"THEY ALREADY HAVE MY NAME"
RYOHAN's POV
Pag uwi ko, naghalungkat muna ako ng bag ko at baka naman pwedeng magpakasipag ako ngayon.
Nung makita ko yung drafting paper ko. Naalala ko tuloy bigla yung kausap ni fol kanina sa canteen.
Di ko naitanong kanina kay Fol kung ano pinag usapan nila. Pero narinig ko yung pangalan ko na binanggit ni Fol kaya napalingon ako sakanya kanina. Pero hindi naman nya ako tinatawag. Ang narinig ko lang ay about sa kung ano pangalan ko.
Siguro sila yung text ng text at sutsot ng sutsot sa first year kapag umiikot kami ng campus.
Grabe! Pagod na pagod na ako magtago sakanila. Ano ba kasi talaga pakay nila sakin at ganun nalang nila ka-gustong malaman yung pangalan ko, number ko at about sa buhay ko. Haaayss!
Naisip ko naman bigla, bakit ko ba sila pino-problema? Eh etong drafting nalang namin yung aasikasuhin ko, kesa sila na panay ang pangungulit sa akin. Atleast, dito mag kaka-grade ako. Kesa sa ibang taong di ko naman kilala, wala ako mapapala.
Kaya kumuha na ako ng ruler, lapis, eraser, sign pens at yung drafting paper ko. Sinimulan ko na gumawa para naman matuwa ako sa kalalabasan ng gawa ko. hehe.
-------********-------
Kinabukasan...
"Oh? Totoo ba toh V?!" sabi ni Fol na parang nang aasar.
"Ang alin?" nagtataka naman ako kung ano yun.
"Ang aga mo ngayun ah. haha!" sabi ni fol sabay tawa.
"Syempre, wala pa yung teacher eh. Nang aasar kaba?" sagot ko naman.
"Haha ikaw naman hindi mabiro hehe!" Lakas talaga man trip sakin, aga aga! pero hindi naman ako badtrip ngayon.
"Ibili mo ko ngayun ng Maxx, nababadtrip mo ko." sabi ko. Kunwari nabadtrip nya ko para naman malibre nya ko. wahaha!
"wala ako pera ngayun V iih!" naka pout pa sya. Mukha siyang tuta na iniwan ng inahing aso haha
"huh! Ganyan ka eh!" tampururut ko naman.
"next time nalang V, wag lang talaga ngayun. please!" sabi naman nya. Naiintindihan ko naman sya eh. Mahirap talaga ang buhay.
"osige, basta wah? next time?!" sabi ko naman.
"sige V, promise!" tinaas naman nya yung kanang kamay nya at ngumiti na sya, masyado nya namang sineryoso yung sinabi ko haha.
"Wag ka mag promise! Gawin mo nalang." May nabasa kasi akong Quotes about Promises, mabute na daw yung surprises kesa promises. Minsan nadin kasi akong pinaasa ng isang Promise eh. Yung promise ng magulang ko. Basta secret na yun. Di ko na din matandaan yun haha.
"okay V." sagot nya.
Dumating na ang Professor namin at nagsimula na ang klase namin at pinasa nadin namin yung ginawa namin sa drafting.
----------------
Break Time..
Break time na, always na din namin ginagawa yung pag ikot sa Campus lalo na kapag nabobored kami, or need namin maging healthy, or ma energize ng konti. Patag na nga yung ground floor dahil sa kakaikot namin eh. Char
Nang madaan kami sa area ng first year, may tumawag sa pangalan ko.
"uy! uyy! si Ryohan!" sigaw na parang pabulong lang yun. Pero narinig ko parin, malapit lang kasi sa dinadaanan namin yung mga nakatambay na mga studyante sa first year na nasa labas lang ng room nila
BINABASA MO ANG
MY Bi-Fi Signals (Based on a True Story)
RomanceThis story is all about Bisexual Mscl Girl na si Hyun Seon Han 현선한 or mas kilala sa pangalang Ryohan na wala pang madyadong pagkaka unawa about love noong siya ay tumuntong ng High School, ito ay dahil sa pagiging childish niya. Bata pa siya nito ka...
