Chapter 6 - ARCHERY

3 2 0
                                    

Kinaumagahan ay nagising ako ng orasan at nag-ayos na upang pumasok.

Nagpunta ako sa kwarto kung saan sinabi nila Miss Wen kahapon.

Pagkatapos kong magpakilala ay pinaupo nila ako sa may likod ni Ken.

Nakilala ko siya dahil nakita ko ang pangalan niya sa papel na nasa kaniyang lamesa.

Sino kaya dito yung Lauren?

Nang natapos ang aming klase ay nakita ko siya sa may roundtable kasama ang dalawang babae.

Naagaw ng babaeng may kulay puting buhok ang aking atensyon.

"Bakit puti ang buhok niya?"

Ang kilala kong may malapit sa puting buhok ay ang hari na si James Welker. Ibig kayang sabihin ay anak niya ang babaeng ito?

"May anak na siya?"

"Sayang naman. Gwapo pa naman siya tapos siya pa yung nasa unahan sa crush list ko." Sambit ko at napatawa ng bahagya dahil saaking mga iniisip at sinasabi.

"Lalaki nga pala ako."

Paano ko sila malalapitan?

Kailangan ko silang kaibiganin para magawa ang pinapagawa saakin ng hari. But how the hell will I able to befriend with them if I'm shy?

Ano na lang ang gagawin ng prinsipe kung malaman niyang nandito ako at malayo sa mga dapat kong obserbahan? Hindi ko kasi nasabi sakaniya noong huli kaming nagkita ang tungkol dito.

I'm in trouble. I can't believe I am stuck in here and I can't believe that I'm being a dog with that beguiling evil and that, king.

At dahil nahihiya ako, nagpunta na lamang ako saaking locker para ilagay ang mga gamit ko at palitan ng iba. Pagsara ko nito ay napatalon ako dahil sa lalaking nakatitig saakin.

"You're new here, right?"

"Y-yes, sir."

"What year are you?"

"Ahm, freshman, sir."

"You're height is quite good. Gusto mo bang sumama sa lacrosse?"

Lacrosse? Hindi pwede. Tama na. Ang dami ko ng responsibilidad, at ayoko ng dagdagan pa ito.

"Ahhh.... pagiisipan ko po, sir."

"How about archery?"

"Pagiisipan ko rin po." Pagngiti ko sakanila.

"Sige. Kung magbago ang isip mo, puntahan mo na lang si Ken. Ipasulat mo ang pangalan mo sakaniya."

"Ken?"

"Oo. Sige. Mauna na ako."

"Sandali po! Sir. Sige po. Sasama na po ako. Saan ko po ba siya mahahanap?"

"Sa field. Nandoon siya at nagsasanay."

"Sige po. Salamat po." Aniko.

"Yes!" Sambit ko dahil mas mapapalapit ako sakaniya.

Bigla naman ako napatawa ng bahagya dahil sa kaalamang maga-archery ako pero malabo ang mga mata ko.

Yung Lauren kaya? Nasaan na kaya iyon? Isa kaya siya doon sa dalawang babaeng kasama ni Ken?

Gaya ng sinabi ni Sir ay nagpunta ako sa field at naabutan ang ilang estudyante na nagsasanay sa pagpana.

"Hindi ko kinakaya ang pagpana noong pinapagawa saakin ni Rein, pero ngayon ay sasali ako para lang dito?"

"I can't believe this." Wika ko saaking sarili.

Hinanap ko naman siya at nakitang naglalakad siya papunta dito sa field.

Blood: A Shadow's Game (Volume VII)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon