Biyernes na at last day na para sa pag-pe-prepare ng mga requirements. Next week puro na lang meeting ng mga organization para sa pinaghahandaang Foundation week next month.
Malapit na dahil isang linggo na lang at Foundation week na. At hindi ko pa din nababanggit sa kanila Mama at Papa ang tungkol sa pagsali ko sa Nacion. Natatakot ako na baka hindi nila ako payagan.
Nagdadalawang isip kung sasama ba sa kanila bukas sa meeting. Anong irarason ko? Baka magtaka sila Mama, hindi naman ako umaalis ng bahay pag sabado.
Hinatid na ako ni Kuya Lando sa harap ng gate at nakita ko si Leana kasama niya ang mga kaibigan niya. Kumaway siya saakin at tinawag niya ako.
"Mindy, halika rito!" tawag niya saakin.
Lumapit ako tulad ng sabi niya.
"Guys ito si Mindy, magiging photojournalist natin siya sa Foundation week. Member na rin siya sa grupo natin kaya iwelcome niyo siya." sabi ni Leana.
Dito ba dapat ako ipakilala? Sa labas ng school habang naglalakad papasok? Ganito ba mag welcome ng bagong member? I don't think so.
"Hello Mindy, ako si Pat asawa ni Leana." sabi ng isang lalaki na matangkad at payat, medyo may kagwapuhan, maayos manamit at malinis, mukha namang mabait.
"Ano ka ba Pat? Asawa ka diyan?" hampas ni Leana at tumawa ako.
Ang kulit nila.
"Ako si Reign, ako ang incharge sa interior design." sabi ng babae, matangkad siya pero mukhang magkasingtangkad kami. Chinita siya at mukhang mahinhin, mahiyain kung titignan pero mukhang masayahin naman. Maganda siya at malinis tignan.
"Hi ako si Jap, incharge ako sa pamumuraot este writer." sabi ng isang lalaki, medyo chubby siya pero hindi naman gaanong mataba, sakto lang, mabait siya at mala-entertain. Mukhang siya rin ay nangangasar.
"Ako naman ang incharge sa pag eedit, Editor in chief kung tawagin." sabi ni Leana.
"Si Pat naman incharge naman siya sa computer graphics, basta tungkol sa computer, siya na lahat gagawa no'n." sabi ni Leana.
"Mga baliwak!" sigaw ng isang lalaki sa likod namin.
"Oh? Baliwak! Late ka na ah." sabi ni Pat.
"Alam ko, lagi naman." sabi ni Zach nang nakalapit na siya.
"Kilala mo na 'tong si Zach diba?" sabi ni Reign. "Siya ang Official Graphic Artist natin." dagdag ni Reign.
"Nga pala napakilala ko na si Mindy sa grupo." sabi ni Leana kay Zach at inakbayan ako.
"H'wag kang aakbay sa Baby ko, Leana." sabi ni Zach at lumapit sakin at inalis ang braso na naka-akbay sa balikat ko.
"Napaka damot mo naman Zach. Kailan mo ba tinawag na Baby si Mindy huh? Zach?" tanong ni Leana kay Zach.
"When I saw her I know that she's the one." sabi ni Zach at binatukan siya ni Jap.
"Baliwak, vows naman 'yang ginagawa mo e. Nababaliw ka na talaga." sabi ni Jap.
"Hindi masakit ang pagbatok mo sakin Jap huh?!" sabi ni Zach.
Nag-alala tuloy ako pero natawa na lang ako nang binatukan niya rin si Jap.
"Para fair." sabi ni Zach at umakbay sakin.
"Pero Leana, When I saw you I know you're the-"
"Sige ituloy mo, tatama 'to sa'yo." pagbabanta ni Leana kay Pat habang nakataas ang kamao niya sa mukha ni Pat.
YOU ARE READING
Life Is Like A Flower
Teen FictionMindy Villente who has her life like a cage she never felt freedom 'cause she feel happy if she's alone. What if some people want to be friends with her? What about her high expectation of being a perfect became the most memorable part of her life...