Chapter 5

6 1 0
                                    

I open my eyes very gently. Ang sakit ng aking dibdib at hindi ako makahinga. Nagusot ang aking kumot habang pinipiga ang dibdib at sinusubukang makahinga.

I dial Nanang's number at nalaglag ako sa sariling higaan. Sumakit ang aking tuhod pati na rin ang aking ulo.

"Hija? Gising ka pa?" tanong ni Nanang.

"N-nang... T-tubig" sabi ko habang nahihirapan pa rin huminga.

"Anong nangyari? Mindy?" sigaw ni Nanang sa kabilang linya at napatay ko ang cellphone.

Hindi ako binangungot pero matagal nang nagyayari saakin ito. No one knows this pain I have. This is not my depression and my anxiety. Hindi ko alam.

When I was first year high school I have this limited in air. Kapag may physical fitness kami sa mga madadaling activity lang ako, 'yong hindi gaanong gumagalaw.

I'm trembling, lumalabo ang paningin ko at umiikot. Masakit ang ulo ko at sinabayan
pa ng paninikip ng dibdib ko. I can't breathe.

"Hija?" katok ni Nanang.

Gumapang ako palapit at pinipilit na bumangon ang katawan para maabot ang seradura ng pinto. Nang nabuksan ko na, naibaba ni Nanang ang tubig na dala sa study table ko at inalalayan akong makatayo.

"Mindy? Namumutla ka!" sabi ni Nanang na natataranta.

"H'wag ka... Pong" napapagod akong huminga.

"Maingay... Nang..." sabi ko.

"Shh.. Hindi ako mag iingay. Ihatid na kita sa kama mo." sabi niya at inalalayan ako.

Pinilit kong tumayo habang inaalalay ni Nanang ang aking tagiliran. Napadaing ako nang biglang sumakit ang dibdib ko kaya napabagsak uli ako. Umiiyak na ako sa sobrang sakit.

"Tatawagan ko Mama mo." si Nanang.

"H'wag na po, maaga pa sila bukas. May pasok pa sila." sabi ko sa pagitan ng hikbi ko.

"Pero Mindy-"

"Ayos lang ho ako Nanang. Magpapahinga lang ako, binangungot lang po ako." pagsisinungaling ko.

Tumango siya. Mabuti na lang naniwala siya sa kasinungalingan ko. I'm good at hiding.

Pinilit kong tumayo dahil malamig ang sahig. Inalalayan niya ako at napaupo ako ng maayos sa kama. I can see my hands, its trembling like crazy.

Tinignan ko ang mga kamay kong naginginig, para akong na-epilepsy at nagbebent ang mga daliri ko sa kamay pati na rin sa paa. Itinago ko ito habang hindi pa nakikita ni Nanang.

I'm scared to myself.

"Uminom ka na muna. Mukhang masama ang napanaginipan mo at pawis na pawis ka kahit naka aircon itong kwarto mo." sabi niya at uminom ako unti-unti, walang balak na ilabas ang kamay.

"Salamat Nanang, pasensya sa istorbo nagising ko pa tuloy kayo." sabi ko na medyo kumalma na pero masakit pa rin ang dibdib ko at ang ulo.

"Ayos ka na?" tanong niya.

"Opo Nanang. Salamat po." sabi ko at naghahanda ng humiga muli.

"Magpahinga ka na. Hindi ka istorbo saakin Mindy. Alaga kita." sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Pumikit ako at dinamdam ang halik ng aking pangalawang nanay sa noo ko. Tumulo ang luha ko sa kaliwang mata ko at binuksan muli.

Bago pa man siya umalis hinawakan ko ang palapulsuhan niya. At humarap siya sakin.

"H'wag niyo pong sasabihin ang nangyari saakin ngayon Nanang. Kahit kanino po." sabi ko.

"Please Nanang. Ako na ang magsasabi sa kanila. H'wag ka na lang po magsasalita Nanang." sabi ko.

Life Is Like A FlowerWhere stories live. Discover now