Abala ang mga tao sa paligid ko nang magising ako. Isang araw lang naman akong nakatulog pero parang ilang taon na akong nakahilata rito sa higaan ko.
"Ano po bang nangyayari?" tanong ko kay Nanang na ngayon ay balisa na.
"Hindi ko pa puwedeng sabihin sa'yo hija." sabi ni Nanang kaya naman nakuryoso ako lalo.
"Ano bang hindi ko dapat malaman?" tanong ko.
Hindi siya nagsasalita.
"Nasaan na si Jaykei?" tanong ko.
"Nasa baba kumakain kasama ang yaya niya." sabi ni Nanang.
"Yaya? Kailan nagkaroon ng Yaya si Jaykei?" tanong ko.
Natahimik siya at tumingin saakin.
"H'wag mo muna akong tanungin. Maiwan ka na muna rito at may bibilhin lang ako sa labas." sabi niya.
Tumayo siya pero hinawakan ko ang palapulsuhan niya.
"Ano po ba talagang nangyayari? Bakit hindi ko kailangang malaman?" tanong ko.
"Hindi pa panahon." bulong ni Nanang at inalis niya ang kamay kong nakakapit sa pulsuhan niya.
Nalilito na ako, nakahiga ako rito sa higaan ko nang walang ginagawa. Bumangon ako sa higaan ko at nagsuot ng tsinelas ng ospital.
Dinala ko ang dextros na nakakabit saakin at pinagulong ko 'yon. Nagpasya akong lumabas na muna ng kwarto ko para makalanghap ng sariwang hangin.
Pagkalabas ko ng kwarto ay ang aliwalas ng hallway at walang gaanong tao. Nagtanong ako sa nurse kung saan ba may hardin dito at itinuro niya saakin and second floor.
"May balkonahe do'n at malamig ang simoy ng hangin, maari kang magpahinga do'n kung gusto mo." sabi ng nurse.
"Salamat po." tumango ako.
Naglakad ako para hanapin ang elevator.
"Under construction ang elevator hija, gumamit ka na lang muna ng hagdan." sabi saakin ng isang nurse nang napadaan siya sa gawi ko.
Pumunta ako sa emergency exit. Isang palapag lang naman ang pagitan ko kaya naman nagsimula na akong bumaba.
Bawat baba ng dalawa kong paa ay sabay kong buhat sa dextros ko. May nakakita saakin at tinulungan ako.
Kaya naman mabilis akong nakababa at nakapunta ng second floor sa tulong niya.
"Maraming Salamat po." sabi ko.
"Wala 'yon. H'wag ka na mag po saakin." sabi niya.
Matangkad siya, maamo ang mukha, moreno at ang ganda ng labi niya pag-ngumiti.
"Kailan ka pa dito?" tanong niya saakin ng alalayan niya ako.
"Hindi ko alam." sabi ko at napakamot sa ulo.
"Hindi pa ba sinasabi sa'yo?" tanong niya.
Tumango ako at binuksan niya ang malaking salamin na pintuan. Niyaya niya akong lumabas at humakbang ako.
Humampas saakin ang malamig na hangin. Parang ang sarap uli lumabas at at makakita ng liwanag.
"Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ko.
"Bakit mo natanong?" tanong niya at ngumiti.
"E, kasi sumama ka saakin. Baka kasi may round ka ngayon." sabi ko.
Ngumiti siya at kita sa mata niya ang mangha.
"Round? Alam mo 'yon?" tanong niya.
"Ah.. Narinig ko lang sa nurse ko pag inaayos niya ang higaan ko." sabi ko.
YOU ARE READING
Life Is Like A Flower
Teen FictionMindy Villente who has her life like a cage she never felt freedom 'cause she feel happy if she's alone. What if some people want to be friends with her? What about her high expectation of being a perfect became the most memorable part of her life...