Nasa isa akong magandang paraiso na punong-puno ng mga bulaklak. Kita ko kung paano diligan ng isang matandang babae ang mga bulaklak. Nakita ko ang sarili ko sa malinaw na tubig. Nagiba ang mukha ko, maputla, maiksi ang buhok at medyo matangkad.
Tumingin muli ako sa matandang babae na nagdidilig. Naramdaman niya ang presensya ko at ngumiti siya saakin. Ngumiti rin ako sa kaniya, napakaganda niya, at hindi mo masasabing matanda na siya.
"Halika!" sigaw niya dahil malayo pa ako sa kaniya.
Lumapit ako tulad ng sabi niya. Ang mga bulaklak ang nagsisilbing daan para makapunta ako sa kaniya. May ibang bulaklak na lumalagas ang petals at ang iba naman ay namamatay pag-dumaan ako.
Kaya naman nag-alala ako dahil pagtalikod ko ay nasira ang ibang bulaklak sa pag-daan ko. Tumingin ako sa matanda at nakangiti pa rin saakin habang naghihintay.
Hindi ko alam kung magpapatuloy pa ba ako sa paglalakad o ihihinto na dahil sa mga bulaklak na namamatay sa pagdaan ko.
"Namamatay po sila pagdumaan ako. Mukhang hindi na po ako makakapunta d'yan." sabi ko.
Naglakad siya patungo saakin at nanatili akong nakatayo. Habang papalapit ng palapit ay para siyang dyosa ng mga bulaklak sa tingkad ng kaniyang kutis at sa uri ng kaniyang mukha na parang isang araw.
Wala man siyang pakpak pero parang gano'n na nga. Maliwanag ang nakapakigid sa kaniya. At habang dumadaan siya ay mas lalong bumubuhay ang mga bulaklak.
Napasimangot ako dahil sa mga bulaklak na namatay sa pagdaan ko. I felt sorry, hindi na dapat ako nagpatuloy pa sa paglalakad nung napansin ko na mamamatay ang ilan sa kanila.
Hindi ko akalain na nakarating na siya saakin. At itiningala ang mukha ko sa kaniya. Ngumiti siya saakin at hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko.
"Bakit po ako narito?" tanong ko
I don't know what's my purpose here. Baka nga isa akong malas, hindi lang sa pamilya ko kundi sa lahat ng bagay. Siguro nga dahil ginusto kong sundin ang gusto ko sa murang edad.
"Narito ka para magsabi ng hinanakit. Nandito ako, para tulungan ka." sabi niya at ngumiti.
Tumingin siya sa likuran ko at lumingon rin ako. Nalanta ang mga bulaklak na dinaanan ko.
"Mukhang marami kang problemang pinagdadaanan." sabi niya.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at nagsimula siyang humakbang. Hindi ako kumibo at pumirmi lang ako sa kinatatayuan ko.
Napansin niyang hindi ako gumalaw.
"Bakit?" tanong niya.
"Mamamatay ang mga bulaklak mo." sabi ko.
Bibitaw na sana ako pero mahigpit niya itong hinawakan.
"Sa tingin mo ba na malalanta sila pagdumaan ka nang mag isa? Na hindi ako kasama?" tanong niya.
"Anong ibig niyo pong sabihin?" tanong ko dahil hindi ko naunawaan ng mabuti.
"Subukan mo munang humakbang at sasabihin ko sa'yo kung bakit sila nalanta no'ng dumaan ka." sabi niya kaya naman nagsimula siyang humakbang at sinubukan ko ring humakbang tulad ng sabi niya.
Nagulat ako sa nakikita ko. Hindi man lang nalanta ang mga bulaklak na dinadaanan ko at masayang-masaya ang babae na hawak-hawak ang kamay ko.
"Maari mo ba akong bitawan?" tanong ko.
Tumingin siya saakin.
"Kaya mo na bang mag-isa?" tanong niya.
Kaya ko na nga bang mag-isa?
YOU ARE READING
Life Is Like A Flower
Fiksi RemajaMindy Villente who has her life like a cage she never felt freedom 'cause she feel happy if she's alone. What if some people want to be friends with her? What about her high expectation of being a perfect became the most memorable part of her life...