Pagkarating namin sa lugar ay naabutan namin ang mga organisasyon na kalaban sila haring Hiro.
Nakita ko naman ang mga magulang nila Lauren kaya uminit agad ang aking ulo.
They've promised me they will protect my family. But what happened?!
Tama nga ang sinabi ng prinsipe. Wala siyang pagkakamali sa mga sinabi niya. Pag wala na nga silang kailangan sayo'y iiwanan o pababayaan ka na lang nila.
God! I really hate it when he's right.
"Ahh!"
"Mom!"
Bigla akong nabalik sa kasalukuyan at nakita ang magulang nila Ken na umaapoy. Gumulong sila sa sahig hanggang sa mawala ang mga apoy sakanila.
Nakaramdam naman ako ng paginit saaking mga mata. Para nanaman itong nasusunog at para nanamang pinipilit alisin saakin ang mga mata ko.
Nasaan na ang prinsipe? Nasaan na si mister Nikko?
Habang walang nakakapansin saakin ay umatras ako atsaka umalis. Naglakad-takbo ako hanggang sa makapunta ako sa kastilyo ng prinsipe.
Pagpasok ko dito ay wala akong makita sakanila Mrs. Estella.
Naglakad pa ako ng naglakad hanggang sa makarating ako sa likod. Dito ko nakita ang prinsipe at si mister Nikko na naglalaban. Sila Ray at Roy naman ay nakatali sa taas ng puno gamit ang itim na tali na animo'y isang anino.
Hinanap ko naman si Mrs. Estella ngunit hindi ko sila makita.
"Who are you?! What do you really want from me?!" Tanong ng prinsipe ngunit binato lang siya ni mister Nikko ng kulay asul na apoy.
Tumalon ang prinsipe atsaka siya gumawa ng apoy at ibinato. Gumawa ulit siya ng isa pa atsaka nawala at napunta sa likuran ni mister Nikko.
Hala!
Mabilis na nakalipad si mister Nikko bago magtama ang dalawang apoy na ginawa ng prinsipe. Galing sa itaas ay sumugod sila papunta sa prinsipe kaya naman siya naghanda.
Sa hindi ko inaasahang pangyayari ay biglang nasa likuran na ng prinsipe si mister Nikko at nagawa niyang matamaan ang prinsipe dahilan ng pagtilapon niya. Mabilis namang nakaayos ang prinsipe kaya't hindi siya natuluyang tumama sa pader ng kaniyang kastilyo.
Paano nangyari iyon?
Ahh... his abilities are linked to shadows.
Yung anino niya kasi habang nasa itaas siya ng prinsipe ay nasa likuran ng prinsipe. Nagawa niyang makapunta doon dahil anino niya naman ito.
His ability is awesome, but such a pain in the neck.
Napahawak ang prinsipe sakaniyang tuhod at parang may pilit na iwinawaksi sakaniyang isip.
"Don't try to stop it." Sabi ni mister Nikko at mabilis na lumapit sa prinsipe atsaka nanaman siya sinuntok ng napakalakas.
Hindi pa nakakahinto ang prinsipe ay mabilis ulit siyang nilapitan ni mister Nikko atsaka yumuko at sinipa sa baba ang prinsipe kaya siya tumilapon paitaas.
"I said don't try to stop it!" Madiing sambit ni mister Nikko atsaka hinawakan ang damit ng prinsipe at sinuntok ulit paibaba. Sa pagtama ng katawan ng prinsipe sa lupa ay nagkaroon ito ng pagtalsik ng mga lupa at alikabok na mabilis bumalot saamin.
"Don't try to stop it." Madiin nanamang wika ni mister Nikko at nakarinig ako ng ingay. Napatingin ako sa itaas at nakita dito ang prinsipe na pinagsusuntok nanaman ni mister Nikko.
Napansin ko naman ang pagtingin nila sa paligid na animo'y may nanonood sakanila.
Nang masalubong ko ang kanilang mga mata ay para akong hinila ng kanilang mga mata papunta sa ibang dimensyon. Pagkakita ko'y nandito kami sa sobrang pamilyar na lugar.... ang purgatoryo.
BINABASA MO ANG
Blood: A Shadow's Game (Volume VII)
VampireHer real name is Katharine Ashley James Jordan, commonly known as Katharine. However, because of a sudden twist in her life she became Michael for a short period of time. Katharine just wants to live in a human world along with her family. But beca...
