#10 Martyr Love

157 2 0
                                    

"MARTYR LOVE"

LIA's POV (the cousin)

Lia (Me):
"Ano yun? Tungkol saan yang pinag uusapan niyo? Oyy nag siskreto na kayo sakin ah."

Nagpunta akong canteen kasi hinahanap ko si Althea sa room nila kaso ang sabi nila Jax ay kasama daw ni Ryohan sa canteen at magkausap.

Medyo nakaramdam nga ako ng selos pero naalala ko yung sinabi ni Althea sakin kahapon na makikipag usap siya kay Ryohan tungkol sa relasyon namin kaya nawala yung selos na yun, lalo't alam kong kami na nung taong gustong gusto ko. Hihihi

Heto nga at naabutan ko pa silang magkausap.

Nagulat si Ryohan nung nakita na niya ako, kaya tumabi muna ako kay Althea, kaharap namin si Ryohan. Nahihiya pa kasi akong tumabi sa kaniya eh haha

Althea:
"Oh bakit di ka umupo sa tabi ni Seonhan?"

Lia (Me):
"Nahihiya ako ee hehe" bulong ko kay Althea

Althea:
"Sus!"

Lia (Me):
"So ano nga yung pinag uusapan niyo at parang sikreto lang yata? Anu yon ha?"

Ryohan:
"Ahh. Ano.. wala naman haha sabi ko lang kay Althea eh wag muna maingay tungkol satin kasi kapag umabot ito kila senn, paniguradong makikielam yon satin."

Althea:
"Ahh.. oo ganun na nga. Totoo yun kasi, dati na kasi talagang nakielam yun sa buhay ni Seonhan noon pa lang nung sila pa ni Allen"

Lia (Me):
"Ahh ganun ba. Napaka pakielamera naman pala niya. Kaya nga di ko siya naka close kasi ang taray niya tingnan."

Ryohan:
"Kahit naman sakin eh naging mataray siya pero di ko namamalayan ka-close ko na pala yung dating nang agaw sakin ng jowa hahaha"

Mahinang boses niyang sinabi at palingon lingon pa siya sa likod niya na para bang nag iingat na walang makakarinig.

Althea:
"Oo nga noh? Bigla mo nalang siya naka close."

Ryohan:
"Ewan ko din ba? Basta alam ko, siya unang lumapit at nakipagkilala sakin, syempre ako, naka move on na ako sa nangyari kahit awkward para sakin nung time na nakipag usap siya sakin about nothing na parang nothing happened between the three of us hehehe"

Althea:
"Gasti. Alam na alam ko kung pano nangyari yon hahaha pero speaking of the three of you, what if ngayon mo na sabihin kay Lia?"

Ryohan & Lia (Me): "ang alin?"

Althea:
"Oh duet pa talaga eh.

Ryohan, sabihin mo na sakaniya ngayon palang para hindi na lumala."

Lia (Me):
"Alin ba kasi yun?" Gagi kinakabahan ako sa mga sinasabi nila.

Ryohan:
"Ayy? Ngayon na ba agad? Agad agad talaga?"

Althea:
"Oo, kesa naman patagalin mo pa, baka next time wala ka nang time."

Ryohan:
"Hmmmnn! Parang hindi ko pa kaya ngayon"

Althea:
"Ngayon na Seonhan! Ngayon ka may time at nandito nalang din naman tayong tatlo! Kaya sabihin mo na!"

MY Bi-Fi Signals (Based on a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon