumunod pang araw na napadaan ulit ako ay parang attractive na siya para sakin, pero nung napadaan ulit ako ng mga ilang beses pa sa magkakaibang araw sa lugar na iyon, Hindi ko namamalayan na siya na yung gusto kong makita sa tuwing mapapadaan ako sa room niya. Feeling ko kasi gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko yung maamo niyang mukha. Natutuwa ako sa tangos ng ilong niya, at parang sintamis ng candy yung manipis niyang labi.

Sabi ng isip ko. "Ang cute nung girl na yun." Tapos one day, nakita ko pang kausap ni Althea yung girl na iyon. Sa mga oras na yon, nagkaroon ako ng kagustuhang makausap ang pinsan kong si Althea.

Kaya naman nagpadala ako ng mensahe sa kaniyang telepono.

"Busy ka? Usap tayo" send to Althea.

At dahil busy pa nga siya noong mga oras na iyon na kausapin yung attractive girl, ay tinitigan ko nalang siya, yun nga lang ay sa malayong sulyap ko nalang muna nagagawa.
Nahihiya kasi ako at hindi ko alam kung paano ko itatanong sa pinsan ko or kung ano strategy ang gagawin ko para makilala lang siya.

Napa-dalas na nga yung araw na hinahanap hanap ko na siya, yung tipong kahit nasa classroom ako, gusto kong dumungaw at magbaka-sakali na makita ko siya kahit sa bintana mismo ng room namin.
Medyo kita naman kasi mula dito yung room nila pero hindi yung mismong mga nasa loob.

Habang tumatagal na lagi lagi ko na siyang nakikita, hindi ko na matiis at gusto ko naman siya malapitan at makilala naman. Though, nakalapit nako sa kaniya ng kaunti noong napapadaan kami sa room niya pero hindi kasing tagal ng ginagawa ni Althea.

Yung ibang kakilala ko, medyo kilala din pala nila si Ryohan pero di nga lang ka-close. Sinasabi nila na may kahawig siyang Korean Actor na naging famous nga dahil sa palabas na Boys Over Flowers.

Hindi ko nga masyado matandaan yung pangalan nung Actor, pero parang Kim Bum yata?

Dahil nga sa lalo ako naging interesado kay Ryohan noon, unti unti na akong gumagawa ng paraan para mapalapit sa kaniya.

Kaya naman lagi ko na kinakausap yung pinsan kong si Althea at kung minsan nililibre ko pa para sa oras na handa ko nang itanong sa kaniya kung ano pangalan nung kausap niyang cute na babae doon sa 2nd year eh matulungan pa niya ako sa balak kong ito. Hahaha

At dumating nga ang panahon na nagkaroon ako ng pagkakataon at lakas ng loob na itanong at aminin kay Althea na sobrang interesado akong makilala si Ryohan, na noo'y di ko pa alam ang pangalan.

(Me) Lia:
"Gusto ko siyang makilala"

Sana ay maka close ko din siya at makilala din ng lubusan gaya ng pagiging close nila ni Althea.

Kaya naman, one day, isang araw...hehe
Inaya ako ni Althea na samahan ko daw siya sa pupuntahan niya, sakto naman na nakapag ayos ako at nakapag polbo.

MY Bi-Fi Signals (Based on a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon