Prologue

15 2 0
                                    

"Ano bang kailangan mo saakin?" Inis kong tanong sakaniya kahit pa ako'y natatakot.

Ang tangkad niya. Lintik na'to.

Sabi ng mga tita at tito ko'y ang tangkad-tangkad ko na, pero 5'4 and a half lang naman ako. Itong gwapong lalaking nandito ay nasa 6 foot 4 siguro.

Baka palad niya pa lang ay pwede na niyang masakop ang buong mukha ko.

"You know, you have many questions—"Anong kailangan mo saakin?" "Nasaan ako?" "Anong ginagawa ko dito?" "Sino ka?"— Isa isa lang."

"Okay. First question. Go on." Wika niya pag-upo niya sa parang kaniyang trono atsaka ipinag krus ang mga paa atsaka ipinagdikit ang mga kamay na halatang nag-aabang saaking katanungan.

Ang gwapo niya kahit natatakpan ng maskara ang kaniyang kalahating mukha. Teka, umayos ka nga, Katharine. Siya ang nagkidnap sa'yo. Umayos ka!

"Sino ka?" Tanong ko.

"The name is Takashi Dio-Leahcim . Prince Takashi Dio."

Medyo malalim ang boses. Naloloka ako sa sarili ko.

Takashi? Diba Japanese yun? Ibig sabihin ay apelyedo niya iyon?

So, that means his name is Dio and his surname is Takashi. But wait...

"Lay-kim?" Tanong ko.

"Lay-kim or Liya-cim." Tugon niya.

"Nasaan ako?"

"Apparently, you're in my castle. Next."

Castle? Bakit "prince"? Diba dapat ay "king"?

"Anong kailangan mo saakin?"

"Your blood."

"Anong kailangan mo sa dugo ko?"

"I need it so I can step outside your world, exposing my sacred and beautiful skin to the sun."

Hindi na ako nagtanong pa dahil nasagot naman na niya ang lahat ng katanungan ko sa ngayon.

Magsasalita pa lang ako para sana tanungin kung ano na ang gagawin niya saakin nang dumating ang dalawang lalaki na parang mga binata–halos magkaedad lang kami sa tingin ko.

Ayy. Ang papangit. Di ko sila gusto. Tumaas kasi agad yung standards ko dahil dito sa prinsipeng ito.

"Lord Dio, we found the armies of the Hale and Welker clan, they killed all the monsters you've awoken."

"Wha—" Hindi pa niya natatapos ang kaniyang sasabihin nang magsalita naman ang isang lalaki.

"And, the tree have been destroyed as well."

"The tree?" Paglinaw niya.

"Yes, my lord. The peach tree."

Bigla na lang nagyakapan ang dalawang binata habang nakatingin sa prinsipe kaya rin ako napatingin sakaniya. Nanlaki ang mga mata ko at napaatras katulad ng dalawang lalaki.

Sa pagyuko naming tatlo ay kasabay ng pag sabog ng nagbabagang apoy galing sa katawan ng prinsipe.

"Nani!"

"Okay, okay. I'm cool, I'm cool. I'm calm. I'm fine." Bigla niyang sabi kaya ako napangiwi habang nakatingin sakaniya na bumalik na sa dating tindig at itsura.

Napatingin naman ako sa paligid na lusaw at sunog ang mga kagamitang naririto.

Huh. This guy has some temper issue.

Ang gwapo niya sana lalo kung alisin niya yung maskara niya. Sayang, kung hindi sana masama at kaya niya sanang kontrolin ang timpi niya, ako na mismo ang manliligaw sakaniya.

Blood: A Shadow's Game (Volume VII)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon