Unique Break Up
RYOHAN's POV
Oh another day.
Late na naman ako, haha as always!
Baka mag repeater na ako nito dahil sa soooobrang walang ka.kwenta kwenta kong mag-aral.
Pagpasok ko ng campus, dumaan ako sa first year building paikot sa may tindahan ni kuya Lon sa tabi ng stage. Doon ako nagpupunta kapag late, kasi after magturo ng teacher namin, deretso na siya sa faculty.
Yung faculty ay nasa first floor ng 4th year building, malapit sa entrance/exit gate.
Isa lang naman yung gate, walang gate 2 kasi poor yung school hahaha char
Nang matapos na yung first subject na hindi ko na napasukan, nakita ko yung iba kong kaklase na papuntang canteen, yung canteen katapat lang ng room namin pero tatawid ka pa ng mga 13 to 15 meters.
Pumunta din ako para malaman kung ano ginawa nila sa unang subject.
Kahit late ako, interesado padin naman ako malaman kung ano natutunan nila, pag wala sila naisagot sakin it means hindi sila nakinig. Hays
Nang makarating ako sa canteen, may napansin ako na naka upo sa dulo , sa di kalayuan, nakita kong may dalawang babae, kilala ko na agad yung nakatalikod, si Lleyn na laging may curl na hair at kasama yung isang kaklase niya.
Malamang sa malamang, late din siya. Pareho pala kaming di nakapasok sa unang subject.
Kung alam ko lang na late din siya ngayon, edi sana dito ako nagtago sa canteen.
Pero bakit ganun, di ko siya malapitan?? Pinanghihinaan ako ng loob, nakaka torpe. Para akong nahihiyang lumapit. Hindi ko alam kung bakit.
Di ko maihakbang yung mga paa ko para makalapit sakanya. Gustong gusto ko siyang lapitan, gustong gusto ko siyang kausapin, gustong gusto ko siyang kamustahin, gustong gusto ko na kaya talaga siya??! Nakaka baliw!
Napansin ko din na parang may binulungan siya nung kasama niya na nakakita sakin, at nag ayos naman si Lleyn ng sarili matapos siyang bulungan nung kasama niya. Diko alam yung sinabi eh.
Gusto ko na talaga siyang lapitan, kaya lang diko maihakbang talaga yung mga paa ko. Malapit ng lumabas ng canteen yung mga kaklase ko, ayaw kong maiwan mag isa dito sa canteen nang hindi siya nalalapitan. Naiinis na ako sa sarili ko nang biglang...
napahakbang ako palabas ng canteen at sumunod sa mga kaklase ko sa room. Pinagsisisihan ko ang ginawa kong pag snob sa kanya! Napaka sakit! Kuya Eddie!
Agad kong binaba yung bag ko at nagpasama ako sa ka-close friend kong si Neth, 2nd year din siya at katabi lang namin yung room nila.
Nasa dati akong section/room nila Senn at Piem, si Neth dito sa dating section/room nila Allen at Althea.
"Neth, huhuhu" naiiyak ako na hindi ko mawari.
"Oh bakit Seonhan? Ano problema?" Pag aalala niya.
Kahit medyo kaka close palang namin, naku-kwento ko na din sa kaniya yung about sa amin ni Lleyn.
Mabilis kasi namin naramdaman yung same vibes kaya mabilis din kami naging close.
Alam ko may jowa din siyang babae pero hindi ko kilala at never kong nakita.
Kinuwento ko sakaniya yung nangyari sakin sa canteen.
Na hindi ko nagawang lapitan si Lleyn dahil napanghihinaan ako ng loob. Hindi ko talaga maintindihan at mawari kung anong klaseng jowa na ba ako kung ganito ginagawa ko. Huhuhu
BINABASA MO ANG
MY Bi-Fi Signals (Based on a True Story)
RomanceThis story is all about Bisexual Mscl Girl na si Hyun Seon Han 현선한 or mas kilala sa pangalang Ryohan na wala pang madyadong pagkaka unawa about love noong siya ay tumuntong ng High School, ito ay dahil sa pagiging childish niya. Bata pa siya nito ka...
