Tulala lang ako sa buong klase, hindi ko maintindihan kung ano ng tinuturo ng teacher. Minsan yumuyuko ako o di kaya nakatingin ng malayo sa bintana. Masakit ang ulo ko kakaisip, naguguluhan ako sa mga sinabi saakin ni Myra tungkol sa kaniya at kay Zach.
Natapos na lang ang klase ko at yumuko ako sabay hinga ng malalim.
" Okay ka lang?" tanong ni Deila.
Hindi ako sumagot kasi hindi ko alam kung maayos ba ako o hindi.
" May gusto ka bang kainin?" tanong niya uli.
Umiling ako.
" May next subject pa tayo, tingin ko may masakit sa'yo ayaw mo lang sabihin, punta ka kaya muna ng clinic?" sabi niya.
" Pwede ba! Tigilan mo na ako!" pasigaw kong sabi.
" Wala naman akong masamang-"
" Please... Gusto ko munang mapag isa pwede?" tanong ko sa kaniya ng medyo kumalma ako.
"O sige.." sabi niya sabay talikod saakin.
Nagsimula na naman silang magbulungan na para ba akong invicible. Masama ang intensyon ni Deila kaya niya iyon ginawa saakin, tutal para siya naman ang pag usapan, na mabait siya at may magandang loob siyang binibigay saakin.
" Si Deila na nga 'tong may magandang loob tapos pag tataasan mo pa siya ng boses?" sabi ng babae kong kaklase.
Nagbingibingihan na lang ako dahil ineexpect ko na'yon.
Nagsimula uli kami sa aming last subject, tulala at wala akong natutunan ngayong araw. Nag vibrate ang cellphone ko sa ilalim ng desk at nakita ko ang text message ni Zach.
" May meeting tayo after class, punta ka nalang sa club." sabi niya.
Natapos na ang klase namin at tumayo na ako.
" Hindi ka ba mag sosorry kay Deila?" Sabi ng kaklase ko.
" At bakit naman ako mag sosorry?" sabi ko.
Naglakad ako papuntang pinto at hinarangan niya ako.
" Ganiyan na ba talaga katigas ang isang kabit?" sabi niya.
Tumingin ako sa kaniya ng diretso.
"Anong tingin tingin mo dyan? Hindi mo ba ako nakikilala? Ako ang girlfriend ni Zach, yung taong nilalandi mo, ahas!" sabi niya saakin.
"Ahas? Ginapangan ko ba yung boyfriend mo?" tawa kong sagot kaya naman dumaan ako sa pagitna niya.
" Hindi ba ako tapos-"
"Pwes ako tapos na, kung nasasabi mong kabit ako, mag asawa ba kayo? Kasal? May anak na kailangan niya ng responsibilidad? I don't know if you know the term mistress." I said.
Umalis ako dahil alam kong away talaga ang gusto niyang mangyari. Wala akong pake kung may relasyon ilang dalawa. Dumiretso na lang ako at pumunta ng kabilang building para pumunta sa club namin.
Nang pumasok ako si Jap pa lang at Reign ang nasa loob kaya naman umupo ako katabi ni Jap.
"Alam niyo ba yung tungkol sa chismis ni Zach?" tanong ko.
Nagtinginan silang dalawa bago sumagot.
" Anong chismis?" tanong ni Reign.
"Alam niyo nga." sabi ko ng mahina.
" Kanino mo narinig?" tanong ni Jap.
"Kaklase ko yung bruha na 'yon na sinasabing girlfriend niya raw." sabi ko.
YOU ARE READING
Life Is Like A Flower
Teen FictionMindy Villente who has her life like a cage she never felt freedom 'cause she feel happy if she's alone. What if some people want to be friends with her? What about her high expectation of being a perfect became the most memorable part of her life...