"Nasaan na ba ang sundo mo?" tanong ni Jap nang nasa pedestrian lane kami.
"I'm going somewhere. Mauna na ako sainyo." sabi ko pero hindi ako pinakawalan ni Zach.
"Sasama ako." sabi niya.
"Kaya ko, I text you all pag nakauwi na ako." sabi ko at tumango silang lahat except kay Zach.
"Sasama ako." giit niya.
"I'm okay-"
"You're not. You need me." sabi niya.
"Ahh.. Una na kami sainyo?" tanong ni Pat.
"Sure..." sabi ni Zach.
"Bukas tayo bibili ng mga materials." pahabol ni Leana.
Umalis na silang lahat maliban kay Zach. Tatawid na sana ako pero hinigit niya ako pabalik.
"Sabing maayos lang ako-"
"Sasama pa rin ako." giit niya.
"Please, leave me alone!" pagmamakaawa ko.
"I won't leave you." sabi niya.
Umabante ako ng kaunti pero binuhat niya ako sa kaniyang balikat.
"Ibaba mo ako! Zach!" sigaw ko.
Dirediretso lang siya sa pagtawid at hindi ako pinapansin. Nang makatawid na kami ay binaba niya na ako at kinuha ang kamay ko.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa lugar kung saan masasabi mo saakin lahat ng nangyari." sabi niya.
Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kaniya.
"Look, Mayroon akong dadaanan na lugar kung saan ako lang ang pupunta at hindi ka kasama." sabi ko.
Humarap siya saakin.
"Sa tingin mo ba hahayaan kitang gawin mo 'yon?" tanong niya.
"Kung 'yon man ang iniisip mo hindi ko 'yon gagawin. I let myself dying than to suicide." sabi ko.
"Stop! Alam kong may malaking kang problemang tinatago at ayaw ming sabihin saakin." sabi niya.
"Zach, hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan kong sabihin sa'yo. I want to sink in all of it to myself. Paano ko masasabi sa'yo kung ako man sa sarili ko hindi ko pa napakinggan?" paliwanag ko.
Tinignan niya lang ako at yumuko.
"I want to be alone just for now. No'ng nakilala kita, kayo, hindi na ako nag iisa, pero bumabalik pa rin ang wisyo ko namapag-isa." sabi ko.
"Pero-"
"Please let me be. Ako lang muna Zach, ako lang muna." sabi ko at umalis sa harap niya.
Hinayaan niya ako at hindi niya na ako pinigilan.
Naglakad ako kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Nakita ko ang baybayin at ang tirik na araw.
Ang nagsisitayog na mga puno ng buko ang nagsisilbing silong ko sa tirik na araw. Nakakita ako ng maliit na karinderya at kumain ako ng tanghalian.
Habang kumakain ako ay may umupo sa harapan ko na may dala ring pagkain. Tumingala ako at nakita ko si Zach na kumakain lang at hindi tumingin saakin.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Pero hindi siya sumagot saakin at nagpatuloy lang sa pagkain.
Uminom ako ng tubig. At tumayo na pero naramdaman ko ang hawak sa palapulsuhan ko. Hindi ako kumibo at hinila ang sarili.
YOU ARE READING
Life Is Like A Flower
Fiksi RemajaMindy Villente who has her life like a cage she never felt freedom 'cause she feel happy if she's alone. What if some people want to be friends with her? What about her high expectation of being a perfect became the most memorable part of her life...