Hindi ko na alam kung ilang linggo o buwan na ba ang lumipas simula noong huli kaming nagkita ng prinsipe. Ngunit hindi pa rin mawala sa alaala ko yung ginawa niya saakin.
He's really evil.
Sa bawat pagdaan din ng panahon ay mas lumalala na ng lumalala ang paningin ko. Kung dati ay malayo pa lang nakikilala ko na kung sino ang mga nakikito ko, ngayon ay kailangan ko pang lumapit hanggang sa maka isang metro ang pagitan namin upang makita ko sila ng malinaw.
"Katharine." Tawag saakin ni mama.
"Ihatid mo nga ito sa tita mo doon sa bahay nila. Hindi ko na mahatid yan kasi susunduin ko pa yung kapatid mo. May meeting din kasi kaming mga magulang sa eskwelahan nila."
"Sige. Ano ba ito?" Tanong ko.
"Mga damit." Tugon nila.
Napakamot muna ako ng ulo atsaka na kumilos.
Pagkatapos kong mag-ayos ay tinignan ko ang bag na ihahatid ko.
Lalabas ako para lang dito? Nakakainis naman. Imbes na tumunganga na lang ako dito sa bahay at kumain.
Wala naman na akong nagawa kundi umalis. Nauna na kasi si mama at si ate naman ay nasa eskwelahan niya pa. Ang papa ko naman ay nasa trabaho.
.
Naging mabilis lang ang paghatid ko dahil hindi naman na ako nagtagal sakanila tita. Nagpapa-grocery kasi si mama saakin kaya kahit tinatamad ako'y gagawin ko rin dahil nagugutom na ako.
Pagkakuha ko ng perang pinadala nila saakin ay nagpunta na ako ng grocery store. Pagkarating ko'y nagtataka ako dahil sarado ito.
May nakita akong driver na nag aantay ng pasaheros kaya ko sila nilapitan at nagtanong.
"Kuya. Bakit po sarado sila?" Tanong ko.
"Ahh... hindi ko rin po alam, ate."
"Saan po kayo?" Tanong nila.
Ito naman si kuya. Ang tanong ko lang eh yung tungkol sa grocery store.
At dahil tinatamad na akong magpunta sa paradahan namin, sakanila na ako sumakay.
Tinext ko si mama na hindi ako natuloy dahil sarado sila.
Pagkarating ko sa tapat ng bahay namin ay nakaramdam ako ng kakaiba. Hindi ko na lang ito pinansin at dumiretso na sa pinto.
Biglang nawala ang aking paningin at kahit anong pagpikit at pagbukas ko ng aking mga mata ay wala akong makita.
Pinakalma ko ang sarili ko, at ilang segundo ang lumipas ay bumalik rin ang aking paningin.
Para akong nagkaroon ng mini-heart attack dahil doon.
Pagpasok na pagpasok ko sa pinto namin ay biglang nagbago ang kapaligiran ko. Muntik pa akong masubsob dahil dito.
Kusang nakita ng mata ko kung nasaan ang prinsipe kung kaya't binigyan ko siya ng masamang tingin.
"Start." Aniya atsaka ipinag krus ang mga hita at uminom sakaniyang basong hawak.
Sa ilang buwang lumipas, ang nalaman ko lang ay yung batong parang kulay dilaw na parang ginto na nakay Ken. Hindi ko alam kung para saan ito ngunit sabi ni Kyla ay napaka halaga nito dahil nakasalalay dito ang buhay ng mga tao.
Sinabi ko naman sakaniya ito.
"Get it." Sabi niya agad.
"Ano ba iyon?" Tanong ko. Tinignan naman niya ako.
Inaasahan kong babalewalain na niya ang katanungan ko ngunit sumagot din siya.
"It's one of the stones I am collecting. There are fourteen stones I need to get, and I already have twelve. That stone and the red one is the only left I need to get."
BINABASA MO ANG
Blood: A Shadow's Game (Volume VII)
VampireHer real name is Katharine Ashley James Jordan, commonly known as Katharine. However, because of a sudden twist in her life she became Michael for a short period of time. Katharine just wants to live in a human world along with her family. But beca...