INSTANT JOWARYOHAN's POV
Nalaman ko na name nung pinalit sakin ni Allen, 2nd year din yun tulad niya tapos katabi lang ng room nila, medyo nasisilip ko din yung room non kapag nasa may bintana ako katabi ng building ng second year.
"Oo bhe, si Senn jowa ni Allen. Wag mo na balikan yun kasi mahirap kalabanin si Senn eh. Hayaan mo na siya sa kaniya." Sabi ni ate, friend ko siya na kabarkada ni Senn.
Nag usap lang kami ni ate saglit pero umalis na din siya.
Kakaiba sa lahat si Senn lalo na sa physical appearance, saka sa Height. Oo small but terrible. Matapang at friendly din naman siya kaya madami siya tropa sa buong campus. Malakas loob niya kaya di mo iisiping maliitin siya kahit ganun siya.
Hmm. Sa sinabi ni ate, di ko alam kung sinsabi niya ba yon dahil ayaw nila sakin para kay Allen o dahil na sulsulan sila ni Senn para ipaubaya na siya sa kaniya.
Wala naman na akong magagawa eh, nandito na ako, nandun naman siya. Wala na akong laban, kahit sinasabi ng mga kaklase ko na mas maganda ako don, wala akong laban kung magaling mang agaw yung tao. Hehehe
Kaya nanahimik nalang ako, sinubukan mag move on at mag muni muni sa oras na wala na akong ginagawa. Never ako uminom, or nag bisyo para maka move on or para libangin sarili ko. Ang tanging nagawa ko lang is yung laslasan sarili ko, saka yung jinowa yung kaklase / tropa niyang si Althea.
Pero di naman kami nagtagal nakipag hiwalay din ako kasi niloloko ko lang sarili ko, at hindi naman nakatulong yung panggagamit ko sakaniya para maka move on.
Nag aral nalang ako mabuti, nag focus ako para naman maging matino ulit pag iisip ko.
Tapos bigla kong na alala yung babaeng nakausap ko kahapon.
Piem name niya, kaklase niya si Senn. Sayang nga di ko siya masyado nakausap eh.
Pano kaya kung try ko na ako naman yung manligaw? Pero paano? Pano ba gawin yun?
Ako kasi yung nililigawan eh haha
Biglang may nag text sakin..
Number lang..
"Hi Seonhan, kamusta?"
Luh sino kaya nagpakalat ng number ko?
"Sino to?" Reply ko.
"Taray naman. Piem to hahaha"
Me:
"Ah ikaw pala haha ayos naman, ikaw?"Piem:
"Ayos lang din, nagreply ka na eh hihi"Natawa ako sa sinabi niya, pa-fall amp haha
Me:
"Haha talaga ba?"Piem:
"Ano ginagawa mo ngayon?"Me:
"Nakatambay lang dito sa may tabi ng bintana, nakasilip sa room niyo haha jk."Piem:
"Hala?! Nakikita mo kami dito?"Me:
"Oo medyo, kung wala lang nakatambak na mga sirang upuan sa labas ng bintana niyo."
BINABASA MO ANG
MY Bi-Fi Signals (Based on a True Story)
RomanceThis story is all about Bisexual Mscl Girl na si Hyun Seon Han 현선한 or mas kilala sa pangalang Ryohan na wala pang madyadong pagkaka unawa about love noong siya ay tumuntong ng High School, ito ay dahil sa pagiging childish niya. Bata pa siya nito ka...