Pagdating ko ay mabilis na nakisama sila Ray at Roy sa laban. Hinanap ko naman ang hari ngunit hindi ko siya makita. Ang nakita ko ay sila Michi kaya ako agad sumugod sakanila atsaka mabilis na tinali ang mga buntot ko sa kanilang leeg. Gamit ang ilang buntot ko'y tinali ko rin ang kanilang mga kamay upang hindi sila makagawa ng bagay na hindi ko magugustuhan.
"You killed my mother and sister!" Galit kong sabi atsaka gumawa ng apoy ngunit bago ko pa matira sakanila ay may pumulupot na ugat saaking paa atsaka ako hinila palubog sa lupa. Nabitawan ko naman sila.
Bigla naman akong nabalot sa yelo habang ang mga ugat ay nakapulupot pa rin saakin. Nakakita naman ako ng isang parang sphere na gawa sa apoy atsaka ito tumama saaking dibdib.
Gamit ang aking mga buntot ay kumawala ako sa mga ugat, sa yelo, at sa ilalim ng lupa.
"Argh!"
Pagkalipad ko sa ere ay nakuha ko lahat ng kanilang atensyon. Inalis ko naman ang sphere na nakabaon saaking dibdib.
Nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya at sa tingin ko'y nagkaroon ako ng lakas. Napansin ko naman ang pagtubo ng tatlong buntot saaking likod.
"9 tails, huh?" Rinig kong wika ng leader ng Akari base sakaniyang suot na cloak. Ibinato ko naman sakaniya ang hawak kong sphere na gawa sa apoy ngunit bago pa tumama sakaniya ay ang leader ng Pariahs ay gumawa ng yelo kaya dito tumama ang sphere.
Ako ang unang sumugod sakanila. Inagaw ko ang espada ng makita kong kalaban atsaka ito ginamit pang atake ngunit mabilis nila itong nasangga. Sabay-sabay silang umatake saakin ngunit hinampas ko sila gamit ang aking buntot kaya sila tumilapon.
Nakita ko naman si Michi na humawak sa lupa samantalang ang dalawang kasama niya ay sabay na sumugod saakin.
Nakaramdam naman ako ng kung ano saaking paanan kaya pagtalon ko'y kasabay ng pagsipa ko sa dalawang kalaban.
"She split kick them!" Rinig kong sabi nila Sam ngunit hindi ko sila pinansin.
Napatingin ako sa pana ni Jasper malapit sa katawan niya kaya ko ito mabilis na kinuha. Lumipad naman ako agad sa ere.
Ginawa kong apoy ang aking hawak atsaka itinutok sa tatlong kalaban ko. Pagbitaw ko ng tali ay nagawa nilang tumalon palayo. Ang pinagtamaan naman ng palasong tinira ko ay nabalot sa apoy.
Kumuha ulit ako ng isa atsaka ulit tinama sakanila ngunit nagawa nanaman nila itong maiwasan. Sa pangatlong pagkakataon ay hindi ko na nagawang bitiwan ang tali dahil bigla akong nakaramdam ng kung ano saaking kanan. Pagkakita ko'y isang buhawing papunta saakin.
Napatingin din ako saaking kaliwa, likod at harap at nakita doon ang ilang miyembero ng tatlong organisasyon. Pagkakita ko naman saaking ibaba ay nandoon si Michi.
Pupunta na sana ako sa itaas nang makita dito ang dalawang lider.
"Katharine!" Rinig kong tawag ng mama nila Lauren saakin.
Gamit ang abilidad ng aking mata ay nagpunta ako sa kabilang parte at nakita kung paano nagsalpukan ang mga atake nila sa pwesto ko kanina. Agad naman nila akong hinanap. Pagkakita nila saakin ay nakahanda na ang aking apoy atsaka ito itinira sakanila.
Dahil wala na silang oras para iwasan ito ay gumawa na lamang sila ng pangharang dito.
"Katharine-san." Biglang sabi ni Scram sa balikat ko.
"I've got a news for you."
"Ano?" Tanong ko.
"James Welker is the one who told the three leaders of the three organizations where is the location of your family in the human world." Wika niya. Bigla ko naman natigil ang ginagawa kong apoy dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Blood: A Shadow's Game (Volume VII)
VampiriHer real name is Katharine Ashley James Jordan, commonly known as Katharine. However, because of a sudden twist in her life she became Michael for a short period of time. Katharine just wants to live in a human world along with her family. But beca...