Pagkatapos ng klase ko nag-stay lang ako sa loob ng room at iniyuko ang ulo.
Pinikit ko ang mga mata ko at nagsimulang tumulo ang luha ko. Marami akong iniisip pero mas iniisip ko kung anong mangyayari saakin.
Pinunasan ko ng dahan dahan ang luha ko at huminga ng malalim. Binangon ko ang ulo ko at nagulat ako sa taong nakatingin saakin sa harap ko.
"Hi? Okay ka lang? Umiyak ka?" Tanong ni Zach.
Umiling ako "Bakit ka nandito?" tanong ko.
"Gusto lang kita makita. Pupunta sana ako ng cr pero nakita kitang nakayuko." Sabi niya.
"Ahh.. Sa cr o tatambay ka sa office?" Tanong ko kaya naman napatawa siya.
"Nababasa mo ba ang iniisip ko?" tawa niyang tanong.
"Alam ko na kasi Zach. Doon ka naman tumatambay pagkatapos ng subject mo." sabi ko at kinuha ang inuming tubig sa likod ko.
Kinuha niya 'yon at ininuman.
"Zach! Akin 'yan!" sabi ko at agaw sa tubigan ko.
"Pahingi ako!" sabi niya at ininuman muli.
"H'wag mong ubusin." sabi ko.
"Anong mayro'n?" tanong ni Leo.
"May something ba?" asar ni Aisle.
"Mayroon ba?" tanong ni Zach.
"Ano kaba Zach, ang daming naghahanap sa'yo, tignan mo naman 'yung mga babae sa labas ng classroom namin." sabi ni Rence.
Napalingon ako sa labas ng classroom namin at marami ngang nag aantay kay Zach sa labas.
"Hayaan mo sila, may isa akong hinihintay." sabi ni Zach kaya naman napatingin ako sa gawi niya at ngumiti siya saakin.
"Mukhang alam ko na, Si Mindy ba? Parang bago naman ata." asar ni Aisle.
"Mindy, puwede ba kitang makausap?" Tanong ni Daphnie saakin.
"No, she's mine, nag uusao pa kami." sabi ni Zach.
Hinampas ko ang braso niya at tumayo ako.
"Hey! Baby, nag uusap pa tayo." sigaw ni Zach.
"Iba ka Zach, paturo naman kami nitong si Blaser at Leo." asar ni Rence at binatukan siya ni Leo.
"H'wag niyo akong idamay!" sabi ni Blaser na todo mag review.
Nakaalis na ako at iniwan si Zach.
Sinundan ko siya hanggang sa nakarating kami sa dulo ng building.
"Bakit?" panimula ko.
" May gusto ka ba kay Zach?" tanong niya.
Napaisip ako.
"Ahm..-"
"Look Mindy, ang pagkakakilala ko sa'yo hindi ka naman intersado sa boys especially sa mga ganitong bagay." sabi ni Daphnie.
"I get you..." sabi ko.
I didn't get you girl. Research ka ba? Hirap mo naman hanapan ng title!
"You get me? Then stay away from Zach." sabi niya.
Paalis na sana siya pero hinawakan ko ang palapulsuhan niya.
"At bakit? Sino ka ba para sabihan akong lumayo kay Zach?" tanong ko ng sarkastiko.
Natawa siya pero alam kong nainis siya sa sinabi ko.
YOU ARE READING
Life Is Like A Flower
Novela JuvenilMindy Villente who has her life like a cage she never felt freedom 'cause she feel happy if she's alone. What if some people want to be friends with her? What about her high expectation of being a perfect became the most memorable part of her life...