Chapter 21 - WEDDING part 1

2 2 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at wala naman ng gulo ang nangyayari. Ang mga organisasyon ay tahimik at wala pang ginagawang pagkilos. I wonder why.

Sila Caleb naman ay binalik ko na sa kastilyo ng prinsipe. Si Kyla naman ay magaling na.

"Teka. Hindi ko na kaya." Hingal kong sambit kay John.

Nandito kasi kami ngayon at nag titraining. May tig 50 kilos na weights sa dalawang paa ko, siya naman ay tig 75 kilos, at hindi ko na talaga kayang tumakbo paikot dito sa ginawa nilang pagiikutan namin.

Si mister Denver ay kasama ang magulang nila Lauren, kaya si mister Gerald ang nagtuturo saamin. Ang sabi nila ay kailangan kong palakasin ang stamina ko, ngunit alam ko sa sarili kong hindi ko talaga ito kaya. Si John naman ay sobrang kabaliktaran ko. Hindi ko alam kung ilang energy drink ba ang ininom nito at nagagawa niya pa ring makatakbo.

Noong mga nakaraang araw ay si haring Hiro ang nagtuturo saakin sa paggamit ng ribbon at dagger. Nakita ko kasi yung ibang klaseng armas na gamit niya, at gusto ko itong matutunan.

Sa pagtuturo niya saakin ay ito lamang ang nakukuha naming oras para makapag sama na dalawa dahil sa busy schedule namin.

Hindi man ganon katagal ang pagtuturo niya saakin ay pansin kong natututo ako ng mabilis. Marahil ay pursigido talaga akong matuto nito.

Ang klase kasi ng armas na pinagaaralan ko ay ribbon na may habang 10 meters, at sa dulo nito ay ang tinali niyang dagger. Nagumpisa ako sa isang ribbon hanggang sa nakakayanan ko ng gamitin ang tatlo. Sa susunod ay lima na, ngunit sabi ni mister Gerald ay sa stamina muna ako dahil may kailangan pang gawin si haring Hiro.

"Alright. Time-out. Rest for 2 minutes, then start again." Utos nila kaya ako napaupo.

"You still can run?" Medyo mapang-asar na tanong ni John saakin ngunit hindi na ako makasagot dahil sa pagod.

"Okay. Time's up! Start again." Anila. Tinulungan naman na ako ni John na makatayo atsaka nanaman kami tumakbo.

Nakailang oras kami dito hanggang sa tumigil na kami at bukas nanaman daw ulit. Bukas ay sa kamay na namin ilalagay ang weights. Sabi nila ay tig 25 kilos ang nasa bawat braso ko samantalang si John ay tig 40 kilos.

Papasok na kaming dalawa sa kastilyo nang mapatingin ako sa gate at nakita sila Ray at Roy na nakikipag laban sa mga kawal dito. Agad akong kinabahan at napatakbo papunta sakanila.

"Wait! I thought your legs hurt?" Rinig kong tanong ni John saakin atsaka rin sumunod.

"Katharine." Tawag nila Ray at Roy saakin sa labas atsaka sinipa ang mga kawal.

"Anong nangyayari?" Nagaalala kong tanong.

"It's Caleb." Anila kaya ako mas kinabahan.

"Let's go."

Tumakbo naman ako agad kasunod nila at grabe ang pag-aalala. Parang nanggaling lang ako doon kaninang umaga ha. Anong nangyayari? Kinuha ba siya ng mga kalaban? May nangyari bang masama sakaniya? Ano?

Damn it! Pag may nangyari talagang masama sakaniya, hindi ko mapapatawad ang may sala dito. Uubusin ko lahat ng angkan non.

Mabilis nilang binuksan ang pinto ng kastilyo atsaka tumakbo papasok. Agad ko ring narinig ang malakas niyang pag iyak kaya ako mas kinabahan.

"Nasaan na siya?!" Tanong ko sakanila.

Hindi ko na sila inantay magsalita atsaka na tumakbo papunta sa aking silid. Naabutan ko naman dito si Mrs. Estella na buhat-buhat si Caleb at pilit na pinapatigil sa pag-iyak.

"Oh? What's with the rush, Katharine? Bakit ganiyan ang itsura mo?" Tanong nila saakin. Hindi ko naman maalis ang tingin ko kay Caleb.

May sugat ba siya? Anong nangyayari?

Blood: A Shadow's Game (Volume VII)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon