Chapter 3 - NO MAN IS AN ISLAND

5 3 0
                                    

Kinaumagahan ay nagumpisa na kaming mag-aral. Kasama ko ang ilan sa mga kahahanap lang sabi ni Rein.

"Ngayon. Titignan natin kung saan ba kayo marunong."

"Sa pamamagitan nito, malalaman natin ang abilidad niyong nasainyo na." Wika ni Rein.

Sa aming harapan ng mga kasama ko ay may lamesa na may iba't ibang armas. Nakahilera kaming lahat at isa-isa raw kaming susubukan ang mga armas na nasa lamesa.

Pinanood ko ang mga nauna saakin hanggang sa ako na ang susunod. Napalunok ako dahil sa mga nandito saaking harapan.

Parang titignan pa lamang sila'y masusugat na ako dahil sa talim nila.

Nagumpisa ako sa pagpana dahil ito ang nasa dulo. Pagtira ko'y hindi man lang umabot sa kahoy na dapat kong tamaan kaya natawa ang mga lalaking nasa likuran ko. Umirap naman ako dahil sakanila.

Sinunod ko ay ang parang star. Ibinato ko ito sa kahoy na dapat kong tirahin ngunit hindi ito umabot. Tumango si Rein at tinignan ang susunod na armas na nagsasabing umpisahan ko na.

Sinunod ko ang punyal atsaka ulit ito ibinato. Hindi ulit ito tumama kaya nanaman natawa ang mga lalaki. Ang sinunod ko ay ang espada kahit ang latigong gawa sa kadena ang nauna.

Nagpunta ako sa kahoy na parang tao atsaka doon naghanda. Ipinindot niya ang pulang bagay atsaka na nagumpisang gumalaw ang parang taong nasa harapan ko. Napaatras ako at nawala sa linya kaya niya ito itinigil.

"Dapat mo itong iwasan gamit ang espadang hawak mo. Ano na lamang ang kwenta nito kung hindi mo gagamitin?"

"Pasensya na po." Aniko at nagumpisa na ulit.

Iniwasan ko ang mga tira nito gamit ang espadang hawak ko. Kahit medyo naiilang at nahihiya ako ay inilagay ko pa rin ang atensyon ko saaking kalaban dahil baka masugat ako nito.

"Para kang babae kung gumalaw." Madiing sabi saakin ni Rein kaya natawa lalo ang mga lalaki.

"Tahimik!" Utos niya kaya sila agad tumigil.

Bumalik na ako sa lamesa at nanginginig kong hinawakan ang latigo at hindi ko man lang kayang itira sa dapat kong tirahin.

Natatakot kasi ako na baka bago ko pa lang ito maitama sa dapat kong tamaan ay matamaan ko na ang aking sarili o makatama ako ng iba.

Nagpakawala ng malalim na paghinga si Rein atsaka ako pinaalis.

"Nasasayang ang oras– ano nga ba ang pangalan mo?"

"Ano?!"

Hindi ako makasagot. Bigla na lamang tumulo ang aking mga luha sa hindi ko malamang dahilan. Sumikip din bigla ang aking dibdib na para akong hindi makahinga.

"Ano ka? Lalaki ka ba talaga?" Galit niyang tanong saakin.

"Umalis ka dito sa harapan ko!" Malakas nilang sabi kaya na ako umalis.

Ano bang nangyayari sa buhay ko? Bakit ba ako naipit sa ganitong sitwasyon?

Saan na ako pupunta nito?

Naisipan kong magpunta muna sa kwarto na tinulugan ko kagabi at aalis na lang ako kung dumating na ang mga kasama ko.

Ilang oras akong nakahiga saaking kama habang iniisip kung gaano ko na kagustong bumalik saaking pamilya. Gusto ko na lang mabuhay ng tahimik, ayoko na dito.

Dumating na ang mga kasama ko kaya na ako tumayo upang lumabas. Narinig ko pa ang pangaasar nila saakin ngunit hindi ko na lamang sila pinansin.

May nakita akong bukal sa harapan ng mismong kastilyo sa gitna. Napakaganda nito. Naisip kong titigan ito dito saaking kinaroroonan dahil napakaganda nito.

Blood: A Shadow's Game (Volume VII)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon