Chapter 7 - THE FRUIT

4 2 0
                                        

Pagkalapit ko ay narinig kong natawa ang babae sa sinabi yata ng Hari.

"I don't want to call you 'Jack' as much as I do." Wika ng babae.

"Why?" Tanong naman ng Hari.

"Because Jack is my bestfriend, and James is my love." Aniya.

"But I am both of them." Sabi ng Hari atsaka lumapit sa babae.

"I am both of them, mon amour." Ulit niya atsaka hinawakan ang gilid ng mukha ng babae atsaka niya hinalikan.

Bigla akong napatalikod habang nakaawang ang aking bibig.

Oh my God. Diba magkapatid sila?

I can't believe this. I can't believe my eyes.

"You're still my love that I know." Rinig kong sabi ng babae.

"I am." Sagot ng Hari atsaka nanaman sila naghalikan kaya na ako tumakbo palayo para hindi ko sila marinig o makita.

"Oh my gosh. My virgin eyes." Sambit ko atsaka naghugas ng mukha.

"My virgin ears." Sambit ko nanaman atsaka hinawakan ang aking tenga.

"I can't believe this."

"I think that's... that's.... what do you call that word?" Tanong ko sa hangin.

"Consanguinamory." Aniko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ayy, tangina!" Malakas kong sabi dahil sa biglang pagsulpot ni Jasper.

Humalakhak siya dahil sa naging reaksyon ko kaya ko siya iniwanan ngunit sumunod din siya.

"Kung sana ay pwedeng ulit-ulitin yung reaksyon mo kanina, baka matawa ka rin." Wika niya ngunit hindi ko siya pinapansin.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong niya nang kumalma na siya.

Hinarap ko siya atsaka siya tinignan ng masama at naglakad ulit.

"Akala ko ba pinapunta ka ng hari doon sa mundo ng mga tao? Bakit ka nandito?"

"Paano ka nakapunta dito?" Tanong niya nanaman.

Hindi ako pwedeng hindi sumagot dahil magtataka na siya. Kung sasagot naman ako ay kailangan kong ayusin at ingatan ang sasabihin sakaniya dahil matalino ang lalaking ito.

"Tumakas kasi ako doon sa kalaban." Pagsinungaling ko atsaka napakagat saaking labi at umiwas ng tingin.

Ayoko mang magsinungaling ay kailangan ko.

"Oh? Nakatakas ka?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Paano?"

"Anong 'paano'?" Tanong ko naman.

"Kasi kanina, nagpunta dito si Dio. Ang dami niyang napatay na sundalo tapos dinala niya sa kung saan."

"Hindi mo ba napapansin na kumonti ang mga nandito?"

"Hindi." Tugon ko.

"Kaya kita tinatanong kung paano ka nakapunta dito at kung paano ka nakatakas sakaniya."

"Ahh. Kasi doon sa eskwelahan na pinapasukan ko, may isinulat siya gamit ang dugo. Siguro yung ginamit niya yung dugo ng mga kawal dito." Sambit ko.

Siguro nga dugo nila ang ginamit niya.

"Pwede. Malaking posibilidad iyon." Sagot niya.

Tinignan niya ako ng mapagdudang tingin pagkatapos atsaka lumapit saakin ng paunti-unti.

Blood: A Shadow's Game (Volume VII)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon