UNIFORM
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
RYOHAN's POV
Nandito ako ngayon sa labas ng room namin at nagpapahangin ako, para makapag isip isip.
Kahit na ilang metro lang ang layo ng room nila sa room namin. Napapalingon nalang ako na baka masira yung pag mmove on ko kapag nakita ko siya kaya pumasok muna ako sa loob at naupo ako sa bungad, sa tabi ng bintana.
Di pa rin ako makapaniwala kasi na natapos na ang lahat sa amin ni Piem.
Masakit din sa part ko kasi ako na yung nakipaghiwalay.
Kahit na hindi na kami, syempre nandon padin yung feelings ko para sa kaniya. Hindi naman agad agad mawawala yun eh.
Pero hindi ko alam gagawin ko. Paano ulit ako magsisimula. Sinubukan ko naman gawin lahat ng gusto niyang gawin ko pero parang kulang padin, parang hindi padin yun sapat.
Malabo padin sakin kung talagang niloko ako ni Piem, kasi napapangunahan na ako ng galit at inis. Napuno na siguro ako kasi may kinikimkim na ako akong konting inis sa kaniya nung unang break up namin at dahil sa mga tanong na... 'Paano niya nagawa yun sakin at ano yung pumasok sa isip niya kung bakit niya ako lagi iniiwan?'
Mga tanong sa isip ko na hinayaan ko nalang na huwag nang masagot kahit gustuhin ko mang itanong. Tama na yung katangahan na paulit ulit ko na siyang binigyan ng pagkakataon pero sinasayang niya lang.
Siguro para sa iba mukhang tanga ako kapag paulit ulit ko siyang binibigyan ng pagkakataon.
Pero maiintindihan naman siguro ako ng ibang may pusong mapagbigay at talagang handa ka parin tanggapin at mahalin hangga't hindi napupuno ang baso ng tubig. You know what I mean. Malalim na salita pero may masakit na kahulugan.
Nagpaka busy ako sa mga barkada ko, di ako gumamit ng ibang tao para lang maka moved on sakanya. Actually, kinaya ko nga yung break up namin na wala akong ginagawang pwedeng ikapahamak ko. Kahit natuto na akong uminom ng alak dahil sa kaniya, hindi ako nag aya o sumama sa mga kaklase o barkada ko na madalas mag inuman.
Basta naka move on nalang ako haha.
Mga isa o hanggang tatlong buwan din yata akong tahimik, walang kibo at naging focus na din ako sa pag aaral ko, madalas nga lang ako sumpungin ng katamaran.
Para bang wala akong inspirasyon sa buhay. Ganito nasira pag aaral at katalinuhan na meron ako nung hindi ko pa alam mag lovelife.
Isang malaking pagsisisi ko yung point na, naranasan kong magmahal for the first time pero hindi ko na nafocus yung sarili ko sa pag aaral. Kaya kailangan kong bumawi ngayon at kung sa tingin ko ay wala akong magiging inspirasyon, siguro yung sarili ko at magulang ko nalang yung maging inspirasyon ko. Na kailangan kong ayusin ulit yung sarili ko at makabawi sa pag aaral dahil ito yung gusto ng magulang ko para sakin.
At pinangangambahan ko din kasi na baka malaman pa ng magulang ko na nagkaka jowa na pala ako tapos hindi naman lalaki.
Double kill ako pag ganon. Hays
Maya maya ay dumating yung Ex ko na barkada ko na ngayon.
Napadalas na din yung pagpunta punta nila Althea sa room ko kasi may nababalitaan akong nililigawan niya yung friend at kaklase ko nung first year na si Nej. Katabi lang ng room ko yung room nila Nej.
Syempre, matic na. Lagi ako lumalabas ng room kapag dumarating at binibisita nila ako dito.
Minsan nga napagkakamalan pang manliligaw ko sila dahil sa lagi lagi na yung pagpunta nila dito. Natutuwa naman ako kasi noong kami pa ni Piem hindi ko naman na siya nakaka usap di tulad ngayon na napapadalas na nga dahil kay Nej.
BINABASA MO ANG
MY Bi-Fi Signals (Based on a True Story)
RomanceThis story is all about Bisexual Mscl Girl na si Hyun Seon Han 현선한 or mas kilala sa pangalang Ryohan na wala pang madyadong pagkaka unawa about love noong siya ay tumuntong ng High School, ito ay dahil sa pagiging childish niya. Bata pa siya nito ka...
