Kailan ko nga ba gustong sumaya? Masaya ba ako? Ano bang nagpapasaya sa'kin? Kailan ba ako naging masaya?
"What do you mean? I'm happy." sabi ko habang kumakain.
Ramdam ko ang titig niya saakin kahit hindi ako tumingala sa kaniya at naka-focus lang sa kinakain.
"I can see through your eyes." sabi niya.
Napahinto tuloy ako sa kinakain nang tingalain ko siya. He's now serious, wala na ang Zach na laging naka-smile. Kita ko rin sa mata niya ang pag aalala.
I hate that.
"Don't!" sabi ko.
"Don't look at me." dagdag ko.
"Tara. May pupuntahan tayo." sabi niya sabay tayo at hila sa kamay ko.
Mabuti na lang at tapos na kaming kumain at umiinom na lang ako ng tubig nang hilain niya ako palabas ng tent.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang hila niya pa rin.
"Pupunta tayo kung saan ka sasaya." sabi niya.
I took my phone in my pocket when it rings. Nakita ko ang tawag ni Mama a while ago. Mukhang may gusto atang sabihin si Mama.
And I'm not late, Its still three in the afternoon, hindi na rin gaanong mainit kaya masarap ang hangin na humahampas sa mukha ko pati na rin sa nakalugay kong buhok.Nakita ko ang mga kabataang naglalaro sa baybayin ng dagat kung saan, may nag-pa-painting, kumakanta at may gitara, sumasayaw ng grupo at mga naliligo sa dagat.
Ang saya nila tignan na parang wala silang problema. Wala silang iniisip na mangyayari sa kanila kinabukasan basta ang nasa isip nila ngayon ay maging masaya.
Tumingin ako sa gawi ni Zach nang nakatitig siya sakin. Hindi ko namalayan na huminto ako para lang tignan sila sa baybayin. Umupo kami malayo pa sa baybayin kung saan may baricades na bato na maari naming upuan kasama ng mga turistang nakaupo rin sa tabi namin.
"Do you think being happy is more than enough to have better life?" tanong ko nang biglang may pumasok sa isip ko.
"They didn't know what comes next after this. They have problems, difficulties and many more. Pero nandito sila para kalimutan 'yon, nandito sila para maramdaman ang kalayaan." sabi ko nang nakakatitig sa mga kabataan.
"I'm young to think this pero ganoon ako mag isip." sabi ko nang may tawa nang kaunti.
"Siguro dahil namulat ako sa mundong ginagalawan ko na dapat maging masaya ako sa kung anong meron ang binibigay sa'kin. In short to be contented." sabi ko at huminga ng malalim.
"Do you feel contented?" tanong ni Zach na kanina pa pala nakikinig saakin.
Tumingin ako sa kaniya at umiling.
"May kulang kasi Zach. Sa tuwing may mga pagdedesiyon na ginagawa sa'kin, hindi ako makapagdecide. Para akong robot na naka program sa computer at 'yon lang ang dapat kong sundin." sabi ko.
"Then get out of that cage so you may feel the freedom you want." sabi niya.
"Hindi ganoon kadaling lumabas sa kulungan. I don't want my parents to think that I'm a rebellious daughter, hindi nila ako ganoon pinalaki." sabi ko.
"Pero noong habang pinapalaki ka, do you even think that maybe when the time comes, can you be contented for your own decision?" sabi niya at tumingin ako sa kaniya.
"Takot akong mag desisyon mag isa kaya hinayaan ko silang-"
"Then they'll used you to be contented para wala ka nang masabi Mindy. Kapag alam nilang kuntento ka sa mga desisyon nila para sa'yo, sa tingin mo guguluhin ka pa ba nila? Hindi na Mindy." sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
YOU ARE READING
Life Is Like A Flower
Teen FictionMindy Villente who has her life like a cage she never felt freedom 'cause she feel happy if she's alone. What if some people want to be friends with her? What about her high expectation of being a perfect became the most memorable part of her life...