TAKAS PARA SA PAG-IBIG
Ryohan's POV.
Nakauwi nako galing kung saang galaan hehe
Bakasyon na namin ngayon dahil malapit na ang pasko.
May something na nga samin ni Piem, dahil ilang buwan na kami magkausap sa text, minsan sa call at minsan din inaaya niya ako tumambay sa canteen noong may pasok pa kami sa school.
Tumatambay kami pero di naman ganon katagal pati pag uusap namin kasi medyo nahihiya pa kami sa isa't isa kaya puro sa text kami nag uusap.
Nagiging okay na ulit ako, nawawalan na din ako ng pakielam sa mga naging Ex ko, hindi ko alam ang sikreto kung pano makalimot.
Pero ang alam ko lang, hindi ako nag inom para makalimot. Never pa ako nakatikim ng alak. Siguro nung kiniss ako ni Lleyn nung kasama niya ako sa inuman nila. Medyo nalasahan ko sa labi niya pero hindi ako yung tipong lumalaklak ng alak para maka move on haha
Yung kay Althea naman, okay naman kami sa napag usapan namin nung nakipag break ako sa kaniya eh. Naiintindihan niya naman daw kaya okay na okay kami. Tropa pipz ko padin siya
Unlike kila Allen di na kami nag babatian kahit ngiti lang or taas ng kilay pag nagkakasalubong kami.
Buti pa nga yung kay Lleyn ngumingiti siya kahit papano.
Tanggap ko naman na din na may bago na si Lleyn at hindi ko nga lang sure kung lalaki o babae yung bago niya.
At sa nakikita ko ngayon, mukhang si Piem na nga yung next target ko haha pero sana magtagal kami kasi wala pa ko na experience na umabot ng 5months yata.
Kay allen nasa 2 or 4 months lang yata kami
Kay Althea weeks lang
Tapos kay Lleyn kung hindi kami nag break siguro nasa 1 month na kami hehe
Kay Piem kaya hanggang ilan?
Aay wow parang masyado akong advance mag isip ah
Kaso di ko alam pano ligawan toh,
Sa mga oras na to magka text kami ni Piem,
Kaen na daw ako, ingat daw ako, wag daw ako magkakagusto sa iba, yun bang hindi naman kami pero parang jowa na.
Hanggang sa..
"Pwede ba maging tayo?" Text ni Piem
Hala! Ano kaya isasagot ko dito.
"Pwede naman haha" sagot ko.
Piem:
"Eh di tayo na?"
Me:
"Ako na magtatanong niyan, tayo na ba?"
Walang anu anoy...
Piem:
"Ako nga nagtatanong eh. Hahahaha"
Hahaha gas stove! Pag siya pala may gusto, siya yung magtatanong. Oh edi ang ending, ako yung niligawan niya at hindi ako yung nanligaw.
Malinaw naman e mula pa nung umpisa, siya unang nagkagusto, lumapit, nagtanong, pumansin sakin, humingi ng number ko at nagparamdam na interesado siya sakin. Ako yung taga sagot.
"Oo tayo na sige hahaha" sagot ko.
Puro tawa, di ko alam pero may feelings na din naman ako sa kaniya eh.
BINABASA MO ANG
MY Bi-Fi Signals (Based on a True Story)
RomanceThis story is all about Bisexual Mscl Girl na si Hyun Seon Han 현선한 or mas kilala sa pangalang Ryohan na wala pang madyadong pagkaka unawa about love noong siya ay tumuntong ng High School, ito ay dahil sa pagiging childish niya. Bata pa siya nito ka...
