Chapter 9

7 1 0
                                    

Nang makarating na ako ng school diretso lang akong naglakad at sinalpak ang earphone ko. Wala naman nakakapansin saakin, at mas mabuti na rin 'yon.

Nakita ko ang grupo nila Zach sa waiting shed kaya naman lumiko ako pakaliwa para mag short-cut at hindi nila ako makita. Dumaan ako doon at tahimik na naglakad.

Ako lang mag isa, pero may humigit sa buhok ko kaya naman napadaing ako. Humarap ako kung sino man gumawa no'n at nakita ko si Daphnie kasama ang mga kaibigan niyang mukhang thugs.

"Siya ba Daph?" tanong ng babae sa kaniya.

"Oo siya nga! May gusto siya kay Zach at isa pa, tinulak niya ako ng malakas malapit sa hagdan, buti na lang at hindi ako nahulog at nakita ako ni Zach." sabi ni Daphnie.

Napailing na lang ako sa sinabi niya.
Tinulak ako ng isang babae.

"Ikaw? Sinong nagsabing may karapatan kang itulak mo siya?" sabi nito.

Napaupo ako sa sahig at pinagpag ang dalawa kong kamay at tumayo ako.
Inayos ko ang sarili ko at tumingin lamg sa kanila.

"Ano? Lalaban ka?" tanong ng isang babae sa likod ni Daph.

"Diba matalino ka? Ibig sabihin no'n hindi ka papatol sa katulad namin tama ba?" tawang sabi ng babaeng tumulak saakin.

Tumawa rin ako kaya naman huminto sila at tumingin saakin ng masama.

"Sino nagsabi sa'yong tumawa ka?" galit niyang sabi.

Nagkibit balikat ako at tumingin lang sa kanila.

"Wala ba kayong gagawin saakin?" tanong ko at nagulat sila.

"Ano? Anong sabi mo?" tawang sabi ng usang babaeng nakaakbay kay Daphnie.

"Bingi ka? O wala ka talagang narinig?" insulto ko.

Kita ko ang galit na mga itsura nila.

"Matagal pa ba? May klase pa, hindi kayo papasok?" tanong ko sabay tingin sa orasan.

"Hindi ka namin bubogbugin ngayon, mamaya pa." sabi ni Daphnie.

"Ah.. Mamaya pa? Natatakot ba kayo?" tanong ko sabay pagpag sa blusa ko.

"Takot? Kami? Humanda ka lang talaga mamaya." sabi nila at umalis.

"See you later!" sabi ng iaang babaeng nakakbay kay Daphnie.

"Mga duwag." bulong ko.

--------

Nakita ko sila sa cafeteria nagtatawanan. Pumila ako para makabili ako ng kakainin.

"Mindy.." bulong saakin.

"Ah.. Hello.." sabi ko.

"Nakita mo ba sila Leana?" tanong ni Reign.

"Hindi, kakababa ko lang." sabi ko.

"Okay ka lang ba? Bakit parang namamaga ata yang mga mata mo?" tanong niya.

" Ah.. Kinagat ako ng ipis saamin." palusot ko.

"Ipis? Naku, masakit 'yan nagkaroon na rin ako ng ganiyan sobrang sakit tapos ang hapdi sa mata. Lagyan mo lang ng panggamot para sa mata, gagaling rin 'yan." sabi niya.

"Nilagyan ko na." sabi ko.

Nakabili na ako ng pagkain at ganon rin si Reign. Paalis na ako dala dala ang tray ng biglang humarang saakin ang grupo ni Daphnie.

"Hello Ms. Perfect? Kumakain ka pala niyan? Paano kung lagyan ko nito?" sabi niya at nilagyan niya ng gatorade ang sabaw na binili ko.

Tumawa ang ibang mga estudyante at inirapan nila ako. Tumingin si Reign saakin. At ngumiti lang ako sa kaniya.

Life Is Like A FlowerWhere stories live. Discover now