#17 EX-PERIENCE

72 3 1
                                    

"EX-PERIENCE"

RYOHAN's POV

"May klase ba kayo?" Habol na tanong ni April.

"Ah oo meron, actually wala naman na kami masyado klase kasi nga malapit na mag bakasyon hehehe" totoo naman na konti nalang naman pinapagawa at di na nagtuturo masyado yung ibang teacher namin.

Saka naman biglang tinawag si April ng isang kaklase niya.

Tumingin tingin ako kung ano pinagkaka ingayan sa room nila Ate Jane, kaya pumunta ako sa tapat ng pintuan nila.

Sakto namang nakita ko agad sa may front ng room, si Piem at yung grupo niya sa sayaw,

nagkatinginan pa nga kami pero umiwas na ako kasi parang nagulat ako na sabay kaming nagkatinginan.

Nakita ko din sila Allen mula dito sa labas, at sila Althea na busy din sa dance project nila. Pero binati naman ako ni Althea na nandito sa labas at dito lang sa corridor yung pwesto nila, kaso nga busy na siya kaya di na kami nagkausap pa.

Dumating naman sila Ate Jane, dala na yung binili niya sa akin na Juice at biscuit.

Pumunta muna ako sa pwesto namin kung saan kami nagpapractice para doon kumain.

Pagkatapos ay nagpahinga ako saglit..

After 6 mins..

"Tara na!"

nagulat ako kasi hinila ako ni Ate Jane, simulan na daw namin ulit yung sayaw.

Agad naman silang nag formation para simulan na ulit ang practice.

Pero may dumaan munang Teacher sa pwesto namin at mukhang magtuturo na siya ng lesson. Ang bait nung Teacher. Mukhang mataray pero feeling ko madali lang siya ma-approach.

"Goodafternoon po maam!" bati nila. Nakibati ako at ngumiti kahit naka sibilyan ako.

"Para saan yan?" tanong nung teacher. Di ko pa kilala yung teacher, syempre kasi dito lang yata siya nagtuturo sa 4th Year Building. Siguro maMmeet ko din sya kapag 4th year nako.

"Project po sa Mapeh." sagot nila.

"Ahh. Sa sayaw. Sige, goodluck ha." then she smile.

"Thank you po maam." ang bait naman nung Teacher na yun. Pero sinundan ko ng tingin kung saang room sya magtuturo.

Napalingon ako sa kanan ko. Ito yung room nila Lleyn. At nakita ko nga siya kanina dito na nanonood samin. Kaya ginanahan talaga ako kanina hahaha
Pero ngayon manonood pa yata ulit siya pero sinalubong na niya yung Teacher nila at siya pa nagbitbit nung Books na dala dala ng Guro nila. Ambait naman niyarn. Haha

Sayang naman, walang supportive ex na maganda. Haha di bale na nga.

Tinuloy nalang ulit namin yung pag practice, at sobrang haggard na namin, di ko nadin maipaliwanag mga itsura namin na para bang hinangin ng malakas. Ang dami nading nakakakita samin. Di ko alam yung feeling. Di ako sure kung nahihiya ba ako or masaya ako dahil nakikita ng marami dito na nag tuturo ako sa kanila ng sayaw.

Kadalasan kasi, lalaki talaga yung nag cho-choreo sa ganitong style ng sayaw na Hip-Hop. Tapos ako bata sa kanila pero nagtuturo na ng ganito. Diba? Sino hindi magiging proud dun? Hehehe

Ayoko naman magmukhang mayabang nang dahil lang dito,

Pero siguro overwhelmed lang ako kasi ako yung nabigyan ng opportunity na magturo nito sa kanila at di naman siguro sa pagmamayabang kung sa ganitong simpleng dahilan ay para na akong may na-achieve sa maliit na part ng buhay ko haha

MY Bi-Fi Signals (Based on a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon