Inihatid ako ni Zach sa harap lamang ng village. Nagsabi na rin ako kay Kuya Lando na si Zach ang kasabay ko at maghahatid saakin. Alas dos na ng hapon kami nagpasya na umuwi na.
Pagkababa ko pa lang ng tricycle, kita ko na sa malayo ang paparating na kotse ng parents ko. I hid behind Zach. Tumingin saakin si Zach habang nagbabayad siya.
"Bakit? May nakita ka bang multo?" tanong niya.
"Shhh.." sabi ko at sumisilip sa pamamagitan ng balikat niya.
"Hapon pa, walang ghost." biro niya.
"Salamat po!" sabi niya nang matanggap niya na ang sukli.
Malapit na ang kotse ng parents ko paliko sa village kung saan kami bumaba ni Zach.
Yumuko ako para hindi nila ako makita.
"Bakit?" tanong niya nang nilingon niya ako.
Pumirmi ako sa likod niya nang makita ko na ang sasakyan na limampas na saamin.
"Mindy? Bakit? Anong meron?" tanong niya at sinundan niya ng tingin kung saan ako nakatingin.
"Andiyan na sila." sabi ko.
"Sino?" tanong niya.
Tumayo ako ng maayos at ngayon ay nakatitig siya saakin at handang makinig.
"Sila Mama at Papa. Pag nalaman nilang late ako umuwi, grounded ako at magpapasya silang mag homeschooling na lang kesa mag aral pa sa school." paliwanag ko.
"Ano? Bakit gano'n naman kahigpit ang mga magulang mo. Sobra naman ang gano'n." sabi niya at gumawi siya ng tingin sa kotse na dumaan kanina.
"That's how they protect me. Alam kong para saakin 'yon and alam ko rin na may hangganan 'yon at kailangan kong limitahan 'yon. If I think that it's wrong at hindi na maganda para saakin. I will ask them about that. Don't worry Zach." sabi ko.
"Kakayanin mo bang makausap sila nang ganiyang bagay tungkol sa sinasabi mong limitations? Paano kung sobrahan lalo na't hindi ka nila pakikinggan? Diba 'yon naman talaga ang problema mo sa kanila?" sabi niya.
Tumango ako. Oo tama siya, isa sa mga problema ko nga 'yon. Pero magkakaroon rin ako ng pagkakataon na makausap sila sa tamang panahon.
"I will take time. It's a process, alam mo naman na hindi agaran. Bata pa ako, at iisipin nila na magrerebelde ako at ayaw kong mangyari 'yon lalo na't makikita ni Jaykei." sabi ko.
"Ihatid na kita sainyo." yaya niya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Pag pumayag ako sa gusto niya malalagot ako kila Mama at paniguradong pagtataasan nila ako ng boses at pagbubuhatan nila ako ng kamay.
"Don't. Kaya ko Zach. Ayos na saakin ang ihatid mo ako hanggang dito pero ang ihatid ako hanggang bahay, ibang usapan na 'yon." sabi ko.
"Sige, hindi naman kita pipilitin. Pero kung kailangan mong ihatid kita hanggang bahay niyo, hindi ako magdadalawang isip na ihatid ka. Sabihin mo lang saakin." sabi niya kaya naman napangiti ako at pinisil niya ang pisngi ko.
"Thank you. Ingat ka pauwi."sabi ko at nagsimula nang maglakad papasok ng village.
"Ingat ka rin."sabi niya at kumaway ako sa kaniya habang patakikod na humahakbang.
"Text me when you get home." sigaw ko at tumango siya.
Tumalikod na ako at nagsimula nang tumakbo. Malalagot ako dahil nauna sila kesa saakin. Nag iisip na ako ng idadahilan ko para lamg makalusot ako.
Nang nasa gate na ako bigla akong kinabahan. Hinihingal pa ako at pawis na pawis. Hinanap ko agad ang bimbo ko sa bulsa at nagpunas ng pawis.
Rinig ko ang pagbukas ng pintuan sa loob. Nagtago ako sa likod ng puno katabi ng gate namin. Kita ko na palabas na si Nanang na may dalawang basura. Mukhang magtatapon siya.
YOU ARE READING
Life Is Like A Flower
Fiksi RemajaMindy Villente who has her life like a cage she never felt freedom 'cause she feel happy if she's alone. What if some people want to be friends with her? What about her high expectation of being a perfect became the most memorable part of her life...