#12 Hunting

124 2 1
                                    

"Hunting"

Unknown's POV
Hi! I'm a 1st year high school student
Astig pero maganda. Singkit, matangos ilong at kissable lips, payat at medyo katamtaman ang height pero malupit sa chiks.

Ground floor lang yung room namin. Mejo mainit pero wala naman kami magagawa.

Kaya tumatambay kami sa labas ng room namin. Sa coridor ng room. Pero kapag mainit padin, umiikot nalang kami sa buong campus.

Kadalasan sa loob ng room lang ako umuupo, katabi yung bintana kung saan lahat ng dadaan na studyante ay makikita ko ng malapitan.

May napansin nga akong babae na laging naka sumbrelo na black at may panyo lagi sa may leeg niya. Ang astig niya at ang tangos din ng ilong tapos medyo singkit din ang mga mata at manipis na labi.

May kasama siya laging babae na maliit, mukhang maarte at mataray at isa pang babae na singkit na kasing tangkad lang nya, astig din lumakad. Mukhang mga barkada nya lang naman yun.

Napansin ko lang, ang cute nung babaeng naka sumbrelo na yun at parang gusto kong makilala.

Nang lumipas ang ilang oras. Nakita ko na naman siya na dumaan. Hanggat di sya nawawala sa paningin ko kahit nakatalikod na siya, di ko papansinin yung nasa paligid ko.

Lumipas ulit ang ilang minuto ay nakita ko na naman sila na naglalakad, sa pangatlong beses ko siyang nakita sa araw na toh. Parang gusto kong pahintuin siya sa paglalakad at titigan siya ng matagal. Hindi kasi nakakasawang tingnan shyt.

Break time..
Nagpunta kaming canteen para bumili ng snacks.
Hinanap ko yung babaeng naka sumbrelo nayun. Pero hindi ko na sya makita. Saan kaya yung room nya at yung section nya? Grabe naman oh. Hirap pala hanapin nun.

Pero hindi alam ng mga kasama ko na may hinahanap lang ako.

Bumalik na ulit kami ng room at dumating na yung Values Teacher namin.

Wala naman kaming natututunan dito, puro lang siya pa activity, tapos konting discussion. Puro lang pasulat sulat. Kaya di ko na masyadong ginandahan yung mga sagot pati design sa paper ko.

Ilang oras din nakalipas mula nung nagpasa na ako ng activity ko sa values. Nagmuni muni muna ako at pasulyap sulyap sa bintana.

Hinihiling na sana dumaan ulit sya para maturo ko na sa mga barkada ko.

Pero gusto ko muna i-update sila sa bago kong crush.

"Guys, may nakita nga pala ako. Ang ganda nya. Ang cute pa. Astig nga eh." Sabi ko sakanila.

"Saan? Saan? Turo mo saken ah." Sabi ni Lorie

"Ayyaaan?? Talagaaa? Pakita mo naman." Sabi ni Kisses

"Nakoo. Na.inlove ka na naman sa babae. Sino naman kaya yung nagpatibok ng puso mo? Haha!" Sabi ni Gelli.

"Haha mga loko kayo. Sige, kapag dumaan sya ituturo ko sya sa inyo. Promise." Sagot ko.

"Excited na ko." Sabi ni Gelli.

At hindi nga ako nagkamali sa sinabi ko. Dumaan nga sya at agad kong tinawag at kinalabit yung mga barkada ko.

"Ayun na sya!" Sigaw ko.

May teacher kami kaya di kami makalabas para tawagin siya at palapitin sa amin. Pero mabait naman yung Values Teacher namin kaya nagawa kong mangalabit ng tropa para lang ipakita sa kanila yung bagong kina aadikan ko ngayon.

Nakita kong kasama niya ulit yung maliit na babae na parang maarte. Pero sakanya nalang ako tumingin para pampa goodvibes.

Lumapit naman sa bintana yung mga barkada ko para mas kita nila. Syempre, ako din lumapit ng konti para makita ko sya kahit nakatalikod na.

MY Bi-Fi Signals (Based on a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon