Chapter 15

2 0 0
                                    

Hindi ako makapaniwalang gusto niya ako. Parang tinikom ang bibig ko at ayaw magsalita.

"Nandyan ka pa ba?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Ah.. ano kasi.. biglaan naman ata." Utal kong sagot.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.

"Ah kasi ano... ano... ano..."

"Ano?" Tanong niya.

Binaba ko ang cellphone ko at nilapag sa study table ko. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko kaya naman humiga ako sa kama at tinabon ang sarili sa kumot.

"Gusto niya ako?" Bulong ko.

Hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit siya may gusto saakin. Is it because I'm too nice to him? Kailangan ko na ba siyang layuan para hindi niya na ako magustuhan?

Kaso paano naman yung friendship namin? Baka masira kung gagawin ko yon. Habang nag iisip ako ay biglang nag ring muli ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at sinagot ko.

"Huwag mo sanang pagisipan ng malalim ang sinabi ko kanina. Gusto kita as a friend, hindi mo man kami nakita kahapon pati nung isang araw nung na ospital ka pero pumunta ako ng ospital kasama ng mga kaibigan natin." Sabi niya.

So he likes me as a friend?

"Ah ganon ba..." Medyo disappointed ako.

Huh? Ako? Disappointed?  Bakit?

"Ayos ka lang? Pasensya na talaga, ayaw kasi kami padalawin ng mga parents mo. They actually swear at us and blame us kung bakit nangyari saiyo 'yan." Sabi niya.

"What? My parents tell you that?" Tanong ko.

"Oo, at sabi pa nila na hindi mo raw kami kalebel para makipag kaibigan saiyo. Nasaktan sila sa sinabi ng Papa mo kaya naman umalis na kami para hindi na lumaki ang gulo at malaman mo pa.* Paliwanag niya.

"I'm sorry on their behalf. Hindi ko alam na ganiyan pala trato sainyo ng parents ko habang nakahiga ako sa kama ng ospital. I will talk to my parents tomorrow." Sabi ko.

"Satingin ko hindi magang ideya yon. Palimigin mo muna mga ulo ng parents mo. I heard they fight before you open your eyes. Kaya mas magandang sabihin mo na lang sa kanila pag naayos na nila problema nila." Sabi niya.

"Okay, sure. Sorry talaga. I thought you can't pay a visit kaya naman medyo nagtampo ako kasi hindi ko man lang kayo nakita." Sabi ko.

"We're so sorry as well. Pero papasok ka naman ng school bukas diba?" Tanong niya.

"Oo naman... Kita kits na lang bukas." Sabi ko.

"Sure, abangan ka namin sa labas bukas." Sabi niya.

Ngumiti ako.

"Thank you Zach." Hina kong sabi.

"You are welcome Baby." Bulong niya.

Pagkatapos namin mag usap ay nakatulog na ako. Maaga akong nagising at naghanda na paea pumasok sa school. Bumaba ako galing sa kwarto ko at bumungad saakin ang tahimik na hapag.

Walang pinagbago, paeang nagbakasyon lang kami at balik na naman sa dati.

"I thought you're going to homeschool that brat!" Sabi ni Papa kay Mama.

"Shut up!" Bulong ni Mama.

Umupo aoo na parang walang narining. May plano pala silang maghomeschool ako. Wala akong ganang kumain at hindi ko man lang nagalaw ang pagkain ko kaya naman tumayo na ako at nagpaalam sa kanila.

Life Is Like A FlowerWhere stories live. Discover now